Friday, April 15, 2005

EWAN KO BA?!

Hayy.. naku wala na naman ako magawa... Dito ulit ako sa tambayan. Hindi ko maintindihan kung bakit na lang parang hindi na'ko mapirme sa bahay, mas madalas ko pang nakakasama mga kaibigan ko kaysa sa nanay ko. Kaya nga kagabi yung mga barkada ko naman ang pinapunta ko sa bahay namin para dun naman kami tumambay. Nood lang kami DVD tapos yun ok na, Yun lang kasi ang pwede naming gawin sa bahay namin eh, hindi naman kasi pwede mag inuman dahil magagalit ang nanay ko, pwera na nga lang kung birthday ko o may ibang okasyon. Umuwi pa ate ko kagabi na problemado, kasi naiwan daw niya sa Fx yung bag na may lamang mga papeles sa trabaho niya. Inuutusan nga niya 'ko kanina na isa-isahin yung mga puting Fx na biyaheng Crossing via Antipolo. Ginigising niya 'ko kanina kaso puyat nga ako kaya hindi ko rin nagawa yung inuutos niya.

Tapos kanina din tumawag yung kaibigan ko na nanggaling naman sa Hong Kong habang naliligo ako, pero alam ko na kung bakit siya tumawag, Mag kita-kita daw kami sa school mamayang 7p.m tagal na din kasi namin hindi nag kita simula nang tumigil siya sa pag-aaral. Nag-aalangan naman ako! kasi wala akong gana. Yung isa ko pang kaibigan sa amin niyaya din ako mamayang gabi na tumambay sa bahay ng pinsan niya na barkada ko din. Ewan ko ba?! Wala pa naman ako load ngayon kaya hindi ako maka text sa mga kaibigan kong makikipagkita sa akin mamaya sa school. Basta tinatamad talaga 'ko ngayon! Kaya lang baka magalit sila kung mang indian ako!? Bahala na nga..

1 Comments:

Blogger Airwind said...

nagenjoy akong basahin ang blog mo. dahil medyo nakarelate ako lalo pagdating sa nanay mo na bawal uminom ang barkada sa bahy nyo. ganun din nanay ko .. hindi nya lang alam pagdating sa labas nagpapakalango ako. hehhee. basta kip on posting man .... i like your template as well. ask ko rin san mo nakuha?

2:47 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home