Tuesday, December 24, 2013

MASAYA: ) ( share ko lang, ginawako to' nung lasing na lasing ako?! haha ) andrama!:p

Sa palagay ko wala naman taong naghangad ng perpektong buhay.. Ang hangad lang ay ang masayang buhay.

Pero paano nga ba maging masaya? kapag kasama mo ang mga mahal mo, ang mga kaibigan mo.. masaya yun..:)

Paano kapag may taong alam mong siya lang ang nagpapasaya sa'yo bukod sa kanila? yung taong masaya ka basta makasama mo langsiya.. yung taong pinapangarap mo makasama sa pagtulog at sa pag gising.. yung taong handa mong isakripisyo ang lahat mapasaya lang siya.. 

May mga taong sumasamba sa pera, para mapasaya sila? pero masaya ba kaya talaga sila? bakit may mga taong kahit sobra na ang yaman ei hindi pa rin makuntento at nanlalamang sa kapwa?  kahit may mga nasasaktan at nawawalan para lang sa kanilang kasiyan? 

Sabi nga ng kanta, walang sino man sa mundong ito ang nabubuhay ng para sa sarili lamang.. lahat tayo konektado,, naalala ko tuloy yung Pelikulang JOLoGs? na lahat ng buhay nila sa istorya ay dugtong dugtong.. 

May kasiyahan din na panandalian kasama ang mga kaibigan... sa mga party, inuman, biruan.. Paano kapag may nagpapasaya sa'yong tao na sa palagay mo na siya lang ang may kakayahang gawin na pasayahin ka ng ganunng katindi,  ang kaso, parang hindi naman ikaw ang gusto na magpasaya sa kanya?

Paano ba maging masaya ng pang habambuhay?  

Masarap mabuhay..

lalo na sana kung alam
mo kung saan ka papunta...