ALAY LAKAD '05
Alay lakad na naman, kasama ko ang aking mga kababata sa pag gunita ng araw na ito.. na isa sa mga kakaibang tradisyon ng mga pilipino.. Proud ako sa araw na ito dahil dito napatunayan ko na naman sa aking sarili na kaya ko palang maglakad mula Taguig hanggang Antipolo.. Nag umpisa kami ng alas otso ng gabi at nakarating kami doon ng eksaktong alas tres ng umaga.. Na tsempuhan pa namin ang ulan pero hindi naman ganong kalakasan.
Umalis din kami dun ng mga alas kwatro.. Nahirapan pa nga kaming sumakay.. Dahil punuan at tagaan ang singil ng mga driver ng fx, bus at jeep sa okasyon na yun.. Tingnan mo nga naman ang mga pilipino? Dahil sa sobrang kahirapan.. kahit kapwa pilpino nilalamangan kahit sa ganitong panahon na mahalaga sa mga Kristiyano.. Well ganun Talaga.. Wala tayong magagawa.. Alangan naman na mag lakad ulit kami pabalik ng Taguig?!
Hindi nga kami naka pasok sa simbahan ng Antipolo nun Dahil sinara ito ng eksaktong alas dose.. Pero ayos lang dahil atleast may napatunayan ako sa sarili ko na kaya ko din na mag sakripisyo..
Nung una ayoko talagang sumama sa Alay Lakad na ito.. dahil siguro ay nadala na ako nung nakaraan naming alay lakad na kung tutuusin ay inumpisahan namin sa Pasig. At hindi rin ako natuwa sa mga nakakasabay namin.. Nag sisigawan, nag lalandain, nag tutuksuhan.. Grabe hindi na Yata talaga alay lakad na matatawag ito.. Alay Gala na Talaga.. Pero iniisip ko na lang na isa ito sa mga tukso na kailangan kung pag daanan kung nag sasakripisyo ka.. Kahit na kinukundena ako ng iba kong mga kaibigan na bakit kailangan kung gawin ito. Eh gagawa din naman ako ng kasalanan pag katapos.. Hindi daw totoo at hindi rin bagay sakin.. Pero kahit ano pa ang sabihin nila.. At kahit pinilit lang naman talaga ako nung umpisa na sumama.. hindi ko pinag sisishan ang pag sama ko dito.. Dahil kahit na may mga sumuko at umuwi sa aming mga kasama, kahit na may nag paltos na ang paa.. hindi ako nasiraan nang loob dahil may mga nakita akong mas bata pa sa kin na nakasabay.. mga batang inusente pero alam kung bakit kailangan nilang gawin yun.. At alam kung para kanino ang okasyon.. Naisip ko na rin na.. Oo nga naman sa loob ng 365 days, Ano ba naman yung mag sakripisyo ako ng isang araw diba?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home