KUPZ
Madalas ako ngayong wala sa bahay simula ng magkatrabaho ako, May mga bagong kakilala na hindi ko inakala na makakasama ko sa maraming lakaran at gala.. Masaya naman ako dahil sa mga taong nakilala at nakasama ko, kahit na minsan kapagod at kabagot ang oras dahil sa overtime.
Dahil sa kanila nagiging mabilis ang oras lalo na sa bago kong kaibigan na si Kupz, Tahimik lang ako sa trabaho, pero siya lang talaga ang nagtsatsaga na kumausap sa natutulog kong mundo.. Hehehe.. Natutuwa ako dahil nakilala ko siya at nababasa niya ang nasa isip ko, Kahit na isang buwan mahigit pa lang kaming magkakilala tinuturing ko na siyang tunay na kaibigan at isa sa mga aalagaan kong kaibigan.. O! baka lumaki ang ulo mo ha.. Mabasa mo kaya ito? Heehe
Bago pa makarating kung saan tong mga sasabihin ko, kuwento ko muna kung pano ko siya nakilala, Noong tinawagan ako ng kompanya para sa interview at exams siya ang nakasabay ko pero mukang suplado.. Ni hindi kami nagpansinan man lang o nag usap..
Simula ng mag start ako sa work nakasabay ko siya sa jeep malakas ang ulan noon.. naka tsinelas siya, bumili pa siya ng bimpo sa may bangketa akala ko para sa mukha niya yun pala para sa paa niya, Siguro magkamukha ang paa at mukha niya... joke!!
Simula noon siya na ang lagi kong nakakausap sa trabaho, kilala na kaming mag partner niyan.. Magtataka pa ang iba kapag hindi kami mag kasama.. Masaya siya kasama mahilig mag mall at gumimik.. Sa bagay ako rin naman ganun kapag may pera lang Ha? Noong college nga madalas lang ako ilibre ng mga kaibigan ko.. Pero ngayon dahil siguro may trabaho na mas madalas kaming gumimik ni Kupz.. masaya lahat ng pinagsasanmahan namin kaya kahit ano mangyari hindi ko siya pagpapalit.. Drama? Sige hangang dito na lang po ang kwento ng taong senti..hehe