Friday, November 25, 2005

LAST FULL SHOW

Last Tuesday last day na naman ng nanay ko pelikula niya... sa sinehan kasi siya nagtatrabaho.. Tuwing last day niya nag papasundo yun.. kasi magbubuhat ako ng limang rolyo ng pelikula.. eto yung film na pinapaikot para makapanood tayo ng sine..syempre mabigat yun... ang hirap pa nito kung sa malayo siya na assign na mall o sinehan, siya yung nag a-assess nung kinita ng sinehan para i-report sa production company ng pelikula..trabaho niya na'to since mid 70's hindi naman malaki ang sweldo kasi contractual lang naman sila, lalo na ngayon marami ng pirata..mahina na ang sine, pero ayaw pa rin niya bitiwan ang trabaho sa tuwing may labas sila..

Kaya nakaka libre ko sa panonod ng sine, actually bawal, pero nakaka lusot pa rin..minsan nga ginagawa ko na lang tulugan ang sinehan.. Pero nung Tuesday nag enjoy ako sa pinanood ko.. Goblet of Fire! Astig! kahit hindi ko masyado naintindihan kasi British accent...hehe.. ang galing ng visual and sound effects! Naalala ko lang sa tuwing palabas ang Harry Potter.. sa last full show ko 'to napapanood...

Ang reklamo ko lang naman sa tuwing last day ng pelikula ng nanay ko, eh yung layo ng byahe namin..Tulad ngayon.. madalas siya ma assign sa Festival Mall Alabang.. Mula sa Taguig byahe ko papunta dun.. tapos kapag tapos na ang last full show, buhat ng pelikula, byahe ulit papuntang opisina sa Recto, tapos bayahe ulit Pasig-Taguig.. Kapagod!! Pag uwi namin sa bahay alas dos na ng madaling araw..Naisip ko tuloy, pano nung bata pa kami.. ang nanay ko lang mag isa sa byahe at may buhat pa na mabigat.. ang hirap din ng trabaho niya..Delikado pa naman mag byahe ng ganung oras.. Lalo na ngayon!

Monday, November 14, 2005

ORTIGAS ENCOUNTER

Nakakadismaya ang balita ngayon tungkol sa nangyaring shoot out daw sa Ortigas noong nakaraang linggo, Nung una kong nabalitaan ang tungkol dito medyo wala akong pake.. Kasi nga naman mga carjacker daw at anak mayaman ang mga suspects.. Pero nanghinayang din ako kasi ang babata pa nila para mapasama sa ganung klase ng krimen.. nagkaroon lang ako ng atensiyon... dahil bukod sa kakilala ng kaibigan ko ang isang napatay dahil classmate niya sa grade school, lumabas pa ang isang isyu na nakuhaan ng kamera ang crime scene na para bang hindi shoot out ang nangyari kung hindi rub out! Siguro naman nakita niyo rin ang video, kung nakapanood kayo ng balita? Nakahandusay na ang mga kabataang suspects na sina Anthony Brian Dulay, Francis Xavier Manzano at Anton Co-Unjieng at wala ng kalaban-laban ng lapitan pa ito ng mga pulis at pinagbabaril, para masiguro na patay na sila.

Nakakadismaya din ang pahayag ng ating justice secretary na ano ba naman daw kung barilin? Eh' patay na! "ano ang kaso dun?", Di ba parang nakababahala?, pano kung sa atin nangyari yun? At nakakadismaya din na maagang inabsuwelto ng D.I.L.G. Secretary ang mga pulis na sangkot..At tila pinapurihan pa...

At ang pinaka-bago sa mga video na nakuhaan sa crime scene, na mukang sinadya na patayin, at tinaniman ng ebidensiya ang mga suspects na kabataan.. Sa video kasi na napanood ko kanina, bago palapitin ang media, parang may inilagay na baril sa kamay ng isa sa mga suspect. Nagkalat din ang ibat-ibang plate numbers sa loob ng sasakyan.. Kung ikaw ay may kahina-hinalang gawain, ikakalat mo lang ba ang mga ebidensiya? Pinalalabas pa nila na nakipagbarilan ang mga suspects, pero sa video hindi man lang nakabukas ang kahit isa sa mga wind shield? At pinalalabas din ng mga pulis na tinamaan nga ang kanilang sasakyan bilang katibayan na nakipagbarilan ang mga suspects.. Pero sa video, kitang-kita na palabas ang tama ng bala! Ibig sabihin nanggaling ang bala ng baril sa loob ng sasakayan, at hindi nanggaling sa mga suspects..

Kung tutuusin marami pang nalabag ang mga pulis nung nangyari yun, ayon sa mga eksperto..Dito ko natauhan na kahit suspect pa lang sa krimen ay dapat may ginagalang na karapatan din, lalo na't mga kapwa ko kabataan ang sangkot. Hindi ko nilalahat ang mga pulis... alam ko marami pa rin ang mga matitino.. Pero dahil sa mga ganitong pangyayari, nababawasan ang tiwala ng mamamayan, at nag-iiwan ito ng takot sa marami.

