Wednesday, March 30, 2005

ALMA MATER

Alam niyo ba pangalawang ulit ko na to sa pag gawa ng blog ko for this day..? Nakakabwisit talaga! kasi dun sa pinang galingan kung internet shop eh na virus yung ginagawa ko kaya nawala kaya lumipat pako sa katabi nitong computer shop ang dami ko pa naman nasabi dun..
Sa pag papatuloy ng kwento ko para sa araw na ito...
Kanina ay kailangan kung gumising ng maaga dahil pupunta ko sa aking Alma Mater nung high school para i-claim ang F137 ko kasi requirement yun para maka graduate ako this April.. Ang kaso nag kainuman kami kagabi ng mga barkada ko sa may kanto kasi wala ko magawa sa bahay at gusto din naman ng isa kung kaibigan.. Pag kauwi pa namin nag kuwentuhan pa kami sa phone about sa nangyari nung Easter Sunday.. Kaya hindi rin ako nagising ng maaga.
Umalis ako sa bahay ng 1 p.m, Nag tricycle pa nga ako mula sa amin hangang sa dun gaya nung ginagawa ko nung higschool. Nang makarating nako, nakita ko ang malaking pagbabago kay Alma Mater, kasi naman dati masyadong masikip yun dahil under renovation ang buong campus. Sobra init nung time na yun kapag umulan naman maputik dahil sa mga hinukay na lupa.
Kanina lang ulit ako naka bisita dun since high school graduation.. kaya medyo nanibago talaga ko.. Nakita ko pa nga yung guard na madalas kung maka sagutan dahil may pagka maangas, lagi pako late nun kaya lagi rin kumpiskado ang I.D ko. Muntik na nga ko ma kick-out dun dahil sa late eh tulad ng kaibigang kung si Bebong, pero siya natuluyan talaga.. hehe ...Pero mag kasama din naman kami ulit ngayong college eh. Nakatingin nga sa akin yung guard na parang namumukaan ako?! Pero tumango lang ko sa kanya na parang bumabati. Nakita ko din yung janitor na nakahuli sakin nang minsang tumae ko sa c.r ng elementary. Kasi mas ok naman dun at malinis hindi tulad sa high school c.r na puro sulat ang pader nang mga lovenotes para sa mga crush nila mapa babae man o lalake.. Sobra pa panghe! Tapos ang daming tae na nasa gilid ng inidoro! Wala talagang gustong umasikaso at maglinis na janitor, kasi kadiri talaga!
Balak ko pa sanang mag libot sa campus.. tutal bakasyon naman at wala mga tao.. kaso baka masita ko..? tumayo nalang ako at dahan dahang naglakad palabas ng gate na tinitignan ang paligid.. Nakaka mis din kasi eh.. Nag flash back tuloy sa isip ko yung mga kalokohan namin noon ng mga barkada ko.. Sayang nga lang at hindi o nakita yung mga teachers ko dahil nga bakasyon na! Saya talaga nung high school! Masaya din naman tong college days ko.. Pero iba talaga dating nung mga panahon na ang lahat ay bago sayo! Kaya lahat may thrill! Lahat pinag e-eksperementuhan. At mababaw ang kaligayahan, kaya mas maraming tawanan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home