Tuesday, May 05, 2009

SPOT

I'm back to this site to share my bad emotions of what happened to my 10 year old dog died last night, he was poisoned by a freak creature in our place.. for that incident I got rid of the people that we suspected. I know that one of the well known drug pusher in our street (not to mention the name ) has the capability and motive to do that.
There was an instance last year before Christmas that my mom encountered these "FREAK GUY" together with his "FREAK WIFE" because they want our dog to get out from their sight.. they were afraid everytime they see spot barking against them, though we keep him inside our gate.

They called for a "Barangay Tanod" to pick up our dog, but of course we never let that damn... and they "threatened" to kill spot once they've got a chance, it's also the advice of one of the "tanod" during that time, according to them while having arguments.
It's all because... our dog make noise everytime there's a new face looking for them everyday and night..and it affects to their illegal business involving DRUGS.. that kills and destroy humans.

Our place is well known for that shit.. and we all know here in USUSAN TAGUIG that this problem is too serious and rampant.!! Though we feel the progress financially here in the CITY infairness to our MAYOR and the councils. we still have big problem to solve..

How can we enjoy the progress of the City if theres a threat to our lives and security? because of the people under this bad influence.?

Sometimes it invoves our "Barangay Tanod"! and worst the officials.. "I wish there should be a "MANDATORY DRUG TEST" in our Barangay especially the people that we must expected to be the PEACE MAKER and the PROTECTOR of LAW! not "DRUGS"?
I'm asking for the continuous surveillance against illegal DRUGS.. and hoping for the sympathy of our GOVERNMENT including the PNP, NBI, PDEA, DOJ, CHR even the PAWS concerning the RIGHTS of THE ANIMALS
And aLL OF THE HONEST OFFICIALS WHO PROMISE TO SERVE THEIR PEOPLE IN GOOD WAYS, THOSE who HAVE THE AUTHORITY to IMPLEMENT the RULE of LAW. and the most importantly, the CITIZENS who still concern on the future of their kids and love ones..
SPOTan natin sila!! They also need a REHABILITATION,..( "Baka mabilis mapuno nga lang")
I still have faith that all humans have the right to change their lives for good, though they've suspected? or convicted as criminals.


Tuesday, September 09, 2008

IT'S BEEN A LONG TIME..

Hei, hindi na naman makatulog? kahit may pasok bukas, plano kong mag leave, bahala na, depende siguro kapag napasarap ang pagtulog.. As usual eto pa rin, kumakayod,bilis ng panahon! Dati unang blog ko, college pa lang ngayon eto, mag dadalawang taon na sa pinaka matagal kong work so far?.. hahaaha.. Ewan ko rin? himala at tumagal ako sa work kong 'to, kahit minsan nakakabwiset na. Pero sarap naman pakiramdam kapag na overcome na ang mga lintik na reports na yan...!! at syempre hindi pa rin mawawala ang goodtimes kapag sahod.. hehe..
Masyado lang talaga akong friendly, kaya kung san, san ako napapadpad, pero hinayhinay lang muna.. medyo tumatanda na rin pala tayo, na consume ko na pala ang 1/4 of the century ng buhay ko.. hindi ko na namamalayan.. medyo nag gain na rin tayo ng timbang at kasunod nun, madalas.. tumataas na rin ang B.P.?!!! wahahaaaha... kasapi na po 'ko ng samahang Bantay Puso, Bantay Presyon...Bawal na ang PORK.. pero hirap maiwasan... sarap eh... kaya minsan ang utak na ng tao, baboy na rin..
Medyo nag iisip na rin ako bumalik sa gym.. naks, para namang tumagal ako dati sa pag gy-gym? eto ang kwento.. ...2 years ago kasama ko ang kaibigan ko, nag pa member kame dito sa GYM sa malapit sa amin, pinili namin sked gabi, ayun akala namin handa na kame, eh sabi kasi nung instructor ok lang eh, mukang nabigla ang katawan namin,.. sunod na nangyari.. pag gising sa umaga,.. nanigas lahat ng muscles... resulta.. hindi nakapasok sa trabaho at minasahe na lang namin ang isat-isa.. hahaha at simula nun, natapos ang career namin sa GYM.. Ewan ko lang kung kakayanin ko na ngayon, kelangan ng konting warm up yata at ayos ng sked para hindi conflict sa work.. Yun lang muna ang mababalita ko sa ngayon.. ZZZZZZZZZZZZZZZ......sleepy...

