Sunday, November 26, 2006

F-37

Isang buwan mahigit na lang ang inaantay ko bago ko tuluyang umalis sa Metro, ang dami ng nangyari masasaya, malulungkot, kakagulat, nakakatakot. Sayang nga lang at hindi ko na matutuloy ang pag giging regular sa January, kahit pinipigilan ako ng team leader namin na huwag umalis, o i-re assign na lang ako sa ibang kompanya.

May mga nagawa kasi akong pinag sisihan ko ng husto, nawalan ako ng best friend sa trabaho dahil sa kakulitan ko siguro o nag sawa na siya sa pakikisama sa akin.

Kung tutuusin nung una pa lang ay wala na akong plano magtagal sa trabaho sa Metro, dahil pakiramdam ko sobrang nakakapagod dahil sa o.t. at nakaka buraot pa ang araw araw na ginagawa, nag karoon na lang ako ng gana nung magkaroon ako ng kaibigan doon.

Pero dahil nga sa mga hindi inaasahang pangyayari, at dahil sobrang bugso ng damdamin, kailangan wag na 'kong mag tuloy. Para sa ikakabuti na rin namin pareho.

Kahit hindi na'ko tinuturing na kaibigan ni kupz... Tinuturing ko pa rin siyang malaking bahagi ng buhay ko, marami kong natutunan at mas nakilala ko pa ang sarili ko.. Mas naging matapang akong harapin ang mga kinakatakutan at problema ko..

Sana nga lang ay mapatawad niya na'ko ng tuluyan, nasaktan man ako, mas malaki naman ang nagawa kong kasalanan sa kanya na alam ko na kahit imposible na kaming maging magkaibigan ulet at hindi na maibalik yung dati. Pinag dadasal ko na lang na balang araw makabawi ako sa kanya sa lahat ng mabuting nagawa niya sa akin. Ngayon, mas nakilala na namin ang isa't-isa.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home