H.S. NA SI JUN-JUN!
Tapos na'ko sa grade school, panibagong hakbang na naman.. wala na'ko sa public school na pinanggalingan, hindi na'ko nagtitinda sa klase.. at hindi na rin bibili ng florwax...kapag naparusahan sa sandamukal ng bakod sa blackboard, kapag noisy ka... nagkahiwalay hiwalay na nga kame ng mga dating nakasama, pero may iba pa rin ang natira at naka join sa Catholic School na pinasukan ko..gaya ni Rovan at Ivan na kasama kong nagtitinda sa klase nung grade 5 ako.. ( sana nabasa niyo ang mga naunang blog sa elementary days ko)..
Nakapasa ako sa entrance exam at interview ng catholic school na pinasukan ko.. buti naman.. kahit na may kabigatan ang matrikula at tuition fee dito, nagtiwala pa rin sa'kin ang nanay ko na makakatulong ang pagpasok ko dito.. Iba pala talaga sa private school, maku-culture shock ka, ika nga.. lalo na kung nanggaling ka sa public school.. Halos karamihan ng klasmeyt ko dito, big time.. kung hindi naman, may kaya talaga sa buhay.. hindi tulad ko na hamak na anak mahirap lang na ginagapang lang ng magulang ang pag aaral... (drama anthology ito..)
Unang araw.. kumpleto ko sa dalang gamit.. punong puno ang bag ko, halos makuba ako sa bigat at dami ng dala.. pinagbaon pa nga ako ng nanay ko ng pandesal na may palamang peanut butter at kanin na ang ulam ay fried chicken para sa lunch.. excited kasi 'ko pumasok, nakalimutan ko na binata na pala ko.. jologs ang puno ang bag ng mga libro.. uso pala nun ang mga binder at ang karamihan sa mga klasmeyt ko may nirerentahang locker na pinag lalagyan ng mga libro at ibang mga gamit nila.. May mga klasmeyt pa nga akong may mga beeper.. o pager nung panahon na uso yun.. napatahimik na lang ako at parang nahihiya at napapa isip kung para dito ba talaga 'ko..
Pero dumaan ang ilang araw, may naging kaibigan din naman ako, yung naka seatmate ko.. si Patajo... apilyido niya yun.. ganun pala sa H.S. pormal na ang tawagan.. naging ok naman ang samahan namin.. sakristan siya ng school namin, dun na siya nag elementary sa school ding yun, kaya marami na siyang kakilala at hindi na nahirapang mag adjust gaya ko.. minsan niyaya niya kong mag sakristan.. at sumama sa glee club... ehemmm... medyo ayos din naman ang boses ko.. hehe.. lalo na that time.. wala pang mga bisyo... pero hindi rin ako tumagal sa ganun, may pagka tamad kasi 'ko sa pag attend ng mga meetings.. at mga rehearsals.. May pag ka isip bata 'tong si Patajo, kaya minsan napag titripan sa klase.. pero grabe.. hindi lumalaban.. napakabait..at dinadaan lang sa tawa ang mga pang asar sa kanya, minsan nang aasar din naman siya..
Inakala ko nun na sina Ivan at Rovan ang magiging barkada ko sa school dahil sila ang mga klasmeyt ko nung elementary ako at nakasama pa sa High School.. pero hindi rin pala, hindi rin kasi kame mag kakaklase nun.. kaya siguro nagkaroon na kame ng ibat-ibang tropa.. Si C.i naman klasmeyt kame nung first year, pero magkaiba ang mga tropa namin sa classroom.. may pagka allergic kasi ko sa mga pa-sosyal kong mga klasmeyt, kaya iba tropa ko nun, dun ako sa mga tropa ng mga good guys... gaya ni patajo.. at dun sa mga humbles... gaya nila ate Julie.. at marami pang iba...
Nakaka asar lang dun sa school namin, masyadong mahigpit sa buhok.. at sa mga lates... sa attitudes.. doble ang higpit.. parang nakakasakal na minsan, kaya pag labas sa compound ng school labas ang mga kulo ng mga estudyante...
Nag second year na'ko.. hindi na kame mag kaklase ni Patajo, nalungkot pa nga siya ng ganun ang nangyari.. malalayo daw siya sa bestfriend niya.. ako yun...Iba na ang mga naging tropa ko dito, sina boy, arvic, jay, joel, pops, ate julie pa rin at iba pa..lumaki pa ang tropa ko... ito na yata ang pinaka makulit na klase na napasukan ko nung H.S. dito kasi pinagsama sama ang mga pinaka pasaway sa school namin.. Minsan nahahawa na nga ako sa mga kalokohan eh.. Dito.. may mga tuksuhan na... at may mga mag sho-shota... ang daming kalokohan... sobra!! hindi ko na makwento sa dami... Dito 'ko namulat ng husto na hindi pala totoo na kapag sa Catholic School ka nag-aaral... pino ang ugali ng mga makakasama mo.. magagaling at panay ang dasal... Hindi pala.... nyehhh!!!
Unti-unti na'kong kinakain at nahahawa sa ugali ng mga klasmeyt ko, unti-unti na rin akong naging pasaway.. isa na diyan ang pagbaba ng mga grades ko.. at napapatawag na'ko sa office of discipline.. Muntikan na nga akong ipalipat ng school ng nanay ko.. dahil sa mga pinaggagawa ko.. Umiyak lang ako, at hindi pumayag sabi ko, hindi na mauulit sa susunod na taon...
Tingnan nga natin... Susunod!!!...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home