Sunday, November 26, 2006

F-37

Isang buwan mahigit na lang ang inaantay ko bago ko tuluyang umalis sa Metro, ang dami ng nangyari masasaya, malulungkot, kakagulat, nakakatakot. Sayang nga lang at hindi ko na matutuloy ang pag giging regular sa January, kahit pinipigilan ako ng team leader namin na huwag umalis, o i-re assign na lang ako sa ibang kompanya.

May mga nagawa kasi akong pinag sisihan ko ng husto, nawalan ako ng best friend sa trabaho dahil sa kakulitan ko siguro o nag sawa na siya sa pakikisama sa akin.

Kung tutuusin nung una pa lang ay wala na akong plano magtagal sa trabaho sa Metro, dahil pakiramdam ko sobrang nakakapagod dahil sa o.t. at nakaka buraot pa ang araw araw na ginagawa, nag karoon na lang ako ng gana nung magkaroon ako ng kaibigan doon.

Pero dahil nga sa mga hindi inaasahang pangyayari, at dahil sobrang bugso ng damdamin, kailangan wag na 'kong mag tuloy. Para sa ikakabuti na rin namin pareho.

Kahit hindi na'ko tinuturing na kaibigan ni kupz... Tinuturing ko pa rin siyang malaking bahagi ng buhay ko, marami kong natutunan at mas nakilala ko pa ang sarili ko.. Mas naging matapang akong harapin ang mga kinakatakutan at problema ko..

Sana nga lang ay mapatawad niya na'ko ng tuluyan, nasaktan man ako, mas malaki naman ang nagawa kong kasalanan sa kanya na alam ko na kahit imposible na kaming maging magkaibigan ulet at hindi na maibalik yung dati. Pinag dadasal ko na lang na balang araw makabawi ako sa kanya sa lahat ng mabuting nagawa niya sa akin. Ngayon, mas nakilala na namin ang isa't-isa.

Sunday, November 19, 2006

WAREHOUSE STAFF

Apat na buwan na 'ko sa pagiging warehouse staff, marami na ang nangyari sa buhay ko... Siguro isa 'to sa mga trabahong hindi ko malilimutan, Dito sa trabahong 'to hindi lang pera ang naging mahalaga sa 'kin, kundi ang isang kaibigan na tinuring ko ng best friend sa trabaho, ang nag iisa kong kaibigan dun.. Pero nakakalungkot isipin na aalis na'ko sa pagiging warehouse staff, baon ang pag kasira ng aming pag sasamahan.. Siguro kasalanan ko nga talaga at dahilan kung bakit kami umabot sa ganito... Pero nangyari na ang lahat, nasa huli man ang pag sisisi, kailangan ko pa ring ituloy ang buhay, Yun nga lang hindi ko na kayang ,mag pa regular sa trabaho sa dami ng mga nangyari..

Nasaktan man ako, hindi ko pinag sisihan na nakilala ko siya, dahil dun mas natutunan kong bumangon uli mula sa aking pag kadapa, Marami kong na realize sa buhay na dapat hindi lahat ng gusto natin, ay siyang agad agad na mangyayari, Igalang din natin ang nararamdaman ng iba.

Sa pagiging ware house staff ko din naranasan ang mag trabaho ng sobra pa sa 12 hours, yung tipong pagod na pagod ka na, pero kailangan mo pa ring mag trabaho, dito natutunana kong pahabain ang aking pasensiya, Siguro nakatulong na din para malampasan ang lahat ng iyon dahil sa kaibigang nakakasama ko, at nakaka kwentuhan, Kung may mga nasabi man akong masama sa kanya sa harap ng mga ka trabaho namin, yun ay aking hinihingi ng tawad, at kung nasaktan man ako, napatawad ko na rin siya..alam ko na hindi na maibabalik ang dati naming samahan, at sana ay mapatawad niya rin ako sa mga nagawa ko sa kanya..

Salamat sa pagiging warehouse staff at mas naging marunong ako sa buhay, at dito mas nasubok ko ang pagmamahal ng aking pamilya at mga kaibigan, may nawala man sa akin, alam kong may mas magandang mangyayari. Dito natutunana ko na minsan ang higit na mahirap kalaban ay ang ating sarili. Salamat sa mga ala-ala sa warehouse... Masaya man o malungkot hindi ko 'to malilimutan...