Sunday, February 25, 2007

SCHOOL MILK

Ikalawang baitang pangkat dalawa..

Section 2 ako ngayong grade 2, nawala na'ko sa pinaka pilot section, siguro dahil naka away ng nanay ko si Mrs. Raposon? Pilot section pa rin naman ang section 2, second nga lang.. hanggang section 7 kasi sa school namin.. kaya puros magagaling pa rin ang grupo dito... yabang?

teacher ko si Mrs. Evangelista na napakabait.... kaya nging mabait din ako sa kanya.. dito ko unang naging klasmeyt si Rona na isa sa mga bestfriend ko ngayon, si JC na may pagka isip bata pa rin at mahilig sa playstation, si Brigido na parang siokoy, dahil may kaliskis siya sa balat na pakiramdam ko ay kakumpetensya ko sa klase at insecure sa 'kin dahil lahat ng ginagawa ko ginagaya niya at ayaw pahuhuli... hehe

School Milk ang uso ng panahon namin, pinamimigay yun sa mga public school para punan ang nutrisyon ng mga bata. Para 'tong Magnolia chocolate na pinamimigay ng gobyerno araw-araw. Siguro eto yung kapalit ng Nutri Bun nung panahon ng mga ate ko..

Masarap ang school milk, kaya lang, marami akong naging experiences dito...
Nagtae ko!! Yikes!!! OO!! isa ko sa mga batang natae sa short... Yung sa'kin naman, maguuwian na nun... namimilipit ako sa sakit ng tiyan.. eh.. may pila pa ng flag ceremony bago mag uwian, di na'ko nakapag antay at tumakas ako sa pila, habang naglalakad pauwi... malapit na sana ko sa'min nun, kaso pagdating ko sa pinto ng bahay, sarado!!! naka lock!!! wala mga momy ko at ate ko, kasi pumasok sila sa trabaho at sa school naman ang ate ko. Iniiwan lang sa kapitbahay yung susi, kina BUGOY..

Sumigaw ako kina bugoy sa tapat lang ng bahay namin, sabi ko paabot ng susi, sagot naman niya, ikaw na!!! nakasabit sa likod ng pinto.. eh!! pigil na pigil na'ko nun.. hanggang sa.....
ayun!!! kumawala na ang malapot na bururos sa short ko at gumapang pababa sa legs ko...
Pinagtitinginan ako ng mga kababata ko nun!!! embarrassing moment talaga!!! dinilaan pa ng aso ang mga tira-tira sa labas ng bahay namin!! grabe!!! isang linggo yata akong hindi nakipag laro sa labas ng bahay namin, kasi pinag tutukso 'ko nila bugoy..

Isa pang istorya tungkol sa school milk.. nagbibiruan kami ni Rodolfo sa loob ng classroom, recess nun.. nag dare ako sa kanya na pipindutin ko yung tetra ng school milk habang umiinom siya... sabi niya naman sige!! Kaya yun!! pag pindot ko, bigla niyang inalis!! kaya natapon tuloy sa puting puting uniform niya.. ngawa si gago! Parusa din ako kay Mrs. Evangelista.. SQUAT!! ang uso nun sa harap ng klase.. at pinagalitan din ako ng nanay ni Rodolfo nung uwian na..

yan ang istorya ng napakasarap na school milk..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home