Wednesday, April 18, 2007

PUCHA INIT!

HOoo... hindi na'ko mag kanda ugaga kung pano mababawasan ang init ng katawan.. ( hindi libog ha ). Sobrang init na talaga ngayon... nakakamis tuloy si bagyong Milenyo.. hehe.. sana wag na maulet yung ganung kalakas.. kawawa naman ang marami..Tamang ulan at hangin lang.. Laki na nga ng bill namin sa kuryente, dahil sa magdamagang bukas ang mga electric fan sa sala at sa kwarto.. sabay pa jan ang exhaust fan.. at maghapong panonood ng telebisyon, dahil walang magawa. Nakakainis wala man lang mag yaya ng swimming at manlibre! har har har! Meron naman plano, pero sa May pa.. ewan ko lang kung matuloy pa yun..
Nung mga nakaraang taon, dami kong outing na napupuntahan, hirap pa nga mag decide kung kaninong tropa ko sasama, sumabay pa jan ang family outing.. pero kadalasan mas pinili ko kasama ang barkada ko dito sa'min.. Ngayon.. pati family outing wala! kasi kapapanganak lang ng ate ko at may alagain pa kameng 2 months old na baby.. iyak nga ng iyak, dahil sa sobrang init! Dalawang beses na nga ako maligo, maya-maya konting kilos lang, tagagtak na naman ang pawis.. Sa hapon ang gastos sa merienda.. halo-halo! Ok naman ang lasa at nakakabawas init.. Pero sobra talaga nakaka dehydrate pa din... hoohhhhhh! Kelangan kong mag out of town!!! Paramdam naman kayo!!!!

Wednesday, April 04, 2007

JOB QUITTER

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa'kin.. naguguluhan na'ko.. hindi ko maintindihan kung bakit nawawalan na'ko ng gana na magtrabaho.. nagpapasalamat ako dahil mabilis naman akong matanggap.. syempre dinadaan ko din sa dasal.. yung magiging resulta ng mga tests and interviews ko.. I'm glad na nakakapasa naman ako.. kahit parang dumudugo ang ilong at tenga ko sa kasasagot ng ingles sa mga interviews.. Pero kapag nag start na'ko sa inaplayan ko.. parang mawawalan na'ko ng gana.. at na bo-bored ako... kinu-consider ko rin kasi yung mga taong makakasama ko, kung feel ko ba sila at yung klase ng trabaho kung mag e-enjoy ako.. Pero kapag nariyan na.. mali pala 'ko.. hindi ko pala trip..
Siguro.. iniisip niyo na ang sama ng ugali ko.. tamad ako at namimili ng trabaho.. ganyan din ako mag isip dati.. sabi ko ang importante mas mapalapit sa course na natapos ko ang magiging trabaho ko. Naalala ko ang sinabi ng isang kaibigan.. na mahalaga din kung magiging masaya ka sa trabaho mo.. kahit na hindi ganung kalaki ang sweldo.. Ngayon ko na realize at naramdaman yun.. na parang tama siya...
After kong mag work sa isang warehouse na alam kong naging masaya 'ko.. kahit na tadtad sa o.t. pero nung tumagal, dahil sa mga nangyari.. hindi na'ko naging masaya.. Masasabi kong mas malapit naman sa course ko at mas malaki ang sahod sa mga sumunod na trabaho ko.. customer service and sales.. Pero hindi rin ako tumagal sa mga trabahong 'to.. dahil hindi rin ako naging masaya.. Record breaking na siguro yung huli kong napasukan bilang sales coordinator.. isang araw lang akong pumasok... first day of training pa lang.. inayawan ko na.. kinabukasan nun.. hindi na'ko pumasok.. dahil ngayon yun! habang ginagawa ko 'tong blog na'to..
Naiintindihan naman ako sa bahay kapag sinasabi ko ang mga reasons ko.. pero 'tong pinakahuli.. nahiya na'ko kaya napilitan akong mag sinungaling.. pero may halong katotohanan pa rin naman.. Sinabi ko na lang na-hold ako.. dahil may findings sa Medical ko.. at totoo namang may findings pa rin ako.. na inakala ko dati na o.k na... dahil nung kumuha ako sa Munisipyo ng Paranaque ng Health Permit nag negative na'ko.. ( Basahin mula sa blog kong MASARAP ANG BAWAL?).
Siguro nga.. nagiging makasarili na'ko dahil sa mga ginagawa ko.. pero mahirap din kasing ipilit ang hindi mo gusto.. mukang kakainin ko na ang pride ko.. at hahanap ako ng work na kung saan ko naramdaman yung thrill, excitement kapag pumapasok ka.. at kung saan ako naging masaya.. kahit na mahirap.. at hindi kalakihan ang sahod pwede na.. hayyyyy.. sana hindi magtampo sa'kin si God.. nahiya din kasi ko sa kanya, dahil halos lahat ng hiniling ko sa kanya natupad.. pero ako lang yung sumuko...

