Friday, March 09, 2007

ALAYB!!! ALAYB!!!

Ika- anim na baitang pangkat dalawa...

Ito na ang kabuuan ng kwento ng UES days ko, Masasabi kong binata na'ko, dahil ang dami ko ng kalokohang natutunan at pinaggagawa... hahahaha...

Adviser ko dito napakabait!!! sobra!!! pero negosyante pa rin... sa totoo lang kapitbahay lang niya ang school namin.. ober da bakod nga lang ang ginagawa niya kapag papasok siya... pero madalas pa ring late...kapag pumapasok sa klase namin, iisipin mong kagagaling lang niya sa divisoria, sa dami ng panindang dala dala niya, para ibenta sa'min..Iba-iba ang tinda ni mam... sino ba naman ang makakalimot sa spaghetti na puro ketchup sa sopas na kulang sa gatas at sa lugaw na parang am ng bata...
tinuruan pa nga kame ni mam na dumiskarte kung pano kainin ang meriendang 'to, kahit walang mangkok, kutsara o tinidor... ganito lang daw... nag demo pa sa klase...

1.Hawakan ang supot ng merienda sa bandang hawakan na pinagbuhulan nito.
2.Pisilin ang bandang puwetan.
3.Butasin ang pwet ng supot sa pamamagitan ng pag kagat dito.
4.Buksan ang bibig at sipsipin ang pwet ng plastic ng merienda.
5.Makinig sa klase. Ayos!! solve ka na sa 5 piso mo..

Teacher namin siya sa Filipino at GMRC (Good Moral And Right Conducts) at kadalasan hindi rin siya nakakapagturo sa filipino siguro marahil ay pilipino naman ang mga estudyante niya.. kaya nag focus na lang siya sa religion dahil parang GMRC na rin na isa sa mga tinuturo niya.. Ganito ang siste...bukod sa mga paninda may dalang stereo si mam at cassette sa klase..

Magdadasal kame, ipapa lock ang pintuan ng class room at pagkatapos... bubuksan niya ang stereo at isasalang ang cassette... at magsasayawan at magkakantahan kame sa saliw ng..... "Pagkagising sa Umaga" Wag kang Magtataka" Sundan sundan mo siya" Kung Ikaw ay Masaya" at ang Alayb-Alayb!! isa pa diyan ang "Come Holy Spirit.." Yes!! mga kantang pinapatugtog sa korsilyo, religious congregation at sa Luneta kasama si Mike Velarde... astig ba?!

Naaalala ko pa na bigay na bigay ako sa pagsayaw... ginagamit ko pa nga ang mga steps ng macarena, lick it, tootsiroll at big-big man... mga sayaw na nauso nung grade 6 ako.. yikes!!

Minsan kapag come holy spirit na ang tugtog, tatahimik kami at pipikit, magre-reflect sa mga nagawang kasalanan at maya-maya may maririnig ka na lang na humihikbi at umiiyak minsan may biglang hahagulgol... Matatapos lang kami sa ginagawa namin sa loob ng classroom kapag may kumatok na sa pinto para sa susunod na teacher namin... at makikita mo sa kanya sa pagpasok na nakatingin sa aming lahat dahil marami ang namumula ang mga mata...na hindi mo malaman na parang nagtataka o natatawa...at magtatanong... Anong nangyari?

Ito ang katapusan ng elementary days ko.. pero ang mga naging kaibigan at kasama ko sa mga panahong ito, ay mga kaibigan ko pa rin hanggang ngayon... sana naumpisahan niyo ang pagbabasa mula sa blog kong VOX JUVENUM... abangan na lang ang summary ng buhay highschool ko... na alam ko namang wala kayong pakelms.... joke!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home