BALISA
Hindi ko alam kung sinong kolokoy ang mag aaksaya na basahin to. Basta ang alam ko lang kailangan ko ng kausap. Pero ang matindi utak ko nalang ang pagsasalitain ko. Na De depress ako kaya etong blog ko nung college pako ang magtatala ng kasalukuyang laman nito.
Napaka Unusual ng araw na 'to! Masyado madami na ngayon ko lang naisip parang nababahala ako? Kung Totoo man ang premonition ng tao bago sya mamatay. Pakiramdam ko eto yun. Pero wag naman po muna sana. Marami pako gusto ayusin.
Kanina nag text ako sa nanay ko ng mga problema sa trabaho at pera na hindi ko naman ginagawa. hindi sya nag reply sa haba ng text siguro tulog na. basta madrama ko dun.
Naka text ko din si Parei nag usap kame about responsibility and obligation. si Parei ang matalik kong kaibigan sa lugar namen na sampung taon na mas bata saken na malapit ng maging ama sa 8months GF na nakilala lang sa FB. haaha Mahal ko yung parei ko na yun. ngayon lang ulet kame nakapag usap pagkatapos nya mangutang last month. haaha
Naisip ko bigla na nung isang gabi bigla ako napasugod sa St Lukes Global para sunduin si Ron. Umuulan nun hating gabi. di daw kase sya ma discharge kapag walang kasama. Si ron ang masasabi ko na unexpected kaibigan ko noong college. na karibal ko? haha Pero ngayon Isa sa Pinakamatalik kong kaibigan. Walang Sikreto na Hindi namen alam sa isa't isa. Bihira nalang din kame magkasama ngayon dahil sa kanya kanyang pinagkaka abalahan at sa trabaho. Pero tingin ko di na kame kaya tibagin. Ang Talino nyan! Kaya ayoko masyado kausap yan haha..
tas si Boy, nagka chat kame nasa Chicago na yun si Gago antagal nya inantay na ma petisyon sya hanggang maging apat na anak nya. Finally! Andun na sila, Si Boy ang Boy next door na best buddy ko nung Highschool.
bigla ko na miss si jerose.. nagkasamaan kame ng loob nun nung June pa yata.. kahit nagpapataasan pa rin kame ng ihi hanggang ngayon. si jerose ang elementary childhood oh anu pa pedeng itawag samen na sweetheart na naging BFF sa paglipas ng Panahon.
tas andame ko kausap kanina sa kanto.. bago ko pumasok. tas puro seryosong usapan.. i mean matalinong usapan na bihira mangyari kase puro kutusan lang naman ginagawa namen habang nag iinuman, pero kanina walang inuman pero ang haba ng kwentuhan. muntik pako malate sa work.
Ang matindi bigla ko naiisip na mgkaka hiwa hiwalay na kame magkakapatid. Kase si Ate nakabili na ng bahay sa Imus. Si May bunso namen mag aasawa na.. ako naisip ko kailangan ko na rin bumukod para matuto nako na ako lang.
Naisip ko pa rin ang Mommy ko 67 years old na pala sya. Ni hindi ko man lang sya ma i treat sa sosyal na restaurant..
Lahat yan nangyari at naisip
ko ngayong araw lang.. Sobrang Taba ng Utak ko! At bigla ako naluluha habang tinatala ko 'to.