Friday, May 04, 2007

LAIYA

Buti na lang at may sumagot sa blog kong, "sana may magyaya ng bakasyon ngayong sobrang init.." natuloy din ang bakasyon... kasama ang mga kaibigan ko nung high school.. Kahit na sobrang layo ng napuntahan namin at nag commute lang kame.. sulit din naman.. first time kong mag snorkling.. ang saya! kaya lang medyo nakaka dismaya lang yung ibang corals na nakita ko...eh nasira na.. siguro sa kapabayaan ng mga taga Laiya.. O siguro dati may mga nag da-dynamite fishing dun o kaya yung sinisisid yung ilalim tapos dudurugin yung mga corals, para mag labasan ang mga isda.. Wag naman sana.. Ang dami pa namang magagandang lugar dito sa Pilipinas.. wag sana nating sirain..
Ayos din ang one on one inuman namin ni Pipoy na kapatid ng kaibigan ko.. mas bata sakin yun.. pero masasabi kong isa yun sa mga inumang masaya, kahit dalawa lang kame.. habang inuman sa tabi ng dagat..daming napag kwentuhan.. Yung mga kasama kasi namin, napagod na at nakatulog agad.. Pero kame, sinulit namin yung pag stay dun.. doon na nga rin kami nakatulog sa tabing dagat...Nakakamis yung lamig dun! Sana maulit ulit ang bakasyon.. next stop namin sa Ilocos region naman.. Doon kasi probinsya nila.. Sana matuloy.. Matagal ko na kasing gustong makapunta doon.. Sana may masaya din kayong bakasyon ngayon...

1 Comments:

Blogger Airwind said...

oi punta kami barkada laiya sa sabado. hirap ng magbook. puno na raw ang mga resort. baka sakali na lang kami

2:03 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home