PRO-CHACHA!
Now a days mainit na naman ang sitwasyon sa Pilipinas, nagpapalayas na naman tayo ng "Pangulo" o "Pang-gulo". Kaya naman sa kasalukuyan habang isinusulat ko 'to may nagaganap na rally sa Ayala Ave., Makati. Magulo na naman! Maraming gutom na aso na gustong umagaw sa pwesto nang nabusog na buwaya! Sila naman daw! Hayyy.. kahit ilang rally pa yan, tuloy ang pag dami ng mga sugapa sa gobyerno hanggat hindi nababago ang sistema. Ang sa akin lang bakit hindi natin baguhin ang konstitusyon? Wala naman masama eh! kung nakikita mong hindi na epektibo sa kasalukuyang panahon ang mga lumang batas, baguhin na! Sa totoo lang, dati hindi ko pa naiintindihan ang Parliamentary System, naalala ko pa nung highschool ako, meron kaming noise barage sa catholic school na pinanggalingan ko, yun daw ay protesta against cha-cha.. sabi nila martial law daw yun.. Syempre ang alam ko lang bangungot ang martial law para sa mga pilipino yan ang itinanim sa atin ng mga teacher natin nung bata tayo.. Siguro na trauma lang ang mga pinoy kada maririnig ang charter change.
Pero habang lumalawak ang aking kaalaman, sa nakikita ko sa mga bansang mauunlad, sa mga pag aaral tungkol sa batas na itinuturo sa atin, sa sinasabi ng mga malalapit na kaibigan at kamag anak at sa nakikita kong sitwasyon sa gobyerno at lipunan, nagiging bukas ang aking isip sa mga pagbabago na dapat na talagang ipatupad. Para sa akin.. Nakikiisa ako sa pag amyenda ng bagong saligang batas.
Sa pagkakaintindi ko... sa loob ng isang Parliamentary System, hindi na nating kailangang bumoto ng isang presidente na bibilangin manually sa bawat sulok ng bansa. Kundi ang mga representatives na ibinoto natin sa ating mga lugar ang boboto sa kanila at tatawaging Prime Minister. Mas maayos kung iisipin mong mabuti.. dahil maliit lang ang figures na dapat bilangin na boto para sa napiling Prime Minister.. hindi magulo.. at wala kang iisipin na dayaan.. Ang pinaka kapangyarihan na lang ng mamayan ay ang maingat at matalinong pag boto ng representante sa kanilang lugar. Para hindi nakaasa tayong lahat sa isang centralized na gobyerno, at mas madaling mahuli ang mga buwaya.