Wednesday, June 29, 2005

"I AM SORRY?"

Siguro naman hindi lingid sa inyong kaalaman ang nangyayari sa paligid natin ngayon.. Ayoko na sanang isulat sa blog 'to pero hindi ko matiis na hindi ilabas ang sarili kong opinyon tungkol dito, lalo na ngayong lalong umiinit ang iskandalo sa palasyo pagkatapos mag-sorry ni PGMA sa mga pilipino kagabi.. Bakit siya nag sorry? Ano bang kasalanan niya?
Hati tayong mga pilipino ngayon lalo na nung mapatalsik si Erap sa posisyon niya, dagdag pa dito ang pag sabak ni FPJ sa pulitika. Sabi nila nagkadayaan daw last election, dahil sa mga wiretapped tapes na inako naman ni Gloria na siya nga at isang comelec officer ang kausap niya. At ngayon hindi yata naging maganda ang epekto ng sorry niya lalo pang lumakas ang panawagan na mag resign siya, pati ang iba niyang ka-alyado, dahil nawalan na daw siya ng kredibilidad sa pamumuno ng mag-sinungaling daw siya. Hindi effective ang acting ni Ate Glo sabi ng nakakarami, palpak daw ang mga legal advicer niya dahil sa ginawa niyang pag amin. Nung una kasi nagsalita ang Malacanang Press na si PGMA daw ang nasa telepono pero hindi comelec officer ang kausap niya kundi isang political leader. Kinabukasan binawi din ito at hindi na daw sila sigurado kung si Ate Glo nga ba ang nasa conversation na yun.. Hayy... lalong nagkanda loko-loko... Masisisi mo ba ang mga tao na magalit kung ang Gobyerno din naman ang may kagagawan ng iskandalong ito.
Hindi si FPJ ang ibinoto ko last election, maka Ping ako eh! Actually naging Poll Watcher pa 'ko para sa KNP "Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino". Pero naniniwala ako na may dayaan nga! Kailan ba nawala? at kailan ba naging credible ang election Pilipinas?
Pero hindi ako sang ayon na lagi na lang natin dadalhin sa kalye ang ating mga reklamo tulad ng sa EDSA 2, 3. Ang dami na pala! Siguro yung naunang EDSA sang ayon pa'ko! Pero sa ngayon lagi na lang bang ganito?! Kung sa bagay wala na din kasing mapagkakatiwalaang institusyon sa bansa natin ngayon mapa PNP, AFP, NBI, DOJ, KONGRESO, SENADO. Lahat kasi may kinikilingan at hindi mo na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo.. Kahit nga kay Ping Lacson at Kabayan Noli na ibinoto ko nun wala na din akong tiwala, kung buhay siguro si FPJ baka pwede pa? Kaya siguro siya kinuha ni Lord para hindi na masali sa gulong ito.
Sino ba naman ang ipapalit natin kay Gloria? at anong klaseng Gobyerno naman kaya ang papalit? Bakit kung kelan patay na si FPJ tsaka pa lang lumabas ang mga wiretapped tapes na 'to? Sino ba ang nasa likod nito, at sino ang gustong makinabang?
Sa akin lang... kahit maka ilang People's Power pa tayo wala ding mangyayari hanggat hindi nababago ang sistema, hindi tama at patas ang batas para sa lahat, ganito na lang lagi tayo walang patutunguhan.. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata na tayo rin namang mga simpleng tao ang kawawa.

Friday, June 17, 2005

HETO NA NAMAN!

I went to my school to get my transcript of records but I did'nt because of some minor problem.. The office of the registrar questioned my failing grade from my P.E. subject last semester. Actually I knew it before our graduation march that I'm going to fail the subject because the school have the policy that we need to file our candidacy for graduation before the commencement day to evaluate our grades. But when they released the results of the evaluation, I expected the unexpected! I failed from my typing course instead of P.E and accounting. Pero ok na din sana kasi atleast I can march to stage but I need to take summer class for typing before I get my diploma. Nakuha ko na nga yun three weeks ago di 'ba! kahit na ang panget at simple ang pag kakagawa, tinalo pa yung mga fake sa Recto.
They asked me to look for my P.E instructor and sign a waiver as proof that he allow me to pass the subject and change my grade.. Grabe!! yan na naman!! But I don't want to blame the registrar that much dahil may mali din ako.. Hindi ko naman talaga pinasukan yang subject na yan eh! Kinausap ko dati yung prof ko na mahihirapan ako umatend sa P.E dahil may OJT ako sa umaga at dalawa ang P.E ko last sem kahit na 30 units ako, mahirap yun ha! Kasi sa school namin 21 units lang ang allowed exept dun kung graduating ka! Dadaan ka pa sa pakiusapan. Sabi niya sa 'kin na magbigay na lang ako ng 500 pesos para pambili ng mga shuttle cock daw? anyway bahala na siya dun! Ang kaso hindi ko din nagawa dahil nga busy ako, tsaka pinalakad ko na yun sa classmate ko na kakilala ko, kaso hindi rin pala niya nagawa. Ganito lang yun kasimple... "Akala ko kasi lusot na!?" dahil nga hindi naman na record ng registrar na bagsak din pala ako sa P.E.! Hindi rin kasi ako makaka akyat sa stage nung graduation kung P.E ang bagsak ko...Late kasi sila mag release ng grades! Actually nakuha lang namin yung grades namin nung May na! Akala ko naman kaya may evaluation para malaman ko na in-advance kung ga-graduate ako.
Hoopps... Baka isipin niyo ang bobo-bobo ko ha? dahil ang dami kong bagsak...Siguro subukan niyo na lang mag aral sa school ko para maintindihan niyo ang sinasabi ko.. Anyway medyo kalmado naman ako ng sinabi sa office na madali lang daw yun basta kausapin ko yung previous instructor ko.. kaso baka mag bayad ako,... baka pagalitan lang ako sa amin kapag nalaman nila.. Kanina rin kasi pingalitan ako ng mommy ko dahil lagi ako umaalis ng bahay, dapat daw nag a-apply na'ko! Sabi ko inaantay ko na lang ang transcript ko! kaso Heto na naman!!!