Sunday, April 27, 2008

BAHAY TRABAHO

Anong petsa na 'to, natapos na ang mahal na araw, papasok na ang Mayo, wala pa rin akong bakasyon grande man lang, wala naman kasi nagyaya ng maayos at planado, kung meron man, hindi ko naman kilala yung ibang kasama, gaya nung mag outing ang family ko sa Zambales, kasama dapat ako, ang kaso, company outing yun ng kapatid ko, isasabit lang kame.. badtrip din ako nung araw na yun.. wrong timing lang din.
Si Pipoy nagyaya sa Baras, Rizal, ang kaso mga klasmeyt naman niya ang kasama, mas okey sana kung solid na ka close ko ang mga kasama ko, ayoko ng nagmumuka akong sabit lang. hehe
May isang buwan na lang bago matapos ang summer, kapag nagkataon na wala akong bakasyon ngayon, eto na yata ang pinaka boring na summer ko..

Thursday, April 03, 2008

BOGS

Isang linggo na naman ang nakaraan, pero ang daming nangyari, sa loob ng mga araw na yun, nasubukan ko'ng mabuhay mag isa kasama ng isang kaibigan. Matagal ko ng plano ang mag solo at mabuhay ng independent sa katunayan nga, unti unti na'kong bumibili ng mga kakailanganin ko sa bahay, una ko'ng nabili ang rice cooker at gas stove. Nakuwento ko 'to sa kanya at gusto niyang sumama sa plano ko.. Sige ba ang sabi ko para may makausap naman ako....
May kasama na siya sa bording haws na tinuluyan niya dati, kaso madalas niyang sabihin na hindi na daw siya masaya sa lugar na yun, kasi daw ang daming tsismosa at kapag weekend naiiwan siya mag isa sa maliit na kwarto, walang tv, may radyo pero hindi epektib, mainit kasi sa hapon, cellphone lang ang libangan, kaya kahit sino na lang ang ka text na kapitbahay niya, hanggang sa magkaroon sila ng affair na umabot sa bugbugan nitong nakaraang Sabado de Gloria, Nang magselos ang asawa ng ka text niyang kapitbahay, malapit sa riles ng tren. hinabol daw siya na parang gusto na siyang patayin pagkatapos siyang makawala sa kamay ng malaking mama', pati cp na ginagamit niya sa pakikipag textm8 winasak.
Linggo ng Pagkabuhay, tumawag sa cp ko ang isang kaibigan ng ibalita niya ang masamang nangyari sa barkada namin na yun. Punta agad ako, gusto ko pa ngang resbakan sa galit ko, kaso mali rin naman ang kaibigan ko, tsaka naisip ko na hindi ko lugar yun.. hehe.. nakakatakot kaya ang mga tao sa tabing riles..
Nangyari ang kinakatakutan namin, kahit na pinagsabihan na namin siya bago pa sila mabuko. Sa'kin siya lumapit para humingi ng tulong, lumipat na daw kami kasi hindi na siya pwede sa bording haws na yun.
Ginawa ko naman ang lahat, wala akong naitulong na pera, pero sinamahan ko siya na manghiram sa mga kakilala niya sa Pasay, todo suporta ko, kaya ng makakuha kami, lumipat din agad kami nung gabing yun. Siya ang nag down pero sa'kin ang mga mahalagang kagamitan ( elektrikpan, rice cooker, gas stove plato, kutsara't tinidor, timba, tabo, planggana, sabon, toothpaste, joy at spongha, hanger at kama, atbp.,) umuuwi pa nga ako minsan samin para kumuha ng ulam at kanin kapag nag text ang nanay ko na masarap ang ulam, kasi wala talaga kaming pera nung lumipat kami, napunta lang sa pang down sa bahay. Nangako siya na iiwasan niya na ang taong halos sumira sa kanya.
Pero naging matigas ang ulo niya, hindi rin siya nakinig, lalo na ng malaman at mapatunayan kong yung ka text pala niya sa cp ko na iniba niya ang pangalan eh yung taong ginago siya.... sa sama ng loob ko nitong lunes lang, bumalik din ako sa bahay namin, sa bahay ng nanay ko, hakot ko lahat ng gamit ko, medyo naging malupit nga ako sa kanya ng ginawa ko yun, pero ipinakiusap niya na iwan ko na lang ang kutson na binili ko lang nung unang sweldo ko dito sa trabaho ko.
Hindi ko rin naman siya matiis kaya kahit papano nagtira pa rin ako ng gamit para ipahiram sa kanya. Pinipigilan nga ako ng iba naming kaibigan na huwag ko muna siyang iwan, pero ganun talaga ko kapag nagalit at pinaramdam mo na binaliwala ako. Walk out ang gagawin ko..
Sa totoo lang naawa ako sa kanya ng ginawa ko yun, pakiramdam ko kasi iniwan ko siya sa ere, iniwan ng wala maliban sa kutson, pero ayoko kasi talaga ng ganun.. Naisip ko na ayos na rin yung nangyari, hanggat maaga kaysa palalimin ko pa.. Pinigilan ko ang emosyon ko na parang bato.
Nagkainuman pa nga kami sa bahay na yun bago ko kunin yung elektrikpan ko.. nagkadramahan pa.. nakakatawa na lang na nangyari sa'min 'to sa loob ng isang linggo.
Sana matutunan niya ng pahalagahan ang mga taong nagpahalaga sa kanya at madala na sana siya sa nangyari.. pero parang hindi pa rin... Ikaw na bahala sa kanya...

