DESPEDIDA?
Kahapon, galing kami sa bahay ng kaibigan ko na balita namin ay mag-aabroad na? at birthday niya rin nga pala. Tinawagan ko lahat ng kaibigan namin para mag punta sa kanila. Pero pina deretso ko muna silang lahat dito sa bahay namin para sabay-sabay na kami, hindi kasi nila alam ang pag punta sa kanila. Nag kasama sama ang mga kaibigan naming hindi mag- kakasundo kaya medyo isnaban ang nangyari. Pero may isa pa akong napansin sa taong balak na daw umalis ng bansa parang hindi siya natutuwa na makita kami lahat sa party niya, Ewan ko ba? Hindi nga siya sumasama samin sa inuman at pinababayaan lang niya kami doon sa bahay niya kung ano ang gusto namin gawin.
Nandun din ang syota niya na martir na kahit ginagawa ng katulong nung gabing yun... eh, ok lang. May isa pang babae na hindi naman namin kilala na ok lang naman ang itsura kahit mukang mas malaki ang tanda samin lahat at laging siya ang inaasikaso nitong kaibigan kong 'to.. Di ba lupet?! harap harapan kung mang gago ng babae.. habang nag huhugas ng pingan ang martir eh nakikipag landain naman siya sa isa.
Kung tutuusin naman talaga etong si martir na babae lang naman ang nag-hahabol dito kay pogi, Ako pa nga ang nagpakilala sa kanilang dalawa at tinukso tukso lang namin sila dati, ayaw talaga niya dito, Pero mapilit talaga si babae na lahat gagawin basta maging sila lang, Naging sila nga...
Pauwi na kami lahat, ubos na kasi ang inumin at kahit gusto pa namin uminom dahil bitin, eh wala na ring gusto bumili dahil malayo ang tindahan. Nag plano kami mag stay sa bahay ng isa pa naming kaibigan dahil alanganin na ang oras para sa mga babae naming kasama.. Sasama pa nga dapat itong si despedida boy kaso umepal itong si martir na babae na para bang asawa na siya kung umasta.. Nawala tuloy ang awa ko sa kanya... at napalitan ng pagka bwisit! Syempre matagal naming hindi nakasama tong kaibigan naming to.. Kaya gusto pa namin siya makasama.. kaso ganun talaga ayaw na naming makipag kulitan pa kaya umalis na kami..
Pero habang nasa sasakyan kaming lahat napag usapan namin na malamang eh tokis lang tong kaibigan kung to tungkol sa pag aabroad niya kasi napaka bilis naman masyado ng proseso at hindi ganun kadali ang pag kuha ng visa lalo na sa tate.. at sa buong mag damag na yun hindi namin napag usapan ang tungkol sa pag-alis niya. Kaya hindi kami mag-tataka kung makita namin isang araw etong si despedida boy na pagala gala lang sa mga malls sa gabi na dati naman niya talagang gawain.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home