A BAYWALK TO REMEMBER
Sa sobrang busy ko, hindi ko na namamalayan ang mga nangyari sa paligid ligid.. pressure sa trabaho.. antok na pag uwi, pero atleast nakakasama pa rin sa inuman ngayon every weekends sa mga bahay na lang ng mga tropa.. at sa mga kwentuhang lasing na lang yata ako nakakasagap ng balita.. at bilang manginginom at paminsan minsang gala' sa mga bar at street party kapag may pera at nagkayayaan at kadalasang malibre, Naapektuhan yata ako sa pagsara ng BAYWALK para sa mga gimikan..
Gusto ko si Alfredo Lim na Mayor, pero may mga ginawa siyang hindi ko yata nagustuhan at hindi ko maintindihan.. Nung una nabalitaan ko na bubuksan niya ulit ang AVENIDA sa mga motorista, at yun nga natuloy rin.. Syempre tinanggal na yung mga bricks sa kalsada.. Naisip ko rin na baka may mabigat siyang dahilan o may rason naman talaga ang pag bubukas ng avenida sa mga sasakyan. Siguro makakabawas ng matinding traffic yun..? Kaya hindi ko na masyadong pinansin.. Pero naiba na yata ang tono ng ang BAYWALK naman ang pinuntirya.. Bakit naman..?
May mga nagsasabing hindi naman daw kasi nagbabayad ng renta at tamang buwis ang mga may pwestong kainan at inuman doon. Sinasabi ring para maluwag ang madaanan ng mga taong namamasyal, at hindi dapat harangan ang daanan.. Nung una akala ko mga live bands lang ang tatanggalin.. yun pala lahat ng pwesto! mas grabe pa pala sa inasahan ko..
Para sa'kin lang naman.. Nakakapanghinayang ang pagsarado sa BAYWALK para sa mga street party. Isa nga ako sa mga natuwa ng maisipan ng dating administrasyon ni Lito Atienza ang mga proyektong pagpapa ilaw sa Maynila.. at pag papaganda rito.
Magaling si LIM bilang mayor.. nakilala siya sa pagiging crime buster sa Lungsod, Hindi ko nga lang talaga nagustuhan ang kinahinatnan ng BAYWALK ngayon, dahil baka dumami na naman ang mga natutulog na palaboy dun at mga snatchers.. Ikaw ano sa palagay mo? Hindi ka rin ba mapalagay? o wala ka lang pake?