Saturday, February 23, 2008

JANJARAJAN!!!

Tagal ko rin hindi naka pag blog, syempre busy sa trabaho at sa mga katrabaho. mag iisang taon na'ko dito, masaya na mahirap. masaya kasi ok naman ang mga kasamahan ko, at masunurin naman sila sa'kin. hehe at mahirap dahil multi tasking, at baka ang akala ng boss ko ako si superman. ganun pa man mas marami naman akong natututunan dito.
Pero ako, parang ganun pa rin ang attitude ko, hindi pa rin ako nakakaipon, at minsan nga hindi na'ko nakakapag bigay kay ermat ng entrega sa bahay. Pero siya, mukang naiintriga na sa'kin kung saan napupunta ang sahod ko. wala lang sabihin na nating medyo naging maluho ako nitong mga nakaraang buwan, at sagana sa inuman, kada sahod. Ang uwi ko kinabukasan na.
Nung nakaraang linggo nga pinapalayas na'ko, syempre ako matigas ang ulo ko eh.. ano naman ang ipagmamalaki ko.. pero ng mag umpisang maglipatan ang mga katrabaho ko sa lugar na kung saan kapitbahay lang namin ang pinag tatrabahuhan. Nainggit yata ako. may pagkainggitero kasi ko pag dating sa mga bagay na gusto kong gawin pero nagawa na ng iba.
Masama ba yun? Sumagi lang sa isip ko na magsolo na sa buhay. Naku Po! ang drama ko na naman..hehe. Syempre tumatanda na rin tayo. Nung una kong nag blog disinnwebe anyos pa'ko, ang bilis ng panahon at hindi ko namamalayan, na konsumo ko na pala ang 1/4 of the century ng buhay ko. Hindi ko alam kung tumatanda ako ng walang pinagkatandaan, pakiramdam ko hindi pa'ko mature. Basta ginagawa ko lang kung saan ako masaya ngayon.. at kahit hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan. Bahala na si Batman..
Marami na rin yata akong taong nasaktan at nasasaktan sa mga ginagawa ko, pero ang alam ko lang nagpapaka totoo lang ako, pati yata sila naguguluhan na sa sarili nila ng mag umpisang mapalapit sa'kin, lagi na lang ganun. Pakiramdam namin masaya kami sa umpisa, pero pag dating sa bandang ending, sumusuko din. Urong sulong ba. Hayaan ko na lang sila. kung saan sila masaya, sige lang.

Sunday, October 28, 2007

PARA SA MGA WALANG INTEREST MAG BLOG.

