Monday, November 14, 2005

ORTIGAS ENCOUNTER

Nakakadismaya ang balita ngayon tungkol sa nangyaring shoot out daw sa Ortigas noong nakaraang linggo, Nung una kong nabalitaan ang tungkol dito medyo wala akong pake.. Kasi nga naman mga carjacker daw at anak mayaman ang mga suspects.. Pero nanghinayang din ako kasi ang babata pa nila para mapasama sa ganung klase ng krimen.. nagkaroon lang ako ng atensiyon... dahil bukod sa kakilala ng kaibigan ko ang isang napatay dahil classmate niya sa grade school, lumabas pa ang isang isyu na nakuhaan ng kamera ang crime scene na para bang hindi shoot out ang nangyari kung hindi rub out! Siguro naman nakita niyo rin ang video, kung nakapanood kayo ng balita? Nakahandusay na ang mga kabataang suspects na sina Anthony Brian Dulay, Francis Xavier Manzano at Anton Co-Unjieng at wala ng kalaban-laban ng lapitan pa ito ng mga pulis at pinagbabaril, para masiguro na patay na sila.

Nakakadismaya din ang pahayag ng ating justice secretary na ano ba naman daw kung barilin? Eh' patay na! "ano ang kaso dun?", Di ba parang nakababahala?, pano kung sa atin nangyari yun? At nakakadismaya din na maagang inabsuwelto ng D.I.L.G. Secretary ang mga pulis na sangkot..At tila pinapurihan pa...

At ang pinaka-bago sa mga video na nakuhaan sa crime scene, na mukang sinadya na patayin, at tinaniman ng ebidensiya ang mga suspects na kabataan.. Sa video kasi na napanood ko kanina, bago palapitin ang media, parang may inilagay na baril sa kamay ng isa sa mga suspect. Nagkalat din ang ibat-ibang plate numbers sa loob ng sasakyan.. Kung ikaw ay may kahina-hinalang gawain, ikakalat mo lang ba ang mga ebidensiya? Pinalalabas pa nila na nakipagbarilan ang mga suspects, pero sa video hindi man lang nakabukas ang kahit isa sa mga wind shield? At pinalalabas din ng mga pulis na tinamaan nga ang kanilang sasakyan bilang katibayan na nakipagbarilan ang mga suspects.. Pero sa video, kitang-kita na palabas ang tama ng bala! Ibig sabihin nanggaling ang bala ng baril sa loob ng sasakayan, at hindi nanggaling sa mga suspects..

Kung tutuusin marami pang nalabag ang mga pulis nung nangyari yun, ayon sa mga eksperto..Dito ko natauhan na kahit suspect pa lang sa krimen ay dapat may ginagalang na karapatan din, lalo na't mga kapwa ko kabataan ang sangkot. Hindi ko nilalahat ang mga pulis... alam ko marami pa rin ang mga matitino.. Pero dahil sa mga ganitong pangyayari, nababawasan ang tiwala ng mamamayan, at nag-iiwan ito ng takot sa marami.

1 Comments:

Blogger Justice for Francis Xavier Manzano said...

Peace!

http://clearfx.blogspot.com

5:16 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home