Friday, June 30, 2006

CAPTAIN BARBELL?

Nadismaya ako sa remake ng Captain Barbell!!! Akala ko pa naman maganda ang magiging takbo ng istorya... pero sa umpisa pa lang ng mapanood ko minsan, hindi ko nagustuhan.. Iniba kasi masyado!! Malayong malayo na sa original na gawa ni Mars Ravelo..okay lang naman na may ibahin kung sa ikagaganda ng programa, pero huwag naman halos lahat na naiba at ang masama, may pinag-gayahan ang marami sa takbo ng istorya, Ginaya sa mga foreign super heroes. Hindi ko nais na siraan ang palabas, sinasabi ko lang naman na para sa akin hindi maganda ang istorya.. Kung ikaw na tulad ko na nakapananood ng original story ni Captain Barbell malamang hindi mo rin ito magustuhan kung magaling kang manonood.?

Si CAptain Barbell ay isa sa mga classic pinoy super heroes na unang nabasa sa komiks na nilikha nga ni Mars Ravelo, kung baga dapat maipasa sa mga susunod pang henerasyon ang orihinal na istorya ni Captain Barbell.. Sa mga bago kasing makakapanood nito malamang maiba na ang pagkakilala nila sa pinoy super hero na ito..

Sa original si Enteng ang outer ego ni Captain Barbell, isang mag magbabakal na patpatin na nabiyayaan ng mahiwagang barbell ng isang istranghero..

Pero sa bago, si Captain Barbell daw ay galing sa ibang planeta na napadpad sa mundo para iligtas ng mga magulang niya sa mga kaaway ng kanilang planeta. (PARANG HAWIG SA SMALL VILLE?)

Si Enteng ay hindi patpatin sa bagong Captain Barbell, hindi rin malayo ang kanilang itsura kapag nagiging superhero na siya..

Sa bago, handcary na lang ni C.B. ang kanyang barbell, na mukha pang medalyon, hindi mukang barbell.. Hindi rin bagay ang costume sa mukha ni C.B. masyadong malaki ang katawan.. napansin niyo ba?

May mayamang bestfriend si C.B. NGAYON..na pag dating ng araw ay magiging mahigpit niyang kalaban. (MALA SPIDERMAN?)

Maganda kasi sana kung medyo pinareho na lang sa original story na kung tutuusin naman ay mas maganda.. Gustong gusto ko kasi ang kwento ni C.B. nang mapanood ko ito nung bata pa'ko, kaya huwag sanang masamain ang aking opinyon sa nasabing bagong Captain Barbell..Mahalin Natin Ang Sariling Atin!!

Monday, June 26, 2006

PESO

Meron akong kapitbahay kung tawagin ay si peso, ewan ko kung bakit peso? Sa sampung taon naming nakatira sa apartment na pag aari ng magulang niya, ni minsan hindi kami nag kasama at nag kausap ng matagal o naging close man lang. Kahit na minsan ay may pag ka wirdo tong taong 'to.. Minsan mabait, palabati, minsan nag wawala, nagbabasag sa looban namin, dati mahilig siya makipag laro sa mga bata, may trip din yan na mag isa lang sa isang tabi, habang nakikinig ng radyo, Umiinom araw-araw, gabi-gabi ng siya lang mag isa at walang kausap.. Siguro kung kapitbahay mo siya? matatakot ka...
Tingin ko hindi naman siya nag do-droga.. sigarilyo at alak lang talaga ang bisyo niya.. Pero dahil siguro dito na ako lumaki sa lugar namin, sanay na rin ako sa mga ingay at gulo o minsang sigawan.. Para kasi sa akin basta huwag lang kaming pakikialaman wala rin ako paki sa kanya..

Nakwento ko lang naman siya dahil ng minsan habang nanonood kami ng telebisyon, bigla na naman sinumpong tong taong 'to, nagbabasag, kung anu-ano ang ibinabato sa labas ng bahay niya, natatakot nga ang mga kapatid ko kasi baka biglang batuhin ang bintana, Mag katapat kasi ang bahay namin.. Minsan naman tumambay ang mga barkada ko sa bahay.. na tsempuhan nila ang pagka bangag nito sa alak.. Nakikinig kasi siya ng radyo na todo volume at basag ang tunog.. a.m. pa ha?!!buong magdamag yun.. eh nanonood kame ng dvd nun.. hindi tuloy namin maintindihan ang palabas. Nakakahiya tuloy sa mga bisita ko.

Sabi ko na lang sa kanila ganyan talaga yan.. Bakit hindi daw ako tumawag ng barangay? tanong ng kaibigan ko, Nag aalangan din kasi ako eh na gawin yun, bukod sa kami lang ang hindi kapamilya sa apartment na yun..( Lahat kasi ng nakatira sa apartment bukod sa amin ay puros mga anak ng may-ari ng bahay.. Kami lang ang nangungupahan dun..) at kami lang ang tumagal ng sampung taon sa looban nila, yung mga nag daan kasi naka away nitong si peso.. Kilala ko rin kasi siya na ganun talaga ang trip niya.. Kung baga medyo naiintindihan ko siya kasi baka nalulungkot na siya sa buhay? Wala kasi siyang sariling pamilya kahit na masuwerte siya sa magulang niya at pinagawan pa siya ng sarili nitong bahay, yun nga lang wala siyang trabo!!wala ring mga kaibigang matino.

Tuesday, June 20, 2006

ALKANSIYA

Last sunday nag simba ko kasama ang kaibigan, kasi naisip ko na hindi na pala ako nakapag simba since simbang gabi pa.. Pero hindi nga ako masyado nakapag concentrate sa misa eh.. kasi kung saan-saan ako napapatingin.. Destructed ba?

Hindi naman talaga ako regular na nag sisimba, may mga panahon pa nga na parang gusto ko na umalis sa religion na kinabibilangan ko.. Pero naliwanagan din ako na kahit na anong relihiyon ka pa.. pareho naman ang hangarin natin na mapabuti tayo.. kaya naisip ko na irespeto na lang ang kanya kanyang paniniwala.. basta sa akon na lang basta wala kang ginagawang masama.. maliligtas ka..

Ang talagang nag tulak sakin na isulat ito ay ng mabagabag ako ng sa katapusan ng misa, nasabi ng aming pari dito sa aming parokya ang mga problemang kinahaharap ng aming simbahan.. Siya rin ang paring naroon noong simbang gabi, at pare pareho ang kanyang sinabi noon at nung nakaraang misa.. Para kasing humihing siya ng donasyon sa mga tao.. at nangngaulangan daw talaga siya at ang aming simbahan, nabanggit pa noya na pananagutan daw ng mga tao ang pare.. nabubuhay daw siya sa mga donasyon mula sa amin.. Hindi naman masama ang mang hingi ng donasyon.. ang inaalala ko lang ay lagi na lang niya nababanggit nag mga bagay na ito sa tuwing maaabutan ko siyang nag mimisa..

Nag pamigay pa nga siya ng mga alkansiya sa pinto ng simbahan para ipamigay sa tao, at kailangan ipa tala ang mga pangalan ng mga kumuha nito.. at kapag napuno.. ibalik ng muli sa simbahan. Nakabantay pa siya sa pinto para bang nangongonsiyensiya at siguraduhing mauubos ang mga alkansiya..

Hindi ko lang maintindihan..ewan ko sa pananaw ng iba? Para lang sa akin, ang panget tingnan ng ganung procedure ng pag hingi ng donasyon.. para kasing sapilitan..

Pero sa kung makikita mo ang aming simbahan.. maayos pa naman ito, at noong bago mag milenyo inayos na ito.. at ngayon uli?