Nasulat ko ang tungkol dito para sa mga taong nagtatanong kung ano ang blog at kung para saan ba ito.. Dati hindi ko rin alam ang tungkol dito, pero dahil napakilala sa akin ang tungkol sa pag bo-blog.. nagkaroon ako ng interest. at napag alaman ko na ok din naman pala.
Dito ko nga binubuhos ang oras ko kapag wala 'kong magawa o hindi ako makatulog, at syempre tulad ngayon na habang ginagawa ko 'to ay lasing ako.. at ito ang trip kong gawin.
Sa blog pwede mong ibuhos lahat ng sama ng loob mo sa mundo.., ikuwento ang sarap at ligaya na naranasan mo at higit sa lahat ang mga opinyon mo sa mga bagay-bagay lalo na sa kapaligaran at lipunan, sabihin na nating hindi ka nga isang propesyonal na manunulat, pero ng dahil sa blog mas nabigyan ka ng karapatan at laya na ipahayag ang sarili mong pananaw kahit ikaw ay ordinaryong tao lang.
Dito masasabi mong may pakialam ka sa mga pangyayaring may kinalaman sa'yo at sa nakakarami.. o kahit na sa mga opinyong mong sa tingin ng marami ay ikaw lang ang nakakaintindi..
Minsan masarap makabasa ng mga opinyon galing sa ibang tao tungkol sa nasulat mo, kahit na hindi maganda ang sinasabi nila, ibig sabihin lang nito na napektuhan mo sila at naki elam sila sa pinag susulat mo na kahit na wala namang kwenta.
Sa aking palagay, masarap mag blog, hindi lang para masabing "IN" ka kundi dahil may kabuluhan din naman para sa'yo. at masarap ding pang ubos oras sa mga panahong tulad ngayon na walang magawa tulad ko.
"Ang tagal naman ng bagong inspirasyon!! nakakainip na!!! wala lang, nasabi ko lang... Nasan ka na ba? traffic ba?"

Sunday, August 19, 2007

A BAYWALK TO REMEMBER

Sa sobrang busy ko, hindi ko na namamalayan ang mga nangyari sa paligid ligid.. pressure sa trabaho.. antok na pag uwi, pero atleast nakakasama pa rin sa inuman ngayon every weekends sa mga bahay na lang ng mga tropa.. at sa mga kwentuhang lasing na lang yata ako nakakasagap ng balita.. at bilang manginginom at paminsan minsang gala' sa mga bar at street party kapag may pera at nagkayayaan at kadalasang malibre, Naapektuhan yata ako sa pagsara ng BAYWALK para sa mga gimikan..
Gusto ko si Alfredo Lim na Mayor, pero may mga ginawa siyang hindi ko yata nagustuhan at hindi ko maintindihan.. Nung una nabalitaan ko na bubuksan niya ulit ang AVENIDA sa mga motorista, at yun nga natuloy rin.. Syempre tinanggal na yung mga bricks sa kalsada.. Naisip ko rin na baka may mabigat siyang dahilan o may rason naman talaga ang pag bubukas ng avenida sa mga sasakyan. Siguro makakabawas ng matinding traffic yun..? Kaya hindi ko na masyadong pinansin.. Pero naiba na yata ang tono ng ang BAYWALK naman ang pinuntirya.. Bakit naman..?

May mga nagsasabing hindi naman daw kasi nagbabayad ng renta at tamang buwis ang mga may pwestong kainan at inuman doon. Sinasabi ring para maluwag ang madaanan ng mga taong namamasyal, at hindi dapat harangan ang daanan.. Nung una akala ko mga live bands lang ang tatanggalin.. yun pala lahat ng pwesto! mas grabe pa pala sa inasahan ko..

Para sa'kin lang naman.. Nakakapanghinayang ang pagsarado sa BAYWALK para sa mga street party. Isa nga ako sa mga natuwa ng maisipan ng dating administrasyon ni Lito Atienza ang mga proyektong pagpapa ilaw sa Maynila.. at pag papaganda rito.

Magaling si LIM bilang mayor.. nakilala siya sa pagiging crime buster sa Lungsod, Hindi ko nga lang talaga nagustuhan ang kinahinatnan ng BAYWALK ngayon, dahil baka dumami na naman ang mga natutulog na palaboy dun at mga snatchers.. Ikaw ano sa palagay mo? Hindi ka rin ba mapalagay? o wala ka lang pake?

Friday, July 13, 2007

NAPADAAN LANG PO..

Miss ko ng mag blog pero sa sobrang busy ko, hindi ko na magawa, salamat sa mga nag aksaya ng panahon na bumisita dito.. Sa mga kaibigan ko na gusto makabalita sa'kin dito niyo na lang basahin ang nangyayari sa'kin.. sa bawat araw, linggo o buwan pa.. mis ko na kayo mga berks lalo na yung mga nasa malayo ng lugar at hindi ko na nakikita..

Asar kasi 'tong pinakabit naming broadband.. halos isang buwan na.. nasa amin na yung unit pero hindi pa rin activated ang linya.. hayyy.. sige antok na'ko.. miss ko na makainuman yung mga dati kong kainuman na hindi ko na nakakasama..

