Saturday, May 14, 2005

PAALAM HOPIA!

Last day na ng summer class ko ngayon.. Salamat at tuluyan ko na rin natapos ang kulang 'kong subject. Kanina ang last na speed test ko, confident naman ako na maipapasa ko na yun.
Paalam na sa lahat ng naiwan ko sa school... Sa mga naging kaibigan at classmates na naging type ko, sa mga gago at wirdong mga prof., sa mga badtrip na seatmates, sa multi-media na tambayan ko, sa library na tulugan ko, sa bingeng tindera ng yosi, sa gasolinahan kung saan laging may inuman, sa karinderya ng paborito kong halo-halo, sa mga tindera ng koek-koek at tuknene, sa mga guard na maaangas, at sa registrar's office na nagbigay ng sakit ng ulo sa 'kin.. dahil sa katangahan nila!!
Dahil last day ngayon at bertday ni Bebong bukas! kami'y magsasaya at mag-iinuman sa paborito naming gasolinahan!!!

Wednesday, May 11, 2005

KAPAMILYA vs. KAPUSO

Hayy naku... apektado ba kayo sa lumalalang network war ngayon sa Pilipinas? Ang labanan ng dalawang higanteng t.v., station, ang ABS-CBN ch.2 at ng GMA ch.7. Kasi ako dati oo! Pero ngayon pinipilit ko ang sarili ko na hindi patulan ang mga isyu sa kanila. Madalas kami kasing magtalo ng iba kong mga kaibigan tungkol dito. May ibang mga fanatic ng dos at gigster naman ng siete. Ako sa totoo lang mas may simpatya ako sa GMA7 pero nung elementary hanggang highschool ako, maka channel 2 ako, kasi yun yung time na wala pa kaming cable at mas malinaw manood sa ABS-CBN. Pero nung mag college ako marami akong naging mga kaibigan na maka GMA7, naalala ko pa nung first year nakikipagtalo pa'ko kung alin ang mas maganda MTB (Magandang Tanghali Bayan) o EAT Bulaga. Maka MTB pa'ko nun! Nung nandun pa si WIllie Revillame, tsaka malakas sila during that time, ang kaso humina sila nang mawala na si Willie sa show dahil bastos daw?! Medyo totoo naman... hehe.. pero yun ang nakapagpalakas sa show nila, kasi tayong mga Pinoy ay mahilig sa bastos, tulad ko!!

Habang tumatagal nang magkaroon na kami ng cable, sinubukan kong manood sa siete, kasi na excite ako ng una kong makita na malinaw ang GMA7, tsaka para maiba naman.. Kasi sa school namin nagkukuwentuhan sila ng mga nakakatawang episodes ng Bubble Gang at Eat Bulaga, hindi ako maka-relate kasi nga hindi ako nakakanood sa siete nung panahong yun.
Tapos sumunod na nahilig ako manood ng mga Documentaries ng Kapuso Network kapag hindi ako makatulog sa gabi. Hanggang sa matuluyan na'ko na maging maka seven. Siguro dahil nagsawa na'ko sa mga shows ng channel 2, kasi naman mula pagka bata ko dun na'ko nanonood. Nasundan pa ng mga isyu sa eleksyon na nagpapahiwatig na bias daw??!! at puro pulitiko na ang mga taga channel 2. At naging maganda ang imahe ng GMA7 sa mga tao dahil sila daw ang nagbibigay ng Serbisyong Totoo.. na walang kinikilingan, walang bahid ng kasinungalingan at walang pinuprotektahan, at sila ang network na madalas mademanda ng higanteng estasyon kaya nag mumuka tuloy silang api at underdog. Tayo pa naman mga Pinoy mas kampi tayo sa mga naaapi. Totoo naman kasi na sa impluwensiya lang at sa yaman lamang talaga ang dos, kaya yun talaga ang magiging impact sa mga tao.

