Wednesday, April 06, 2005

MOSHI MOSHI!

Last Tuesday ng madaling araw, tinawagan ako ng kaibigan kong kagagaling lang sa Japan. 6 months din ang itinagal niya dun para mag trabaho as a singer to a prestigious night bar. Dumating siya nung April 1 pa kaso hindi namin agad siya nadalaw kasi nga busy din ako that time para sa graduation namin nung Sunday, Yung iba naman naming kaibigan nag bakasyon for three days sa Puerto Galera. During graduation day ko nga eh nag text pa siya sa akin para batiin ako. Sabi niya set nalang natin yung inuman pag dating nung iba pa naming kaibigan para double celebration..Kinabukasan Monday night dumating na sila, nalaman ko through text. Ako naman nakatambay sa bahay ng kaibigan ko nun. Tinawagan ko sila.. Sabi ko, "Nagyayaya yung kaibigan natin na punta tayo sa bahay nila.. "Let's celebrate sagot daw niya ang inuman". "Syempre alam niyo na yun! daming lapad.." Ang kaso nag alangan sila na ituloy nung gabing yun yung plano, kasi nga pagod daw sila galing biyahe, set nalang daw to the following day.. Sabi ko. "ok kaso baka mag tampo yun".. Hindi na nga sila tumuloy.. Tinawagan pa ako ng friend ko na ako nalang daw mag isa ang pumunta sa bahay nila.

Pag deretso ko sa gate nakita ko nga siyang naka abang sa bakuran ng bahay.. may bisita din siyang lalaki nun pero hindi ko naman kilala, mukha namang mabait.. Akala ko nga manliligaw niya, sabi niya naman friend daw yun nung kasama niya rin sa Japan.. Umalis din naman yung lalaki pagka dating ko.. Kaya kami nalang dalawa ang naiwan dun.. Syempre nagka kwentuhan kami.. Tuwang tuwa kami ng mag kita.. Hindi naman ganung kalaki ang ipinagbago ng kaibigan kung yun physically, kasi kung tutuusin maganda naman talaga siya kahit nung nandito pa siya sa Pinas, may pagka boyish pa nga yan eh.. Maraming nag tangkang lumigaw pero hindi niya sinagot.
Pumasok siya sandali sa bahay nila para kunin yung mga pasalubong niyang chocolates at yung gift niya sa akin.. natuwa naman ako.. kaya lang medyo masama ang loob niya sa mga kaibigan kong hindi naka punta nung gabing yun! Kasi nga naman daw parang hindi daw siya binigyang halaga kahit konting oras lang... Naintindihan ko din yung side niya, pero alam ko din kasi yung pakiramdam nung kagagaling mo lang sa malayong biyahe.. masarap talaga matulog..
Pinakita niya sa akin yung mga pics. niya from Japan, Hindi ko nga siya nakilala nung una eh! Kasi ang ganda talaga nung mga kuha niya, Ibang iba yung porma niya.. Pinakita niya rin yung Pics nila ng B.F niya dun.. Ok naman ang looks para sa 'kin.. mukha namang mabait.. sabi niya mahal na daw niya yun!

Akala ko hindi na siya babalik sa Japan kasi alam ko na mahigpit na ngayon ang embassy sa pag papadala ng mga pinay doon.. Sabi niya babalik daw siya 2 to 3 months from now.. Naku mukang mag iiba na talaga siya dun! Nag enjoy na rin kasi siya sa ginagawa niya eh! Iniba ko muna ang usapan.. Tanong ko sa kanya, kung kailan namin itutuloy yung get together naming mag kakaibigan.. Sabi niya hindi na daw niya alam.. baka? Next month na daw dahil marami siya aasikasuhin dito, Sayang nga daw at hindi naka punta yung iba dahil baka matagalan ulit siya namin makasama habang dito pa siya.

Ito kasing kaibigang kong 'to, napaka lakas ng personality takot nga akong maka tampuhan siya kasi 'lam ko makikipag matigasan talaga.. May pagka boyish nga! Mag kakakilala na kami since Elementary pa kaya alam na namin yung mga takbo ng utak namin at likaw ng bituka.
Kung may napansin man akong pag babago sa kanya eh.. Masasabi ko na mas naging liberal ang pagkatao niya ngayon, siguro dahil sa kultura sa bansang pinag trabahuan niya.. Sana nga lang eh huwag mawala yung pagiging totoo niya at pagiging sweet sa mga taong nakasama niya. Lalo na ngayong babalik pa siya sa Japan ng marami pang beses.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home