III-2
Ikatlong baitang pangkat dalawa, ang panahong naging junk shop boy ako..
grade 3 nako, mas lalong kumukulit ang batang si esmenio... iritang irita ako kapag tinatawag akong esmenio.. ewan ko kung bakit? siguro dahil ang baho ng tawag na yun... hehehe teacher ko dito si Mrs. Creong payat... yan ang tawag sa kanya kasi dalawa sila, yung isa mataba..naging mabait sa'kin si Mom.. kasi nalaman ko na ex-pala siya ng uncle Nap ko... minsan, kinakamusta nga niya sa'kin yun eh... may kilig pa rin?
lagi niya kong sinasali sa mga drawing contest sa school, kahit minsan ayaw ko, kasi pakiramdam ko mas maraming mas magagaling sa'kin.. minsan hindi ako umatend sa contest, nagdahilan na lang ako na may sakit ako.. simula nun hindi na naulit ang pagsali ko sa mga contest na yan.. Ngayon medyo nawalan na'ko ng interes sa pag drawing, ewan ko? basta nawala na lang..
Pang hapon kami nun.. dalawang shift kasi kapag sa public school ka nag aaral.. kapag uwian kami din ang maglilinis ng klasroom na kinalatan namin, depende sa araw... pag monday.. row 1, row 2, pag martes, row 3 sa wednesday, thursday row 4 naman.. friday? lahat.. tapos nag uunahan pa kame kung sino ang magtatapon ng basura sa balon sa likod ng school namin.. parang gago noh?
Ang dahilan... maghahalukay kami ng mga tanso, tingga, o kung ano man ang pwedeng ibenta sa junkshop.. ewan ko ba kung sino ang nagpauso nun? hanggang sa masanay ako, kaya kapag dun ako sa looban namin, nagpupunta ako sa mga likod likod ng mga bahay kasama naman si Bugoy o kaya ang kapatid niyang si Ian sa paghanap ng pwedeng ibenta sa junkshop..
Iniipon ko yung kita, at nilalagay sa alkansya.. kapag napuno na.. babasagin ko yung pwet ng alkansya, at mag lalaro ako sa bidyuhan ng tweenbee, mario bro., tetris, battle tank, pacman, double dragon at kung anu ano pa.. Kaya ng malaman ng nanay ko yun.. Ayun minsan na chempuhan ako kina ti-Agre.. Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa patilya ko.. ngawa!!! hawak ng nanay ko yun hanggang bahay...pinalo pa'ko, naubos yata yung hanger na pinampalo sa'kin... saya!!!
Yan ang kwento ng 10 year old junkshop boy...