Thursday, April 28, 2005

HALO-HALO

Grabe ang init ngayon sa Pilipinas! Nakakapaso! Dalawang beses na nga akong maligo sa isang araw eh! Bago pumasok sa school at bago matulog.. Pero maya-maya lang tumutulo na naman ang pawis ko. Kapag matutulog ako sa gabi sa sala namin, iniiwan ko na lang bukas ang bintana para may pumasok na hangin. Ang bintilador, wala nang patayan, ang init na rin ng singaw na lumalabas, ang sarap sana kung may aircon kaso poor lang kaya mag tsaga.. Minsan kahit inaantok pa'ko, gumigising na lang din ako dahil sa init ng araw na pumapasok sa bintana namin, nakatapat pa sa mukha ko, para tuloy akong bampira na sinusunog ng sikat ng araw.
Kaya naman usong-uso ulit ang halo-halo at iba pang meriendang con yelo. Everytime na kakain ako nito, nababawasan ang init ng katawan ko, hindi libog ha! Ang sarap talaga! Tulad kanina, after class ko, dahil nga inaantay ko pa ang ibang kaibigan. Tumambay muna 'ko sa labas ng school para mag yosi.. pag kaubos.. inisip ko na tumambay sa library...naks naman parang iskolar! Sa library kasi air conditioned! Ang sarap matulog! Kaso nga nakakaantok lang dun, ayoko naman matulog kung bitin lang din naman, kapag nasita ka. Kaya dumeretso 'ko sa turo-turong kinakainan namin ng kaibigan ko para bumili ng halo-halo. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Naalala ko din kagabi nag usap kami ng kaibigan ko habang nasa jeep kami pauwi tungkol sa ibat-ibang klase ng halo-halong natikman namin. Sabi ko sa Nueva Ecija may kamote na sariwa pa.. kaya nag mukang tsokolate yung halo-halo, Sabi naman niya sa Cebu daw may natikman daw siya na may halo pang pinya. Siguro ganun talaga? basta prutas pwede.. Eh.. pa'no kaya kung may kamatis yung halo-halo, prutas din naman yun ha! Naisip ko lang.. sino kaya at kailan naimbento ang halo-halo?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home