Wednesday, October 25, 2006

METRO STRANDED

Medyo late na siguro tong blog ko ngayon, dahil matagal ng nakaalis si Milenyo, Pero hindi ako mapakali hangat hindi ko na i blog 'to... Ngayon lang kasi ko naka bisita dito, dahil busy na nga at wala na nga kong time. Hindi ko kasi makakalimutan ang nangyari sa 'kin kasama si Kupz ng mangyari tong kwentong 'to!

September 28, 2006 may pasok kame sa work kahit na sinabi sa balita gabi pa lang ng 27 na walang pasok sa lahat ng levels at opisina...dahil nga sa banta ng Bagyong Milenyo, Ewan ko ba? Siguro iba talaga linya ng trabaho namin kaya rain or shine pasok kame. Lunch Break nun pag labas namin sa Warehouse na pinag tatrabahuhan namin, hindi namin akalain na sobra lakas ng hangin... Kita namin na nag tumbahan na ang ilan sa mga poste sa labas ng compound. Napaisip na nga kame ng mga ka trabaho ko na bakit pinapasok pa kame.. Hindi na nga kame makalabas agad ng canteen sa lakas ng hangin... Pag pasok namin sa warehouse, sinabi sa'min ng 'visor na pauuwiin na kame ng alas dose.. Yun yung kasag sagan ng bagyo..

Kasama ko si Kupz, habang nag aantay ng masasakyan kasama ang ibang tao na na stranded sa Bagyo.. Nakakatakot, unang beses ko makaranas ng bumabagyo na nasa kalasada ako.. Nakikipag patintero kame sa mga yero, at paangkas angkas sa mga kahit anong sasakyan.. Nakikipag agawan at nag mamakaawa sa mga bawat sasakyang dumadaan, Habang basang basa sa ulan.. Wala ngang masakyan na dederetso sa lugar namin kaya napilitan ako makituloy kasama ang kaibigan ko sa malapit na bahay kung saan lang aabot ang truck na tangke ng tubig na inangkasan namin.. Nakakatawa nga kung naaalala ko, na hindi ko naisip na mangyayari sa akin yun.. nakaangkas sa ibabaw ng tangke ng tubig habang umiilag sa mga kable ng kuryente ng mga nag tumbahang poste.. Kung tutuusin sandali lang yung bagyo na dumaan sa Metro Manila, Pero ang dami naman na naperwisyo.. Sana wag na ulet mangyari yun, at sa mga kompanya naman, sana makinig kayo sa mga balita at babala ng panahon, lalo na kapag may banta ng malakas na bagyo o ano mang kalamidad, para hindi nalalagay sa alanganin ang mga trabahador ninyo..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home