Friday, March 24, 2006

BULAGA!!!

Na miss ko na mag blog, ilang buwan din ako hindi naka bisita dito, kahit marami na ang nangyari sa nakarang mga buwan, sayang at hindi ko naisulat ang mga nangyari nung december, january, kung kailan ang masaya kong birthday, february, kung kelan ikinasal ang isa sa mga closest friend ko.. mga inuman.. at mga paulit ulit na ginagawa sa trabaho.. mga nasirang pagkakaibigan at mga bagong kakilala. At malamang matagalan na naman ang pagbalik ko dito.. Pero kahit papano, kahit medyo nakaka buryo na ang buhay ko... masaya pa rin naman.. ang labo noh! Dati gustung gusto kong magkatrabaho dahil nakakasawa na sa bahay at laging pagtambay.. Kinumpleto ko pa ang simbang gabi para magkatrabaho lang, pero ngayon nakakatamad na... nakakapagod.. nakakabobo.. pero konting tiis at matatapos na rin naman ang kontrata sa darating na dalawang buwan.. Buti na lang at may mga nakakasundo nako sa trabaho at nakaka bonding ko na rin sila.. Ang layo nga lang talaga ng biyahe.. kaya siguro nakakatamad pumasok.. Na mimiss ko na ang buhay istudyante.. na mimiss ko na ang dating biyahe ko.. Pasalamat pa rin ako dahil sa hirap makahanap ng trabaho ngayon kahit konti kumikita ako at nakakapag bigay na rin ako sa nanay ko.. Siguro sa darating na bakasyon dun na lang ulit ako mag kukukwento.