Ingat na lang kayo guys..
Magkikita rin tayo... Some other time, somewhere at kahit sa ano pang paraan....kita kits..

Monday, May 28, 2007

ETO NA NAMAN AKO..

Mukang mawawala na naman ako sa sirkulasyon.. medyo magiging busy na naman ako sa bago kong work ngayon.. start nako bukas.. kahit na marami nakong experiences sa work, kabado pa rin kada first day, syempre hindi ko alam, kung tatagal ba 'ko dito o ayos ba yung mga taong makakasama ko.. sana naman... Sana hindi 'to matulad sa tatlong napasukan ko nitong 2007 lang.. ( "MULA SA BLOG KONG: JOB QUITTER.") na puros nag back-out ako.. dahil sa hindi ko maintindihang bagay na hinahanap ko... Pero ok nako ngayon, siguro dahil nalaman ko na din yung totoo.. at nakakarinde na rin ang sermon ng nanay pag tengga ka sa bahay at puro gala lang ang ginagawa... hehe

Babalik na'ko sa trabahong nagbigay sa'kin ng maraming alaala.. DRAMA!!! hehe.. babalik na'ko sa lugar kung saan malapit ako kung saan ako nag trabaho, ibang kompanya pero mukang magiging kapit-bahay ko pa yata yung dati kong pinanggalingan... grrrrrrr!!! hehe

Pero iba na ang linya ng trabaho ko dito, medyo ayos-ayos na... kumpara dun sa huling sixth month work ko na nabanggit ko kung saan ako malapit..? Medyo pormal na ang uniform, First time kong mag po-polo barong sa trabaho.. after kong mag graduate sa college.. hindi tulad dati na kahit ano lang ang pwedeng isuot.. Ewan ko kung ano ang magiging reaksyon ko pag nakita ko ang mga dati kong katrabaho na malapit din dun sa papasukan ko ngayon.. Hindi ko rin alam kung paano 'ko mag re-react.. kung sakali man..

Hindi ko sinadya na doon ako sa avenue na yun mapadpad.. kasi sa Pioneer naman talaga kame, kaso mukang mag lilipat ng lokasyon tong pinapasukan ko.. at hindi ko naisip na doon mismo sa avenue na yun ang ending.. Nyehhhh!!! Whatta co-incident!!!!? Goodluck na lang sa'kin... sana matagalan at makayanan ko 'to.. AJAH!!!

Thursday, May 17, 2007

MAY TAMA AKO!

May mga bagay tayong nagagawa dahil sa mga naiisip natin, minsan pinagsisisihan natin yung mga nagawa nating yun dahil pakiramdam natin mali yung mga naisip natin.. ang gulo noh? hehe

Minsan nakakasakit tayo ng ibang tao dahil nasaktan tayo.. o dahil parang gusto nating gumanti, minsan din yung akala nating mali nating nagawa at naisip sa kanila, sa huli napapatunayan nating tama lang pala yung nagawa, at mawawala na yung pag sisisi, dahil nag aksaya lang pala tayo ng oras sa kanila..

Pero ganun talaga, walang katotohanang hindi nabubunyag.. ganun pa man.. masakit mang malaman yung totoo.. sa una lang yan.. mapapalitan na ng kaliwanagan ng pag iisip.. mawawala yung pakiramdam na na guilty ka sa nagawa mo dati.. dahil totoo naman pala yung hinala mo.. ha ha ha.. Napatawad ko na rin naman sila.. at dapat wala na rin akong pakialam.. nai-blog ko lang to' dahil siguro nararamdaman niyo rin 'to minsan..

Ang higit na napatunayan ko.. kung sino talaga ang kalaban.. at huwag ako basta basta magtitiwala.. dahil marami talagang mga mababangis na ahas sa gubat...

Maliban na nga lang sa mga dati ko ng mga kaibigan na subok ko ng napagkatiwalaan.. Alam ko na ngayon na mahirap talagang mag invest ka ng sobrang emosyon sa bawat bagong taong nakikilala mo, at akala mong tapat at katiwa-tiwala.. na iniisip kong tunay silang mga kaibigan.. hindi pala...

Mabilis kasi akong makipag kaibigan, ang kaso kapag napalapit na sila sa'kin.. espesyal agad ang treatment ko sa kanila.. Marami na talaga ang mga mapag panggap sa panahong ito.. Salamat na lang sa aral ng panahon.. may tama ako!!! sana tamaan din kayo!!!! har har har!!!!

INGAT..... by: "jan mongolloyd"