Thursday, March 15, 2007

JUNIOR PIE

Pagpapatuloy.......Junior na'ko sa high school.. mas tumitindi ang impluwensiya ng mga barkada, may mga tropa ko nung 2nd year na hindi na nakasama sa klase, pero ka tropa pa rin sa school, at kasama kapag break time.. Medyo bored ako sa klaseng 'to, kasi karamihan ng mga kaklase ko ay magkaka tropa na nung previous year.. tapos nasa likod pa'ko naka upo, alphabetically order kasi ang arrangement ng upuan namin..
Madalas ako ang pinag li-lead ng prayer sa umaga.. rosary po iyon.. hindi ko alam kung pinag ti-tripan lang ako ng adviser ko na tawagin naming si Bok.. o talagang feel niya lang kapag ako ang nag lead, hehe.. Karamihan ng tropa ko dito puro cheeks.. yung isa pa nga pambato ng school namin sa pagandahan contest at madalas naman siyang manalo, kahit na nagkakataon lagi kapag sumasali siya maga ang mata niya o kaya maga ang pisngi... minsan kagat ng langgam, ipis, lamok at kung anu-ano pang insekto.. nadadaan na lang sa make up at sa dami ng friends kapag botohan ang laban.. Lagi akong tulala sa klase, lutang ang utak ko, at lagi akong inaantok.. boring talaga...

Second grading period na nang dumagdag ang isa naming klasmeyt, galing sa ibang school.. nakakapagtaka lang na akala ko na mahigpit ang school namin, pero nakapasok pa din kahit na second grading period na.. Ahhh kaya pala... ma impluwensiya ang pamilya, at anak ng mataas na pulitiko sa isang sikat na siudad sa Metro Manila.. Nung una marami kaming asar sa kanya, naalala ko pa na sabi ng katabi ko na wag daw namin pansinin kapag pumasok na.. pero napa isip ako... bakit naman? hindi ko pa nga siya nakikilala tapos ganun na gagawin ko? Nice guy kasi ko eh... hehe

Yun nga pinakilala na siya sa klase.. at ka row ko pa siya, isang upuan lang ang pagitan namin, habang tumatagal, nakilala na namin siya, at ayos naman pala siyang makisama, kaya dumami rin ang tropa niya.. Kame.. naging close kami nung panahon na yun.. sa klase lang... kasi nilimitahan ko rin ang sarili ko sa pagsama sa kanya, isa pa diyan na may iba rin naman akong tropa sa school.. na ayaw din sa kanya...Pero kapag PE minsan ang lakas ng impluwensiya niya... ayaw niyang mag PE.. Niyaya niya ko na mag paiwan na lang kaming dalawa sa classroom.. ako naman medyo tinopak ng katamaran kaya sinamahan ko na lang siya..

Natuwa lang ako sa kanya nung araw na yun dahil, bigla niyang nilabas ang baon niyang tuna na delata at may dala din siyang abrilata at baong kanin na rin.. Kumain kaming magkasalo sa loob ng klase, ako pa nga ang pinagamit niya ng kutsara at sa kanya ang tinidor.. Sweeeeett... hehe... Nakaka tuwa lang isipin na hindi pala siya pa sosyal gaya ng una naming naisip sa kanya dahil big time nga siya.. Mabait din naman pala talaga siya.. Pero minsan nagkaroon ng trouble sa labas ng school na sangkot siya, kaya ayun hindi na rin niya natapos ang taon at na kick-out.. sayang.. di na siya umabot sa JS Prom namin.

JS prom na... Dun kami natulog ng mga tropa ko sa isa pa naming tropa na may chikot, para gagamitin namin sa pag attend sa JS, sabay sabay kame...kanya kanya na ng partner.. Medyo may pagka K.J. nga lang ang iba naming mga teachers, lalo na yung mga matatandang dalaga.. hinaharang ba naman sa gate yung mga girls na naka back less.. grabe naman.. kasi daw.. baka daw chansingan ng mga boys habang sumasayaw sa dilim... hahaha... Pero di sila nagwagi! nakapasok pa rin ang mga naka sexy gown.. nagalit kasi ang mga parents ng mga estudyante na naghatid sa kanila... eh pano nga ba naman... ginastusan din ang mga suot at make up nila, tapos papauwiin lang..?

Masaya ang JS namin, pawisan nga lang ako kakasayaw... yikes!! May plano kaming mag babarkada nung gabing yun, after that night.. May wheels naman kasi ang isa sa amin kaya ayos... Plano namin? Yung tipong mala American Pie... Pilyo! Ang kaso disaster!!! ang gabing yun sa'kin pagkatapos ng party... akalain niyo ba namang pag dating sa gate ng resort na pinag dausan ng JS, naka abang pala dun ang nanay ko!!??? Sinusundo ako!!!??? wahahahaha!!!! Bigla pa 'kong hinawakan sa kamay, para hindi daw ako makatakas.. tila alam niya na may plano kami kaya sinundo ako... Nanliliit ako sa kahihiyan sa harap ng mga tropa at mga klasmeyt ko that night... kung alam niyo lang.. embarrassing moment talaga.. kanchaw ang inabot ko.

Pilit kong kumawala sa kapit ng nanay ko at tumakbo ko palabas ng gate, sumenyas pa'ko sa mga tropa ko na babalik ako at antayin lang ako... pero nakita kong nakasunod pa rin ang nanay ko.. nililigaw ko dapat siya na parang pusa nun, pero ako yata ang naligaw.. pagbalik ko sa resort.. wala na ang mga tropa ko.. nakita ko si C.I (na kababata ko) that night, napasabay kasi ang JS ng school nila sa amin, klasmeyt ko din siya nung first year pero nung third year lumipat na siya ng school... at yun nga... naglakad kaming dalawa pauwi ng bahay...

Yan ang mala American Pie na buhay HIGH SCHOOL ko.. ,.//???!!@#%%@^& sweet....

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home