Wednesday, November 09, 2005

USAPANG LINDOL

Gaano ba tayo kahanda sa lindol kung sakaling tamaan tayo ng intensity 7 o kaya tsunami? Huwag naman sana...Madalas kasi sa mga balita ngayon na posible na naman tayong tamaan ng lindol at anytime pwede na tong maganap.. Syempre nasa ring of fire tayo kaya posible talaga...katakot! lalo na naman ngayon sunod sunod ang malalakas na lindol sa mga bansang malapit sa atin.. Naisip ko lang to kasi madalas namin mapag kwentuhan ng kaibigan ko ang lindol.. praning kasi sa lindol yun eh! sino ba naman ang hindi?

Nasaan ka ba nung July 16, 1991? nang tamaan ng lindol ang malaking bahagi ng Luzon? ako nasa loob lang ako ng bahay kasama ang kapatid ko... kami lang dalawa sa bahay nun grade one pa lang ako at siya naman 5 years old pa lang yata.. wala ang momy ko dahil nasa trabaho siya.. yung panganay naman namin, college nasa school.. sa ganung edad naiiwan na kami.. binibilin lang kami sa kapitbahay. Kasama pala namin yung mga kalaro namin sa loob ng bahay, nang biglang yumanig ang lupa, nagtakbuhan kami palabas, yung mga tao nagtatakbuhan din.. ako sa pagtakbo ko naiwan ko yung kapatid ko sa loob, hindi ko na siya naisip basta ang nasa isip ko lang yung sarili ko, nakita ko na lang siya pinupulot ng kapitbahay namin, nakadapa sa kalsada at umiiyak, ako nandun ako sa kapitbahay tapos yung nanay ng kalaro ko iyak ng iyak kasi hinahanap niya anak niya. Yun na ang pinaka malakas na lindol na naranasan ko.. at sana hindi na maulit, at kung sakali man wala sanang mapinsala masyado at sana handa tayo.

Monday, November 07, 2005

BANGUNGOT

Taon taon na lang kapag papalapit na ang halloween usong uso na naman ang takutan, ako pa naman yung isa sa mga taong madaling matakot sa multo, sa dilim, maraming guni-guni, at bangungutin! Siguro hindi matatapos ang 2 lingo na hindi ako nakaranas ng bangungot. kaya nga takot ang momy ko na iwan akong mag isa sa bahay na natutulog! Nag simula akong bangungutin nung grade four ako, basta nararanasan ko nun, pakiramdam ko gising na'ko pero hindi ko pa maidilat ng husto ang mga mata ko, nag hahabol ako ng hininga, at hindi ko maigalaw ang buo kong katawan na parang paralitiko na wala kang magawa. Basta ang nasa isip ko lang kailangan makagalaw ako dahil kung hindi ewan ko na lang.

Dati hirap ako kapag walang gumigising sa 'kin habang binabangungot, hindi ko alam ang gagawin.. sabi nila pilitin mo daw na igalaw ang dulo ng iyong mga daliri pero sa lagay ko parang walang epekto, kailangan leeg ko ang pilitin kong maigalaw, kadalasan ang ginagawa ko naman kung alam kong may kasama ako, huminhinga ako ng malalim at umuungol para gumawa ng ingay at gisingin ako ng kasama ko. Ang mahirap pa kung minsan, yung tipong nagising na'ko eh maya-maya ayan na naman yung bangungot ko, iniisip ko nga baka minsan isipin nila nanloloko lang ako, at hindi na nila ako gisingin. Nangyari na rin kasi nang matulog kaming magkatabi ng kababata ko sa bahay ng kaibigan namin, Binangungot ako, una ginising niya 'ko tapos konting pikit lang nang mata ayan na naman, nung pang apat na nakita ko siya na nakatingin na lang sa'kin habang binabangungot na para bang minamasdan niya kung nanloloko lang ako. Ang hirap ng ganito! Minsan iniisip ko baka may sakit na 'ko at kailangan ko nang mag patingin. Pero bakit ang aga nag umpisa sa akin ng ganitong klase ng sleeping disorder?

Sabi ng kapatid ko kaya daw ako ganito dahil malakas ang senses ko pag dating sa mga spirits.. may third eye daw ako, takot ko lang daw buksan, kasi nung bata ako, lalo na kapag may sakit ako, ang dami kong nakikita na hindi nila nakikita, madalas akong mag diliryo... kung saan-saan daw ako tumuturo... natatakot sila na kasama 'ko.. Medyo naaalala ko nga yung mga pangyayaring yun..

Kaya minsan kapag nag ti-trip ang mga kaibigan ko na takutin ako, mabilis akong matakot at mapaniwala.. nagtatawanan sila kahit sa edad kong 'to matatakutin pa din ako.. pero wala akong pakelam kahit ano pa isipin nila.. ang alam ko lang lahat naman tayo ay may kanya kanyang kinakatakutan.