Friday, February 23, 2007

VOX JUVENUM

Wala na naman magawa... kaya eto na naman at magsusulat ng kung anu-ano.. Naisip ko na ikwento ang buhay elementary ko, kasi halos karamihan ng mga kaibigan ko ngayon nakilala ko pa nung grades school, kaya parang ang sarap lang balikan ang pagiging batang U.E.S.
Eto ang umpisa....

Vox Juvenum!!
eto ang unang araw ng pasok ko sa school.. hinatid pa'ko ng ate ko papasok, angkas sa bagong BMX niya na bili sa PRIMA 3( dating sinihan sa Pasig, malapit sa palengke na may tindahan sa tabi ng mga bisekleta, wala na yun ngayon..) Umiyak pa'ko sa unang araw, tulad ng karamihang bata na nag uumpisa pa lang na mag aral.. lahat first time..

Unang hawak sa lapis, crayons, papel, drawing notebook, unang bag..unang uniform.. atbp..
Naalala ko pa nun, na nakadungaw pa ang mga guardians sa bintana ng class room para magbantay, pero pinaalis ni teacher.. nung mga sumunod na araw.. Yun!! daming nag tantrums!! isa na'ko..

Pero siguro nung mga sumunod na araw, nakaka adapt na'ko sa klase.. galing ko daw sabi ni teacher.. sinabitan pa'ko ng star na gawa sa creep paper.. kasi galing ko daw mag color.. at mag drawing.. hehe, bata pa lang ma-art na! ma-arte..

Pag kauwi sa bahay kwento agad kay momy about sa school.. Minsan nag ka program sa school, kelangan ng mga casts.. isa na'ko dun.. ang role ko? ugly duckling!!! isa sa mga ducks na nakaluhod sa stage na pinakakain ng stayropor yata yun? na binalutan ng manila paper ang mukha.. at pinasubo pa ng carton na hugis bibig ng pato...binutasan na lang yung paper sa bandang mata, ilong at bibig... para makakita, maka hinga at makagat yung karton na hugis bibig ng pato..sa madaling salita nag MUKANG TANGA 'ko!!!

Nang makita ko nga yung picture ko nun.. malaki na'ko.. highschool.. tinanggal ko agad sa photo album!! pinunit!! at tinapon sa barsurahan, bago pa may makakita... hehe

Pero wag ka... 2nd honor ako nung graduation... na appreciate din pala nila yung mga pinaggagawa ko nun...hahaha... sa susunod na lang ang ibang kwento ha.. time na eh.. hehe may karugtong pa'to.. hanggang grade six!!! Adios!!! amigos!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home