JANJARAJAN!!!
Tagal ko rin hindi naka pag blog, syempre busy sa trabaho at sa mga katrabaho. mag iisang taon na'ko dito, masaya na mahirap. masaya kasi ok naman ang mga kasamahan ko, at masunurin naman sila sa'kin. hehe at mahirap dahil multi tasking, at baka ang akala ng boss ko ako si superman. ganun pa man mas marami naman akong natututunan dito.
Pero ako, parang ganun pa rin ang attitude ko, hindi pa rin ako nakakaipon, at minsan nga hindi na'ko nakakapag bigay kay ermat ng entrega sa bahay. Pero siya, mukang naiintriga na sa'kin kung saan napupunta ang sahod ko. wala lang sabihin na nating medyo naging maluho ako nitong mga nakaraang buwan, at sagana sa inuman, kada sahod. Ang uwi ko kinabukasan na.
Nung nakaraang linggo nga pinapalayas na'ko, syempre ako matigas ang ulo ko eh.. ano naman ang ipagmamalaki ko.. pero ng mag umpisang maglipatan ang mga katrabaho ko sa lugar na kung saan kapitbahay lang namin ang pinag tatrabahuhan. Nainggit yata ako. may pagkainggitero kasi ko pag dating sa mga bagay na gusto kong gawin pero nagawa na ng iba.
Masama ba yun? Sumagi lang sa isip ko na magsolo na sa buhay. Naku Po! ang drama ko na naman..hehe. Syempre tumatanda na rin tayo. Nung una kong nag blog disinnwebe anyos pa'ko, ang bilis ng panahon at hindi ko namamalayan, na konsumo ko na pala ang 1/4 of the century ng buhay ko. Hindi ko alam kung tumatanda ako ng walang pinagkatandaan, pakiramdam ko hindi pa'ko mature. Basta ginagawa ko lang kung saan ako masaya ngayon.. at kahit hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan. Bahala na si Batman..
Marami na rin yata akong taong nasaktan at nasasaktan sa mga ginagawa ko, pero ang alam ko lang nagpapaka totoo lang ako, pati yata sila naguguluhan na sa sarili nila ng mag umpisang mapalapit sa'kin, lagi na lang ganun. Pakiramdam namin masaya kami sa umpisa, pero pag dating sa bandang ending, sumusuko din. Urong sulong ba. Hayaan ko na lang sila. kung saan sila masaya, sige lang.