ANG KLASE NI MRS. DINGUINBAYAN
Ikalimang baitang pangkat dalawa...
Ito ang klase na nagumpisa ng lahat... dito nabuo ang samahan namin nila rona, je, iya, jc, ci, rovan, ivan, brigido atbp..
Ito rin ang panahon na una akong nagka syota... puppy... at nakaranas ng kung anu-ano gaya ng isang batang papunta na sa pagbibinata? hihihihi
Ang klase na naging aktibo ako sa science.. dahil ako lagi ang ginagawang team leader, at pinag do-drawing sa blackboard, manila paper, kartolina at kasama sa mga taga ayos ng stage kapag may program... iniisip ko, baka inuuto lang ako ng panahon na yun dahil masyado akong mabait..
Uso nun ang sempot!!! ang sakit nun!! lahat ayaw tmuwad dahil baka madali ka ng harmful joke na 'to.. hehe.. habang sa klase sa science, nag e-experiment kame tungkol sa soil erosion.. habang nakatuwad si Rodolfo, napagtripan ni Brigido at nasempot sa pwet!!! Ayun!! iyak tawa ang gago!!!! natatawa kapag naaalala ko yun, kahit alam ko na hindi magandang biro yun..
tumanim sa'kin ang erosion...
Dito ko nakabisado sa loob ng tatlong oras ang buong multiplication table, dahil kailangan na para sa graded recitation ni Mrs. Bonifacio... pangalan pa lang, pang himagsikan na..
Pero ang matindi dito, naging adviser ko ang pinakatinuturing na terorista ng mga estudyante sa UES nung panahon namin.. Si Mrs. Dinguinbayan.. naging mabait naman siya sa'kin at isa pa nga ako sa mga paborito niya (sipsip)hindi naman ako masyadong pasaway... (magaling lang magtago..) ako pa nga ang taga hawak ng susi ng klase namin, dahil maaga ako lagi pumasok, minsan si Jc.. dahil malapit lang din siya sa school..
Malupit 'to si Mam... negosyante!! gaya ng mga typical na guro sa public school.. nagtitinda siya ng kung anu-an0 sa mga estudyante.. siguro dahil na rin sa baba ng sahod nila, kelangan talaga ang rumaket...
Kami pa nga ni Rovan ang ginawang tindero, minsan iba-iba.. depende sa araw.. iba ang bawat tinda kada row..at ang siste.. kapag my bisita, tago agad ang paninda... astig...
Minsan nagwala 'to si mam, kasi ba naman, hindi naubos ang paninda sa tray.. kelangan kasi maubos yun... hinagis ang mga paninda ng school... kasi ayaw daw namin bumili.. hindi niya alam naubos na ang baon namin bago pa mag recess dahil kakabili ng sarili niyang paninda, kelangan daw kasi maubos yun, bago mag uwian, at kung sino ang row na pinaka huling maubos ang tinda, sila ng cleaner at magtatapon ng basura, maghuhugas ng mga cups, at bibili ng florwax para sa kinabukasan... ayos ba yun?
Hindi ko nabuo ang klase noong grade 5 ako, kinailangan ko kasi na umuwi sa probinsya, dahil may telegramang natanggap ang nanay ko, na may sakit daw ang lola ko kaya maaga akong nagpapaalam sa klase para magbakasyon na..
Sayang nga lang at dapat kasi huwarang bata ako nun pagdating ng recognition day.. eh hindi na nga dahil hindi ako umabot at hindi nabuo ang numbers of school days...

1 Comments:
hanep detalyadong-detalyado ang istorya. nakaka miss tuloy yung mga panahon nang elementary pa ako. wala kang iniintindi. ang pag-aaral parang laro lang. mukhang huwaran at matalinong bata ka jan a?
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home