Thursday, April 03, 2008

BOGS

Isang linggo na naman ang nakaraan, pero ang daming nangyari, sa loob ng mga araw na yun, nasubukan ko'ng mabuhay mag isa kasama ng isang kaibigan. Matagal ko ng plano ang mag solo at mabuhay ng independent sa katunayan nga, unti unti na'kong bumibili ng mga kakailanganin ko sa bahay, una ko'ng nabili ang rice cooker at gas stove. Nakuwento ko 'to sa kanya at gusto niyang sumama sa plano ko.. Sige ba ang sabi ko para may makausap naman ako....
May kasama na siya sa bording haws na tinuluyan niya dati, kaso madalas niyang sabihin na hindi na daw siya masaya sa lugar na yun, kasi daw ang daming tsismosa at kapag weekend naiiwan siya mag isa sa maliit na kwarto, walang tv, may radyo pero hindi epektib, mainit kasi sa hapon, cellphone lang ang libangan, kaya kahit sino na lang ang ka text na kapitbahay niya, hanggang sa magkaroon sila ng affair na umabot sa bugbugan nitong nakaraang Sabado de Gloria, Nang magselos ang asawa ng ka text niyang kapitbahay, malapit sa riles ng tren. hinabol daw siya na parang gusto na siyang patayin pagkatapos siyang makawala sa kamay ng malaking mama', pati cp na ginagamit niya sa pakikipag textm8 winasak.
Linggo ng Pagkabuhay, tumawag sa cp ko ang isang kaibigan ng ibalita niya ang masamang nangyari sa barkada namin na yun. Punta agad ako, gusto ko pa ngang resbakan sa galit ko, kaso mali rin naman ang kaibigan ko, tsaka naisip ko na hindi ko lugar yun.. hehe.. nakakatakot kaya ang mga tao sa tabing riles..
Nangyari ang kinakatakutan namin, kahit na pinagsabihan na namin siya bago pa sila mabuko. Sa'kin siya lumapit para humingi ng tulong, lumipat na daw kami kasi hindi na siya pwede sa bording haws na yun.
Ginawa ko naman ang lahat, wala akong naitulong na pera, pero sinamahan ko siya na manghiram sa mga kakilala niya sa Pasay, todo suporta ko, kaya ng makakuha kami, lumipat din agad kami nung gabing yun. Siya ang nag down pero sa'kin ang mga mahalagang kagamitan ( elektrikpan, rice cooker, gas stove plato, kutsara't tinidor, timba, tabo, planggana, sabon, toothpaste, joy at spongha, hanger at kama, atbp.,) umuuwi pa nga ako minsan samin para kumuha ng ulam at kanin kapag nag text ang nanay ko na masarap ang ulam, kasi wala talaga kaming pera nung lumipat kami, napunta lang sa pang down sa bahay. Nangako siya na iiwasan niya na ang taong halos sumira sa kanya.
Pero naging matigas ang ulo niya, hindi rin siya nakinig, lalo na ng malaman at mapatunayan kong yung ka text pala niya sa cp ko na iniba niya ang pangalan eh yung taong ginago siya.... sa sama ng loob ko nitong lunes lang, bumalik din ako sa bahay namin, sa bahay ng nanay ko, hakot ko lahat ng gamit ko, medyo naging malupit nga ako sa kanya ng ginawa ko yun, pero ipinakiusap niya na iwan ko na lang ang kutson na binili ko lang nung unang sweldo ko dito sa trabaho ko.
Hindi ko rin naman siya matiis kaya kahit papano nagtira pa rin ako ng gamit para ipahiram sa kanya. Pinipigilan nga ako ng iba naming kaibigan na huwag ko muna siyang iwan, pero ganun talaga ko kapag nagalit at pinaramdam mo na binaliwala ako. Walk out ang gagawin ko..
Sa totoo lang naawa ako sa kanya ng ginawa ko yun, pakiramdam ko kasi iniwan ko siya sa ere, iniwan ng wala maliban sa kutson, pero ayoko kasi talaga ng ganun.. Naisip ko na ayos na rin yung nangyari, hanggat maaga kaysa palalimin ko pa.. Pinigilan ko ang emosyon ko na parang bato.
Nagkainuman pa nga kami sa bahay na yun bago ko kunin yung elektrikpan ko.. nagkadramahan pa.. nakakatawa na lang na nangyari sa'min 'to sa loob ng isang linggo.
Sana matutunan niya ng pahalagahan ang mga taong nagpahalaga sa kanya at madala na sana siya sa nangyari.. pero parang hindi pa rin... Ikaw na bahala sa kanya...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home