ROAD TRIP
Ngayon lang ulit ako nakapag blog pagkaraan ng tatlong linggo, kasi wala lang tinatamad lang kasi ko nang mga nakaraang linggo dahil sa sunod sunod na pagbabakasyon ko. Actually last May 26-27 yung mga lakad kong yun, pero ngayon ko lang 'to makukwento sa inyo.
Niyaya ako ng kaibigan ko na mag bakasyon sa Laguna at Quezon kasama ng kapatid niya at kamag anak ng b.f niya. Taga San Pablo kasi yun. Umalis kami sa Taguig 3:30 ng madaling araw at nakarating kami dun ng pasado alas singko ng umaga. Dapat uuwi din kami ng gabi nung araw na yun kaso para mas masulit namin ang pamamasyal, kinabukasan na kami umuwi.
Gamit ang pick-up namasyal kami sa ibat-ibang lugar sa Laguna. Eto at kukwento ko sa inyo ang mga napuntahan namin.
Una naming pinasyalan nung umaga ang Sampaloc Lake na isa lang sa 7 Lakes ng Laguna, ang daming nag ja-jogging sa umaga... Panalo!
Alam niyo ba ang bagong teleserye at ang classic movie na Kampanerang Kuba? Isa lang kasi ang simbahang ginamit dun. Nagcarlan, Laguna ang sunod na destination namin... nakarating kami dun!
Sunod ang Underground Cemetery sa Nagcarlan din, siguro bihira sa mga tao ang nakakaalam ng lugar na yun kaya proud ako na napuntahan din namin yun, yabang ba? sensya na!
Pumunta din kami sa Liliw kung saan may Tsinelas Festival, Tapos bumalik sa San Pablo at nag swimming sa isang resort, ok din naman ang kaso konti pa lang ang pool, tabing batis din yun, nag inuman kami at syempre nag videoke.
Kinabukasan bago bumalik sa Maynila, namasyal pa kami. Dumaan kami sa Paete Church. Bibilib ka sa simbahan... bukod sa luma tulad ng sa Nagcarlan, ang mga Santo ay puros inukit sa kahoy. Kaya nga tinawag na Paete kasi di'ba nga ang daming inukit gamit syempre ang paet' (chisel).
Pagkatapos sa Caliraya, kung saan ka makakakita ng man made lake, sabi nila panahon daw ni Marcos pinagawa yun. Dun din yung Japanese Garden, kaso nakakapang hinayang dahil napabayaan... malaki pa naman... dun na rin kami nag tanghalian ang kaso umulan kaya napa uwi na rin kami agad.
Pauwi na kami sa Maynila, ginamit naming way ang Rizal Area, kaya dumaan kami sa Quezon Province at nalibot ang buong Laguna Lake.. Napadaan din kami sa Pililla Rizal sa Villa San Lorenza kung saan din kami mag si-swimming ulit nung gabi ding yun! Grabe noh! Nadaanan na namin nung hapon tapos babalik din kami sa gabi, birthday kasi nang barkada namin eh.
Yun nga nung kinagabihan nakarating na kami sa bahay namin, agad akong naligo para makahabol sa swimming namin sa Pililla Rizal, pagdating namin sa bahay kaibigan kong may bertday, akala ko huli na kami at marami, hindi naman pala.. Ang dami pa naman niyang hinandang pag kain tapos 7 lang pala kaming mga kaibigan niya ang nakarating . Syempre inuman na naman pero hindi ako masyado nag pakalasing kasi puyat nga ako at nakainom na din sa Laguna, tsaka iniisip ko pa ding makahabol sa outing namin ng pamilya ko kinabukasan. Alam niyo ba kung saan? Sa Laguna ulit! Splash Island.. Ang kaso hindi na din ako nakasama dahil nga magkasunod na araw na 'kong nag swimming at puyat.. Hindi rin ako aabot dahil 6 a.m na kami umalis sa Pililla, ang alis ng mga mommy ko 6a.m din. Nag text naman ako na susunod na lang ako sa Splash at iwanan na lang nila 'ko ng pera pamasahe at pang entrance ang kaso hindi rin nila ginawa, kaya natulog na lang ako mag hapon sa bahay.
Ang pangit tingnan noh? Sa mga kaibigan ko nakasama ko sa mga outing pero sa pamilya hindi ako nakasama, ang sama ko na ba?! Nag kataon lang na sunod sunod yung lakad at akala ko kaya ko, ayoko kasing may tanggihan eh. Tsaka hindi pa'ko nakakapunta sa Splash....
1 Comments:
wow!! saya naman nun.. ako last kung punta province sa pangasinan yun e lst year pa... :(
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home