Monday, March 28, 2005

ISKUL BUKOL!

Nagising ako ng tanghali ngayong araw na ito para pumunta sa school na pinapasukan ko, Graduating student na kasi ko ngayon. Ang kaso meron pa akong problema na dapat ayusin kaya bumalik ako. Hindi pa kasi na submit ng alma mater ko nung high school ang Form 137 ko, May problema din ako sa isa kung minor subject.. Typing! gago yung prof kung yun eh.. Kung hindi ko pa alam gusto lang niya mag pabayad para ipasa niya ko.. Oo! aminado ko na hindi ako ganung kabilis at ka accurate sa pag ta-type pero lagi naman ako present sa klase niya at nakakapagpasa naman ako nang mga requirements, Syempre naipasa ko din naman yung mga written exams, kaya wala akong makitang dahilan para ibagsak niya ako.. Actually nga ibang subject ang inexpect ko na babagsak ako.. Accounting! walang hiya naman kasi ang hirap eh.. Kaya nagulat nga ako at yung sa medyo hindi pa ko nahirapan bumagsak.

Pero kung iisipin ko din mas ok na din na bumagsak ako sa typing na 3 units kaysa Accounting na 6 units at talagang nahirapan akong subject.. Sinabi din sa amin nung meeting para sa mga graduating na makaka pag march kami sa stage kahit na maibagsak namin yung typing, Yun nga lang kailangan mong ayusin pa din yung subject bago mo makuha ang transcript.. It's either na i-take mo ulet yung course o bayaran mo nalang! Hatep noh!?

Meron pa pala akong sama nang loob diyan sa campus na yan.. isa kasi sa problema ko yung NatSci.. kasi hindi pala ako na-register sa class record sa klase kung yun, kaya wala din akong final grade!

Pero inayos ko na yun year 2001 pa, kasi nasabihan na ko ng prof ko nun na wala nga daw ako sa class record niya.. Nag bayad pa nga ako ng 200 pesos kasi may fine daw pag mag papa change ka ng class card.. Grabe talaga! sila na nga nag kamali eh ikaw pa din ang mag babayad..

After 4 years.. Dahil kakaiba nga tong iskul kung toh! Kailangan pa namin mag pa-register ulet kung graduating na kami.. Kahit na ang pag kakaalam ko sa ibang University automatic na inaayos na nila ang status ng mga studyante. Doon ako ulet nagulat nang lumabas na deficiency ko na naman yung NatSci.. Syempre sakit na naman nang ulo! Kailangan ko daw hanapin yung prof ko sa subj. na yun 4 years ago.. Buti nalang nakita ko ulit siya.. At namukaan pa niya ako kahit na may biro na pag kakasabi niya na " Di ba payat ka dati? Ngayon ang taba mo na!" inaprubahan naman niya ang correction of grade ko.. Binigyan niya ko ng 3.0 kasi daw nawala na daw yung records niya ang tagal na kasi nun eh.. Pumayag na din ako kahit na alam ko sa sarili ko na medyo magaling din naman ako sa subject na yun at hindi ako deserving sa 3.0. Para wala nang problema sige ok na din yun kahit na HULA! yung grade na binigay niya..

Hindi lang yun ang sama ng loob ko.. Hangang ngayon pa pala eh, hindi pa naaayos yung subject na yun.. Akalain mo yun!? Ibig sabihin hindi ina asikaso nang registrar yung problema.. Ang dami ko nang pinalagpas at pag papasensya! Ano kayang trabaho meron sila? Ano na nangyari sa mga ibinayad ko?

At kanina nga bumalik ako sa school, dumeretso ako sa Registrar's Office para ayusin na naman!!! yung pauulit-ulit na problema.. Ipinasa ako sa Dean's office kasi sila daw dapat nag follow-up nun, Pag-pasok ko palang sinalubong na agad ako ng mataray at panget na babae sa frontdesk.. Ang sabi pa niya... "Oh! bakit ano yun?!" Sagot ko.. " ahh eh follow-up ko lang yung correction of grade ko.. at pabalang na sagot niya eh.. "Eh, bakit ngayon lang?!" Tapos nag attempt pa siya na ipasa ulit ako sa registrar.. sabi ko.. kagagaling ko pa lang po dun.. Nandito na daw po yung form.. "Sabi niya oh sige bumalik ka nalang" Syempre hindi ako pumayag! nakipag matigasan ako na kailangan maayos ko ngayon to! Nag kasagutan kami ng bastos na babaeng yun.. Bakit daw kasi kung kelan bakasyon tsaka ko inasikaso?! "Sagot ko ahh eh!! 2001 ko pa po unang inayos toh! sumunod eh last month! tapos bumalik ako dito! sabi niyo bumalik nalang ako kasi mag memerienda pa kayo!" Pag balik ko umuwi na daw kayo! Kinabukasan bumalik ulit ako wala na naman kayo! Hangang sa abutin na kami ng Bakasyon!

Siguro medyo natauhan at napahiya sa mga taong nandun kaya kumilos?! Pinag antay niya ko na may pag tataray pa.. mga isang oras at kalahati yata yun! oh mahigit pa! Pag katapos bumalik siya sabi niya ok na daw i-follow up ko nalang daw ulet bukas sa registrar! Dahil inip nako pumayag ako na umalis na muna! At bumalik nalang bukas! At sana lang maayos na talaga toh kasi ilang follow up na nag pinag-gagawa ko! Isip-isip ko tuloy.. Tang ina! tong babaeng toh kapag wala pa din bukas baka ipa-media ko na siya! Tang ina! din tong Registrar! Tang Inang sistema! Tang Ina nilang lahat!!!!

1 Comments:

Blogger rL said...

uy... hindi ako nakapunta ng school! tanghali na ako nagising... nakakatakot naman kwento mo... waahh! sige pagtulungan natin bukas!

6:55 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home