Tuesday, March 29, 2005

ANG BAGONG JANTUTAN!

Ayy.. sa wakas sa pag balik ko sa campus eh nabawasan ako ng isang malaking tinik sa lalamunan kaya eto ulit ako at mangungulit sa remake ng aking blogsite courtesy of my thoughtful friend na nag turo din sakin sa pag gamit nito.. Kaya naman masayang masaya ko ngayon! Dahil dalawang magandang balita ang aking natuklasan.

Kahit na hindi pa lubos ang kasiyahan, dahil wala pa din ang form 137 ko.. Alam ko na unti unti ng lumilinaw ang lahat. Nararamdaman ko na ga-graduate nako kasabay ng mga kaibigan. Sana ay walang sumunod na problema.

Kahit na alam ko na may mas malaki pang darating, dahil ang malaking tanong after ng commencement namin eh.. Saan, Paano at Kailan ako makakapagtrabaho??!! Sa hirap ng buhay sa Pinas at sa dami ng nangangailangan ay mukang mahihirapan..
Ang Bagong JANtutan ay hindi bastos gaya marahil ng iisipin ng mga makikitid ang utak, Siguro may pag ka pilyo lang talaga ang may ari ng blogsite na 'to.. Pero sa mas malinaw na kahulugan... Eh simpleng pag kukuwento lang po 'to.. tungkol sa bawat pangyayari sa buhay ng isang simpleng tao.. Ang bawat pakikisalamuha sa mga kaibigan, barkada, pamilya, lipunan, sistema atbp. Ang bawat pag pasok sa ibat-ibang kaganapan sa kanyang buhay..at dito niya ipinapasok ang bawat detalye kung wala siyang magawa....Kaya sama na! JANtutan NA!....KEEP ON BLOGGING!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home