Monday, April 25, 2005

TALAVERA

Kahapon lang ako nakauwi dito sa Manila, Galing kasi 'ko sa Nueva Ecija kasama ko ang kaibigan kong babae. Actually biglaan lang yung lakad namin wala nga akong pera na dala lahat ng gastos dun sagot niya. Wala kasi siya kasama na pumunta sa Nueva Ecija, Takot daw siyang mag isa lalo na't hindi niya kabisado yung lugar na pinuntahan namin. Wala naman daw siyang ibang puwedeng makasama kasi nasa trabaho yung iba naming mga kaibigan. Friday nga yun nanggaling pa'ko sa summer class ko tapos dumeretso agad ako sa kanila after class. Ayaw ko talaga sumama kasi prelim exam ko rin kinabukasan nun. Four hours pa naman ang biyahe from Manila to Nueva Ecija. Usapan namin uwi agad ako kinabukasan ng umaga. Napapayag na din niya ako dahil ibinilin siya sa akin ng mga kapatid niya at ng nanay niya, tiwala na rin kasi sila sa akin dahil since elementary pa kami mag kaibigan at mag kalapit lang din kami ng bahay.

Pumunta kami ng Nueva para dumalo sa despedida ng kaibigan niya na papuntang Japan, Dun na din sila nag kakilala nung naggaling din siya dun for six months. Pag dating nga namin dun sa meeting place nila.. Umangkas naman kami sa motor, akala namin napakalapit na nung bahay mula sa binabaan namin. Yun pala malayo pa.. Madilim ang daan at malakas ang hangin dahil nga puro bukid ang makikita't madadaanan mo sa lugar na yun. Pag dating namin sa bahay nung kaibigan niya, maayos naman ang naging pag accommodate sa amin ng pamilya niya. Siguro sa dalawang araw at dalawang gabi ng pag tigil namin sa kanila inuman, kantahan at kainan ang mga ginawa namin. Nag swimming din kami sa malapit na resort sa lugar nila. Nalaman ko din na matalino pala talaga ang kaibigan ng kaibigan ko. Bumilib ako dahil sa mga medals and tropies na naka display sa bahay nila, Lahat yun sa kanya since elementary to highschool naging S.K chairwoman pa nga siya dati. Tatay niya kagawad at ang lolo niya naman Barangay Captain. Medyo nanghinayang ako sa babaeng yun dahil sana ay tinuloy na lang niya ang pag aaral.

Dahil nga sa haba ng biyahe at hindi rin ako nagising ng maaga nung sabado dahil napuyat kami. Hindi na rin tuloy ako naka pasok sa school at naka pag exam. Kinakabahan nga ako dahil nag summer nga ako dahil back subject ko 'tong typing course ko. Pero kanina nakausap ko yung prof ko baka sakaling bigyan niya ko ng special exam. Pero hindi na raw dahil na compute na niya ang grades namin, pero hindi bale may finals pa naman daw, at complete requirements din naman ako sa kanya. Kahapon Lingo hinatid namin sa Airport yung babae. Ganun pala talaga emosyonal silang lahat lalo na yung pamilya nung babae. Pati tuloy ako parang ang tagal ko na rin siyang naging kaibigan, dahil nalungkot din ako sa pag alis niya. Yun kasi ang first time kong makapasok sa Airport, hindi naman kasi ko talaga sumasama sa pag hahatid sa mga taong mag aabroad lalo na kung malapit sa akin. Baka kasi malungkot lang ako. Tsaka isa pa lang sa pamilya namin nag nakapag abroad, at one week lang siya dun para mag seminar lang. Kaya hindi rin ako sanay. Nag hiwalay na kami sa Airport nung pamilya nung babae dahil nag taxi na lang kami ng kaibigan ko pauwi sa amin. Hanggang sa huli ay naging mabait pa din sila, inalok pa nila kami na bumalik sa bayan nila sa Talavera kahit na wala ang anak nila. At nag paalam na nga kami at nag pasalamat sa kabaitan nila.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home