Friday, March 02, 2007

MR. BOPBOP

Ikaapat na baitang pangkat dalawa...

Adviser ko si Mrs. Ballesteros, pero mas tumatak sa akin si Mr. Bopbop na teacher namin sa Science at english.. hindi niya tunay na pangalan...

Sa tuwing makikita namin siya sa corridor ng eskwelahan namin, ilag na agad kame, kasi mukang terror..grade 3 pa lang kame nun.. takot nga ang marami sa amin na sana wag siya ang maging teacher...

At yun nga nagtagpo din ang aming landas, sa klase.. ganito ang sistema niya.. mahigpit.. ayaw ng may nakikitang nagdadaldalan kapag nasa harap siya ng klase kung hindi? Papupuntahin ka sa harap at may kurot ka sa singit.. especially sa mga boys... ang malupit pa dito, hindi lang basta kurot, may kasamang hipo.. molestiya noh? oh kaya huhubuan ka at papaluin sa pwet.. malas mo kung wala kang brief... ganyan ang karanasan namin mga lalake sa kanya.. wala namang nakarating sa ibang teacher at mga magulang nung time na yun, siguro sa isip namin that time, normal lang ang ganung pag didisiplina..kasi kahit ako, nung nasa grade 1 pa lang napasubo na ng chalk, at nalagyan ng masking tape sa bibig sa harap ng klase.. akala namin.. ganun lang talaga kapag pasaway ka..

Highschool na'ko ng mabalitaan ko kung ano ang nangyari kay Mr. Bopbop.. napanood ko sa tv sa programa na Isumbong mo kay Tulfo! Isang teacher ang nang molestiya sa 1998 centenial jumboree.. nakita ko siya sa loob ng selda na iniinterview at tinatakpan ng bahagya ang mukha.. Bumalik tuloy sa alaala ko nung grade 4 pa kame.. minsan pa nga, nasa grade 5 na kame nun.. kapag madaling araw pa lang at maaga kang pumasok, makikita mo siya sa corridor.. yung isang tropa ko nun, type niya yata.. madalas siyang magpamasahe dun habang wala pang klase..

Doon namulat ako.. at kapag nakakapanood ako sa balita ng mga estudyanteng inabuso ng guro, naaalala ko yun..

Sa di inaasahan.. college na'ko.. nakita ko siya sa University namin.. nalaman ko na nagtuturo siya.. pero hindi rin nagtagal..

Yan ang isa sa mga buhay elementary ko... marami pa...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home