Monday, May 28, 2007

ETO NA NAMAN AKO..

Mukang mawawala na naman ako sa sirkulasyon.. medyo magiging busy na naman ako sa bago kong work ngayon.. start nako bukas.. kahit na marami nakong experiences sa work, kabado pa rin kada first day, syempre hindi ko alam, kung tatagal ba 'ko dito o ayos ba yung mga taong makakasama ko.. sana naman... Sana hindi 'to matulad sa tatlong napasukan ko nitong 2007 lang.. ( "MULA SA BLOG KONG: JOB QUITTER.") na puros nag back-out ako.. dahil sa hindi ko maintindihang bagay na hinahanap ko... Pero ok nako ngayon, siguro dahil nalaman ko na din yung totoo.. at nakakarinde na rin ang sermon ng nanay pag tengga ka sa bahay at puro gala lang ang ginagawa... hehe

Babalik na'ko sa trabahong nagbigay sa'kin ng maraming alaala.. DRAMA!!! hehe.. babalik na'ko sa lugar kung saan malapit ako kung saan ako nag trabaho, ibang kompanya pero mukang magiging kapit-bahay ko pa yata yung dati kong pinanggalingan... grrrrrrr!!! hehe

Pero iba na ang linya ng trabaho ko dito, medyo ayos-ayos na... kumpara dun sa huling sixth month work ko na nabanggit ko kung saan ako malapit..? Medyo pormal na ang uniform, First time kong mag po-polo barong sa trabaho.. after kong mag graduate sa college.. hindi tulad dati na kahit ano lang ang pwedeng isuot.. Ewan ko kung ano ang magiging reaksyon ko pag nakita ko ang mga dati kong katrabaho na malapit din dun sa papasukan ko ngayon.. Hindi ko rin alam kung paano 'ko mag re-react.. kung sakali man..

Hindi ko sinadya na doon ako sa avenue na yun mapadpad.. kasi sa Pioneer naman talaga kame, kaso mukang mag lilipat ng lokasyon tong pinapasukan ko.. at hindi ko naisip na doon mismo sa avenue na yun ang ending.. Nyehhhh!!! Whatta co-incident!!!!? Goodluck na lang sa'kin... sana matagalan at makayanan ko 'to.. AJAH!!!

Thursday, May 17, 2007

MAY TAMA AKO!

May mga bagay tayong nagagawa dahil sa mga naiisip natin, minsan pinagsisisihan natin yung mga nagawa nating yun dahil pakiramdam natin mali yung mga naisip natin.. ang gulo noh? hehe

Minsan nakakasakit tayo ng ibang tao dahil nasaktan tayo.. o dahil parang gusto nating gumanti, minsan din yung akala nating mali nating nagawa at naisip sa kanila, sa huli napapatunayan nating tama lang pala yung nagawa, at mawawala na yung pag sisisi, dahil nag aksaya lang pala tayo ng oras sa kanila..

Pero ganun talaga, walang katotohanang hindi nabubunyag.. ganun pa man.. masakit mang malaman yung totoo.. sa una lang yan.. mapapalitan na ng kaliwanagan ng pag iisip.. mawawala yung pakiramdam na na guilty ka sa nagawa mo dati.. dahil totoo naman pala yung hinala mo.. ha ha ha.. Napatawad ko na rin naman sila.. at dapat wala na rin akong pakialam.. nai-blog ko lang to' dahil siguro nararamdaman niyo rin 'to minsan..

Ang higit na napatunayan ko.. kung sino talaga ang kalaban.. at huwag ako basta basta magtitiwala.. dahil marami talagang mga mababangis na ahas sa gubat...

Maliban na nga lang sa mga dati ko ng mga kaibigan na subok ko ng napagkatiwalaan.. Alam ko na ngayon na mahirap talagang mag invest ka ng sobrang emosyon sa bawat bagong taong nakikilala mo, at akala mong tapat at katiwa-tiwala.. na iniisip kong tunay silang mga kaibigan.. hindi pala...

Mabilis kasi akong makipag kaibigan, ang kaso kapag napalapit na sila sa'kin.. espesyal agad ang treatment ko sa kanila.. Marami na talaga ang mga mapag panggap sa panahong ito.. Salamat na lang sa aral ng panahon.. may tama ako!!! sana tamaan din kayo!!!! har har har!!!!

INGAT..... by: "jan mongolloyd"

Friday, May 04, 2007

LAIYA

Buti na lang at may sumagot sa blog kong, "sana may magyaya ng bakasyon ngayong sobrang init.." natuloy din ang bakasyon... kasama ang mga kaibigan ko nung high school.. Kahit na sobrang layo ng napuntahan namin at nag commute lang kame.. sulit din naman.. first time kong mag snorkling.. ang saya! kaya lang medyo nakaka dismaya lang yung ibang corals na nakita ko...eh nasira na.. siguro sa kapabayaan ng mga taga Laiya.. O siguro dati may mga nag da-dynamite fishing dun o kaya yung sinisisid yung ilalim tapos dudurugin yung mga corals, para mag labasan ang mga isda.. Wag naman sana.. Ang dami pa namang magagandang lugar dito sa Pilipinas.. wag sana nating sirain..
Ayos din ang one on one inuman namin ni Pipoy na kapatid ng kaibigan ko.. mas bata sakin yun.. pero masasabi kong isa yun sa mga inumang masaya, kahit dalawa lang kame.. habang inuman sa tabi ng dagat..daming napag kwentuhan.. Yung mga kasama kasi namin, napagod na at nakatulog agad.. Pero kame, sinulit namin yung pag stay dun.. doon na nga rin kami nakatulog sa tabing dagat...Nakakamis yung lamig dun! Sana maulit ulit ang bakasyon.. next stop namin sa Ilocos region naman.. Doon kasi probinsya nila.. Sana matuloy.. Matagal ko na kasing gustong makapunta doon.. Sana may masaya din kayong bakasyon ngayon...