Sunday, March 27, 2005

EASTER SAPAKAN!

Easter Sunday ngayon, at kasama ko ang mga kaibigan ko sa pag salubong sa araw na ito mag kakasama kaming nag inuman sa likod ng bahay ng aking isa sa pinaka malapit na kaibigan. Habang lumalalim ang gabi at papalapit ang alas tres ng umaga lumalalim rin ang mga usapan. Kasi naman nanahimik itong isa sa aming kasama at nalaman namin kung bakit dahil hindi niya napigilan ang kanyang emosyon, Inamin niya sa amin kung bakit, "Selos" nag selos siya sa isa ko pang kaibigan na malapit din sa kaibigan kung babae na gusto rin niya..

Nag yayaya na nga itong kaibigan kung ito na umuwi na pero pinipigilan namin dahil alam ko na sarado pa ang bahay nila sa gitna ng madaling araw at kargo ko din siya dahil ako ang nagyaya sa kanya na sumama dito sa inuman.

Doon ko napatunayan ang pag mamahal niya? o sabihin nalang natin na malaking pag tingin? o Ego lang talaga ng karamihan sa mga kalalakihan. Kapag babae na ang pinag uusapan.. talaga naman oh.. makaka sapak ka nga talaga..

Hindi na namin mapigilan itong si dakila dahil talagang nag wawala na para maka uwi sa bahay.. Siyempre wala na akong magagawa at nakaka hiya sa may ari ng bahay kung nag iingay na tong kaibigan kung ito..

Agad siyang dumeretso sa sala at kinuha ang kanyang play station.. Pinipigilan siya ng isa ko pang barkada na huwag munang umuwi dahil alanganin na lalo na at mag isa lang siya.. at ako naman itong si buyo na "sige hayaan mo siya" Siguro dahil sa inis ko na rin sa kaka- kulit at pakiki usap sa kanya.. Pero siya itong hindi nakapag-pigil at bigla nalang akong binanatan ng dalawang sapak..

Hindi ako nakapag pigil sa nang yari at napa tulan ko din siya, hindi ko sinasadyang pasabugin ang kanyang bibig.. Natangal yata ang isang piraso ng kanyang ngipin.. kumalat ang dugo at nagising ang kapatid ng kaibigan kong may ari ng bahay, pati na rin ang kanyang tiya.. Syempre nahiya ako sa nangyari dahil isa yun sa pinaka iskandalosong pang yayari sa bahay nila. Pinigilan nga ako ng mga kaibigan ko na akala nila ay susugod pa ako. Pero sa totoo lang wala akong kahit na katpirangot na sama ng loob sa kanya, kung ang pag uusapan lang eh yung sapakan na yun.

Hindi lang yun ang mabigat sa akin.. ang nakasapakan ko ng gabing yun ay isa sa pinaka matagal kung kaibigan, mag kasama na kami since grade two at ngayon ga graduate nako ng college this coming April. Isipin mo nalang kung gaano na katagal yun? at yun din ang kauna unahan naming pag sasapakan, Ang huli ko eh nung grade four pa ako pero ibang tao yun.

Sa huli naman eh nag kaayos din kami at naisip din namin ang mga mali namin.. Sana nga lang eh hindi na maulit ang ganitong pangyayari.. Dahil mahalaga sa akin ang aking mga kaibigan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home