Monday, April 02, 2007

MASARAP ANG BAWAL?

Holy Week na.. panahon ng mga penitensiya at pag aayuno sa paniniwalang Kristiyano.. Pero totoo kayang mababawasan ang mga kasalanan natin kapag nag penitensiya tayo? Siguro? pero pagkatapos nun? balik ulet sa dati?
2 years ago nakakasama ako sa Alay Lakad kasama pa ang ibang mga kaibigan.. siguro, hindi ko rin naman magagawang mag lakad mula sa Taguig hanggang Antipolo kung wala ring nagyaya sa'kin na ka-tropa.. at ang nagawa ko rin yun dahil naisip ko na 1-3 beses lang yata ako sa isang taon na nakakapag simba atleast makabawi man lang ako.. syempre nanjan na rin yung thrill at parang laging may gusto 'kong subukan at maranasan.. Yun ang mga nasa isip ko nung mga panahon na yun.. Pero kung iisipin? oo nga... may saysay pa kaya yung mga ginagawa kong yun kung bumabalik din naman ako sa mga dating gawain...
Minsan sa dami ng mga relihiyon at sa impluwensiya ng ibang mga tao.. at siguro sa bigat na rin ng problemang dumarating at mga tanong na naghahanap ng kasagutan... minsan nakaka apekto na rin yun sa paniniwala ko.. naiisip ko rin kung may relihiyon ba talagang eksakto... pero... wala naman talaga... yun lang po ay sarili kong opinyon... Para sa 'kin at siguro sa ibang may ganitong paniniwala... "BASTA GUMAWA KA LANG NG MABUTI SA KAPWA AT SA SARILI" Yun na yun... at matuto ka lang rumespeto sa paniniwala ng iba na alam mong hindi naman nakakasama.. yun din yun...LOVE AND PEACE lang ang matutunan mo.. malaking epekto na yun sa "earth"... hanep!!!
Pero mahirap talagang umiwas sa mga bisyo... di'ba kasalanan din daw yun? dahil nakakasama sa kapwa at sa sarili... Siguro yung alak.. nakakaya ko ng tiisin at iwasan.. anyway... occasional drinker lang naman ako.. pag nagkayayaan lang ang barkada.. kaso every week ang yaya eh... minsan twice pa... "pero dati yun..." siguro ngayon kapag may birthday na lang ng mga kaibigan at kakilala ang inuman...dahil may mga kanya kanya ng pinag kaka abalahan.. career...pamilya... ayos na rin... nahihirapan lang naman ako sa yosi...
Hindi naman ako nag yoyosi sa bahay lalo na sa loob.. dahil baka ma suffocate ang mga tao sa liit ng bahay namin.. at nakasanayan ko na rin na hindi ipakita sa nanay ko ang pag yoyosi ko... minsan lang niya makita.. pag nasa labas lang kami o kaya sabay na naglalakad o namamasyal...
Una akong matutong mag yosi nung grade 5 ako.. pero hindi ko naman ginawang bisyo.. pinag aralan lang namin.. wala lang trip lang.. nasundan nung high school kapag may mga inuman ang barkada... at nung college na tuluyan ko ng naging bisyo.. dahil maluwag pa ang batas sa University namin nung panahon na yun.. at hanggang ngayon bisyo pa rin...
Minsan sinubukan ko na ring itigil, dahil medyo tinamaan yata ako..di naman masyadong malala.. wag lang mapabayaan.. na-apektuhan lang naman ang trabaho.. Pero after lumabas nung pinaka latest result ng check up at nag negative na'ko.. balik ulet sa dati.... Pero inuunti-unti ko na lang... hanggang sa mapag aralan ko ng maiwasan ng tuluyan..
Marami pang bawal na masarap gawin at mahirap maiwasan.. at meron din namang bawal sa paniniwala ng iba pero sa akin pinaninindigan kong walang masama... At sana hindi pa huli ang lahat... Alam ko na hindi lang ako ang ganito... marami tayo... at siguro maiintindihan niyo 'ko.. VACATION MODE NA!!!