KINDERGARTEN
After ng vox.. next level na ang labanan.. kinder na'ko! medyo na praktis na sa vox, kaya hindi na iyakin kapag iniiwan ng guardian.. Binabalikan na lang kapag uwian.
Teacher ko, hayy napaka sungit.. pero mabait siya sa ibang klasmeyt ko na sipsip ang magulang sa kanya.. TSISMIS lang naman at payabangan ang pinag uusapan.. ewan ko 'ba? Maraming ganun na parents.. sipsip sa mga teachers ng mga anak nila, siguro para mabigyan ng award ang bata sa recognition day.
Pero ako hindi.. momy ko? kahit kailan hindi ako naihatid sa school nung time na yun, lagi ate ko o kaya ang ninang ko na kapitbahay lang namin.. Tsaga din ni ninang noh? Siya rin ang nagturo sa'kin na isulat ang pangalan ko na pagkahabahaba!! at medyo may kabahuan ang second name ko. hehe.
Nung kinder ako, naalala ko pa na madalas akong mag taas ng kamay sa recitation, pero hindi naman ako tinatawag, kapag hindi naman naka taas ang kamay ko, dun naman ako tatawagin..
Kaya ng kuhaan na ng grades, magtataka ka kung bakit ang baba ng grades ko, tapos kinausap pa ang guardian ko na, inactive daw ako sa klase? Ano ba yun?
habang tumatagal nakakabawi na rin naman, at may mga naging kadaldalan na'ko sa klase.. bata pa lang, may talk show na... hahaha... Kaya yun!! nasampulan ako ng palo sa pwet! Di' naman ako umiyak.. at hindi rin 'ko sumbungero nung time na yun, dahil kung nagkataon na nagsumbong ako sa momy ko, sigurado!! sugod sa school ang drama nun!! Bait ko noh?
Minsan bayaran ng PTA, ako ang pinagbayad ng momy ko sa teacher ng fee.. inabot' ko kay teacher.. Pero ng kuhaan na ng grades nung finals, ayaw ibigay ni teacher ang card ko, kasi daw may utang daw ako sa PTA.. Yung iniiwasan ko na makipag away ang nanay ko sa teacher, eh nangyari din.. Kasi tiwala sa'kin ang nanay ko na naibigay ko yun kay Mrs. Raposon.. Kaya ayaw niyang pumayag na magbayad ulet dahil naniniwala siya na nagbayad na'ko.
In the end... binayaran na rin yung Php 60.00 na pinag tatalunan nila. Kaya next stop.... Grade 1 na'ko... Teacher? Mrs. Raposon ulet na teacher sa kinder... section 1..
Mas dumaldal ako dito, medyo nagiging sociable na ang lolo mo... karamihan ng seatmates puro cheeks!!!Yung isang klasmeyt ko na si Ruby Ann, natapunan ko ng champurado!!! Ngawa!! sa klase!!! Ako? Kurot sa singit!!! wahahhhh!!! Klasmeyt ko dito si ENGOT na kapitbahay ko.. may kasabay na'ko pag pasok sa kanto..May crush na kame nun... nagtatalo pa kame kung kanino si Joy na may bune sa leeg...
Minsan, nagkasakit si ENGOT, hindi makakapasok, kaya nung time na yun, ayoko din pumasok sa school, wala kase kong kasabay at bestprend kami nun.
Pinalo ako ni momy na dapat pumasok daw ako, sa takot umangkas na rin ako sa bike ng ate ko, habang umiiyak hanggang sa makarating sa school, tinginan ang ibang mga klasmeyt... pinapatahan ako ni teacher, ayoko talaga... sigaw ako ng sigaw sa classroom ng ENGOT!!! ENGOT!!! ENGOTT!!
Di nagtagal nagkahiwalay din kame ni ENGOT lumipat kasi sila sa Lucena dun na sila tumira, simula nun, hindi na kame nag kita... Pero balita ko sa ibang mga kababata ko dito at sinabi na rin ng ate ko na, minsan dumalaw sa amin si ENGOT, nagkataon namang nasa trabaho na'ko nun... Last Year lang yun!! Hindi kame nag pang abot.. Hinanap ko siya sa friendster pero bigo ako.. Sayang... pa'no kaya kung magkita kami ulet?
Bata pa lang ako, masyado na'kong attach sa mga nagiging kaibigan ko, nadala ko na yata yun, hanggang ngayon.
Abangan... Ika'lawang baitang pangkat dalawa...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home