Wednesday, June 29, 2005

"I AM SORRY?"

Siguro naman hindi lingid sa inyong kaalaman ang nangyayari sa paligid natin ngayon.. Ayoko na sanang isulat sa blog 'to pero hindi ko matiis na hindi ilabas ang sarili kong opinyon tungkol dito, lalo na ngayong lalong umiinit ang iskandalo sa palasyo pagkatapos mag-sorry ni PGMA sa mga pilipino kagabi.. Bakit siya nag sorry? Ano bang kasalanan niya?
Hati tayong mga pilipino ngayon lalo na nung mapatalsik si Erap sa posisyon niya, dagdag pa dito ang pag sabak ni FPJ sa pulitika. Sabi nila nagkadayaan daw last election, dahil sa mga wiretapped tapes na inako naman ni Gloria na siya nga at isang comelec officer ang kausap niya. At ngayon hindi yata naging maganda ang epekto ng sorry niya lalo pang lumakas ang panawagan na mag resign siya, pati ang iba niyang ka-alyado, dahil nawalan na daw siya ng kredibilidad sa pamumuno ng mag-sinungaling daw siya. Hindi effective ang acting ni Ate Glo sabi ng nakakarami, palpak daw ang mga legal advicer niya dahil sa ginawa niyang pag amin. Nung una kasi nagsalita ang Malacanang Press na si PGMA daw ang nasa telepono pero hindi comelec officer ang kausap niya kundi isang political leader. Kinabukasan binawi din ito at hindi na daw sila sigurado kung si Ate Glo nga ba ang nasa conversation na yun.. Hayy... lalong nagkanda loko-loko... Masisisi mo ba ang mga tao na magalit kung ang Gobyerno din naman ang may kagagawan ng iskandalong ito.
Hindi si FPJ ang ibinoto ko last election, maka Ping ako eh! Actually naging Poll Watcher pa 'ko para sa KNP "Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino". Pero naniniwala ako na may dayaan nga! Kailan ba nawala? at kailan ba naging credible ang election Pilipinas?
Pero hindi ako sang ayon na lagi na lang natin dadalhin sa kalye ang ating mga reklamo tulad ng sa EDSA 2, 3. Ang dami na pala! Siguro yung naunang EDSA sang ayon pa'ko! Pero sa ngayon lagi na lang bang ganito?! Kung sa bagay wala na din kasing mapagkakatiwalaang institusyon sa bansa natin ngayon mapa PNP, AFP, NBI, DOJ, KONGRESO, SENADO. Lahat kasi may kinikilingan at hindi mo na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo.. Kahit nga kay Ping Lacson at Kabayan Noli na ibinoto ko nun wala na din akong tiwala, kung buhay siguro si FPJ baka pwede pa? Kaya siguro siya kinuha ni Lord para hindi na masali sa gulong ito.
Sino ba naman ang ipapalit natin kay Gloria? at anong klaseng Gobyerno naman kaya ang papalit? Bakit kung kelan patay na si FPJ tsaka pa lang lumabas ang mga wiretapped tapes na 'to? Sino ba ang nasa likod nito, at sino ang gustong makinabang?
Sa akin lang... kahit maka ilang People's Power pa tayo wala ding mangyayari hanggat hindi nababago ang sistema, hindi tama at patas ang batas para sa lahat, ganito na lang lagi tayo walang patutunguhan.. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata na tayo rin namang mga simpleng tao ang kawawa.

2 Comments:

Blogger Airwind said...

AMEN!! ako sa lahat ng sinabi mo..aprobadong-aprobado..

10:29 AM  
Blogger mr_diaz said...

I second the emotion!

2:28 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home