Tuesday, March 08, 2005

BUGOY

Nagulat ako sa nabalitaan ko kay isda, nasabi niya na may nangyaring masama kay Bugoy, naaksidente daw 'to! putok ang ulo at hindi makalakad sa ngayon.. Kailangan niya ngayong mag stay sa bahay nila sa loob ng anim na buwan at gumamit ng saklay. Hindi tuloy namin siya makakasama kapag may inuman. Sumama daw kasi 'tong si Bugoy na mag hatid sa bahay ng kinakapatid ko, tatlo yata sila sa tricycle, lahat sila may tama na pati yung driver ng tricycle na kababata ko rin. Nanggaling kasi sila sa inuman at pag kahatid pa nila sa bahay ng kinakapatid ko, nag inuman pa sila ulet. Kaya nang nasa biyahe sila pabalik na ng bahay... Ayun! sumalpok ang minamanehong tricycle sa poste at tumaob pa yata ayon sa kwento nila, may nadamay ding mag amang naka motor nung gabing yun..

Bakit ko ba nakwento 'tong si Bugoy sa blog ko? Si Bugoy po kasi ay ang kababata, dating kapit-bahay, kinakapatid ng kapatid ko, kasama ko sa pangangarulin noon kapag mag papasko, ang nanlalamang sa akin sa hatian ng napag karulingan at "bulli" ko nung mga bata pa kami. Nag kasapakan na nga kami niyan! Syempre dahil mas malaki siya noon at mas matanda ng apat na taon sa 'kin, ako ang nakawawa at umiyak. Pero napalo naman siya ng tatay niya.. kaya amanos lang.. Mag katapat kasi kami dati ng bahay, kaya kapag may humahagulgol dinig namin. Pareho kaming matigas ang ulo at madalas mapalo ng mga nanay namin nung mga bata kami.

Simula nung lumipat kami ng bahay at nag highschool ako, hindi ko na nakakasama si Bugoy, nag kikita na lang kami kapag nag kakasalubong.. asaran, kantiyawan ang batian namin. Nag karoon na kasi 'ko ng mga ibang barkada sa Catholic School na pinasukan ko nun.

Ngayon na lang ulet kami nag kasama sa mga inuman at tambayan, nang mag college na'ko at nang mag aral sina Bebong at Isda sa pinapasukan kong University. Barkada din kasi nila si Bugoy, madalas kong kasama 'tong sila Bebong dahil sabay kami sa pag uwi. Kaya hindi maiwasan na mayaya sa mga inuman sa kanto kapag nasa bahay na. Doon nag kakasama kami ni Bugoy, at nag kakakwentuhan. Medyo nag bago na siya, hindi niya na'ko binabatukan at inaasar masyado ng magkasama kami, siguro dahil matatanda na kami at mas malaki na 'ko sa kanya ngayon at hindi niya na 'ko kayang paiyakin tulad nung mga bata pa kami. Makulit pa din 'tong si Bugoy ng barkada kaya masayang kasama sa mga inuman. Kaya ngayon dahil sa nangyari kailangan niyang maging seryoso sa pag papagaling. Kaya kayo mga 'tol huwag kayong bibiyahe o mag da drive kapag lango kayo sa alak, para hindi kayo matulad dito kay Bugoy. Uminom tayo ng TAMA!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home