Monday, June 26, 2006

PESO

Meron akong kapitbahay kung tawagin ay si peso, ewan ko kung bakit peso? Sa sampung taon naming nakatira sa apartment na pag aari ng magulang niya, ni minsan hindi kami nag kasama at nag kausap ng matagal o naging close man lang. Kahit na minsan ay may pag ka wirdo tong taong 'to.. Minsan mabait, palabati, minsan nag wawala, nagbabasag sa looban namin, dati mahilig siya makipag laro sa mga bata, may trip din yan na mag isa lang sa isang tabi, habang nakikinig ng radyo, Umiinom araw-araw, gabi-gabi ng siya lang mag isa at walang kausap.. Siguro kung kapitbahay mo siya? matatakot ka...
Tingin ko hindi naman siya nag do-droga.. sigarilyo at alak lang talaga ang bisyo niya.. Pero dahil siguro dito na ako lumaki sa lugar namin, sanay na rin ako sa mga ingay at gulo o minsang sigawan.. Para kasi sa akin basta huwag lang kaming pakikialaman wala rin ako paki sa kanya..

Nakwento ko lang naman siya dahil ng minsan habang nanonood kami ng telebisyon, bigla na naman sinumpong tong taong 'to, nagbabasag, kung anu-ano ang ibinabato sa labas ng bahay niya, natatakot nga ang mga kapatid ko kasi baka biglang batuhin ang bintana, Mag katapat kasi ang bahay namin.. Minsan naman tumambay ang mga barkada ko sa bahay.. na tsempuhan nila ang pagka bangag nito sa alak.. Nakikinig kasi siya ng radyo na todo volume at basag ang tunog.. a.m. pa ha?!!buong magdamag yun.. eh nanonood kame ng dvd nun.. hindi tuloy namin maintindihan ang palabas. Nakakahiya tuloy sa mga bisita ko.

Sabi ko na lang sa kanila ganyan talaga yan.. Bakit hindi daw ako tumawag ng barangay? tanong ng kaibigan ko, Nag aalangan din kasi ako eh na gawin yun, bukod sa kami lang ang hindi kapamilya sa apartment na yun..( Lahat kasi ng nakatira sa apartment bukod sa amin ay puros mga anak ng may-ari ng bahay.. Kami lang ang nangungupahan dun..) at kami lang ang tumagal ng sampung taon sa looban nila, yung mga nag daan kasi naka away nitong si peso.. Kilala ko rin kasi siya na ganun talaga ang trip niya.. Kung baga medyo naiintindihan ko siya kasi baka nalulungkot na siya sa buhay? Wala kasi siyang sariling pamilya kahit na masuwerte siya sa magulang niya at pinagawan pa siya ng sarili nitong bahay, yun nga lang wala siyang trabo!!wala ring mga kaibigang matino.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home