Wednesday, June 08, 2005

ROAD TRIP

Ngayon lang ulit ako nakapag blog pagkaraan ng tatlong linggo, kasi wala lang tinatamad lang kasi ko nang mga nakaraang linggo dahil sa sunod sunod na pagbabakasyon ko. Actually last May 26-27 yung mga lakad kong yun, pero ngayon ko lang 'to makukwento sa inyo.
Niyaya ako ng kaibigan ko na mag bakasyon sa Laguna at Quezon kasama ng kapatid niya at kamag anak ng b.f niya. Taga San Pablo kasi yun. Umalis kami sa Taguig 3:30 ng madaling araw at nakarating kami dun ng pasado alas singko ng umaga. Dapat uuwi din kami ng gabi nung araw na yun kaso para mas masulit namin ang pamamasyal, kinabukasan na kami umuwi.
Gamit ang pick-up namasyal kami sa ibat-ibang lugar sa Laguna. Eto at kukwento ko sa inyo ang mga napuntahan namin.
Una naming pinasyalan nung umaga ang Sampaloc Lake na isa lang sa 7 Lakes ng Laguna, ang daming nag ja-jogging sa umaga... Panalo!
Alam niyo ba ang bagong teleserye at ang classic movie na Kampanerang Kuba? Isa lang kasi ang simbahang ginamit dun. Nagcarlan, Laguna ang sunod na destination namin... nakarating kami dun!
Sunod ang Underground Cemetery sa Nagcarlan din, siguro bihira sa mga tao ang nakakaalam ng lugar na yun kaya proud ako na napuntahan din namin yun, yabang ba? sensya na!
Pumunta din kami sa Liliw kung saan may Tsinelas Festival, Tapos bumalik sa San Pablo at nag swimming sa isang resort, ok din naman ang kaso konti pa lang ang pool, tabing batis din yun, nag inuman kami at syempre nag videoke.
Kinabukasan bago bumalik sa Maynila, namasyal pa kami. Dumaan kami sa Paete Church. Bibilib ka sa simbahan... bukod sa luma tulad ng sa Nagcarlan, ang mga Santo ay puros inukit sa kahoy. Kaya nga tinawag na Paete kasi di'ba nga ang daming inukit gamit syempre ang paet' (chisel).
Pagkatapos sa Caliraya, kung saan ka makakakita ng man made lake, sabi nila panahon daw ni Marcos pinagawa yun. Dun din yung Japanese Garden, kaso nakakapang hinayang dahil napabayaan... malaki pa naman... dun na rin kami nag tanghalian ang kaso umulan kaya napa uwi na rin kami agad.
Pauwi na kami sa Maynila, ginamit naming way ang Rizal Area, kaya dumaan kami sa Quezon Province at nalibot ang buong Laguna Lake.. Napadaan din kami sa Pililla Rizal sa Villa San Lorenza kung saan din kami mag si-swimming ulit nung gabi ding yun! Grabe noh! Nadaanan na namin nung hapon tapos babalik din kami sa gabi, birthday kasi nang barkada namin eh.
Yun nga nung kinagabihan nakarating na kami sa bahay namin, agad akong naligo para makahabol sa swimming namin sa Pililla Rizal, pagdating namin sa bahay kaibigan kong may bertday, akala ko huli na kami at marami, hindi naman pala.. Ang dami pa naman niyang hinandang pag kain tapos 7 lang pala kaming mga kaibigan niya ang nakarating . Syempre inuman na naman pero hindi ako masyado nag pakalasing kasi puyat nga ako at nakainom na din sa Laguna, tsaka iniisip ko pa ding makahabol sa outing namin ng pamilya ko kinabukasan. Alam niyo ba kung saan? Sa Laguna ulit! Splash Island.. Ang kaso hindi na din ako nakasama dahil nga magkasunod na araw na 'kong nag swimming at puyat.. Hindi rin ako aabot dahil 6 a.m na kami umalis sa Pililla, ang alis ng mga mommy ko 6a.m din. Nag text naman ako na susunod na lang ako sa Splash at iwanan na lang nila 'ko ng pera pamasahe at pang entrance ang kaso hindi rin nila ginawa, kaya natulog na lang ako mag hapon sa bahay.
Ang pangit tingnan noh? Sa mga kaibigan ko nakasama ko sa mga outing pero sa pamilya hindi ako nakasama, ang sama ko na ba?! Nag kataon lang na sunod sunod yung lakad at akala ko kaya ko, ayoko kasing may tanggihan eh. Tsaka hindi pa'ko nakakapunta sa Splash....