Pero ako sa ngayon, ayoko munang sumakay sa awayan ng dalawang yan, kasi naman sasakit lang ang ulo ko at mag kakaroon lang ako ng mga kaaway. Tingin ko naman para silang magkaibigan talaga?! at gimik lang ang ginagawa nila para sila nalang ang pag usapan?! at maiwan na ang ibang maliliit na t.v. networks. at sila ang kumikita ng malaki sa tueing sasakyan ang mga isyu sa kanila.. Basta ini-enjoy ko na lang ang panonood. Kung maganda eh.. di... panoorin, sasaya ka pa... Buti nga at may dalawa tayong station na nag papalabas ng magagandang shows. Mahalaga din talaga ang rivalry dahil mas naghihikayat 'to na gumastos sila para makapag palabas ng magagandang shows, tayo ding mga viewers ang makikinabang. Kaya tama na ang away... Let's watch and learn.. Peace.. Sabay tayo Kapamilya! Ano mang kulay ng buhay Kapuso...

Monday, May 09, 2005

BADTRIP NA SEATMATE

Kanina sa klase ko sa typing may exercise kami na ginawa, time trial yun! Pag katapos ko gawin yung exercise ipinapasa ko 'to sa katabi ko, kasi nasa likuran ako. Usually ganun naman talaga... Akala ko pa naman naipasa na niya yung gawa ko. Bago matapos yung klase namin tinawag ng prof. yung mga nakatapos na, nagtaka lang ako kung bakit hindi ako natawag... Tinanong ko yung katabi ko kung napasa ba niya yung gawa ko, sabay kamot siya sa ulo..at ngumiti pa ha! Agad akong kinabahan... tapos nakita ko na lang na, nasa tabi pa niya yung papel ko. Kinuha ko agad yun at ako na mismo ang nag-abot sa prof. ko. Ang kaso hindi na'to tinanggap kasi nga late na! syempre time trial nga yun eh! at may standard na oras kahit sa pag pasa ng mga activities. Sinabihan pa 'ko na non-sense na daw yung pag-pasa ko, dahil na check na daw niya lahat.
Hindi ko na din pinilit na tanggapin niya yung gawa ko, basta na bwisit na lang ako... kasi pakiramdam ko na-baliwala ang pasok ko sa araw na 'to dahil bukod sa wala akong naipasang activity dun din binabase yung attendance namin... bwiset talaga!!!!

Wednesday, May 04, 2005

SI SUPER CRUSH, NAG-TEXT!

Kani-kanina lang habang kumakain ako sa karinderya sa likod ng school namin, nag vibrate ang cellphone ko.. expected ko, kaibigan ko yun na papunta pa lang dito sa school, kasi ganun yun eh.. dapat pwede na'ko umuwi ng bahay after may 1:00 to 2:30 summer class, hindi ko magawa dahil gusto niya may kasabay pa siya sa pag-uwi. Pero o.k lang naman dahil yun naman talaga ang usapan namin bago pa mag enroll na dapat mag antayan kami. Pero nasa plano ko na umuwi kanina.. dahil maaga kami pinalabas sa klase tsaka isip-isip ko wala naman ako maiba-blog ngayong araw na'to, kaya wala na 'kong ibang magagawa dito habang nag aantay, mauubos na din kasi yung baon ko dahil sa yosi.

Dahil nga sa text na hindi ko inaasahan, bigla ako nabuhayan.. napangiti na lang ako habang kumakain, baka tuloy isipin ng mga tao sa paligid nababaliw na'ko dahil wala naman ako kasama. Sabi ni crush sa text, "KMSTA?" Yun lang! pero parang hindi na'ko mapakali kung pa'no mag re-reply.. Wala kasi ko load simula nang pag-kauwi ko galing Talavera, wala kasi ko pera tsaka nag titipid ako para sa darating pa na swimming namin ng mga kaibigan ko dito sa school. Gusto ko na sana umuwi para makapag load.. hihingi na lang muna ko sa nanay ko ng P50. Ang kaso nag text na 'tong kaibigan ko na antayin ko na daw siya, balak yata niya na pumunta sa amin mamaya para kumain ng tapsilog sa lugar namin at manood ng DVD. Kaya ngayon dito muna 'ko tumambay sa multi-media room ng school, kasi libre ang gamit ng computer dito.

Basta! dahil sa text na yun, hindi talaga 'ko mapakali.. Kailan kaya kami ulit magkikita at magkakasama? Kailan ko kaya siya ulit matitikman? Naaalala niya pa rin ako!! Miss niya 'ko?! Gusto Ko!!!

Tuesday, May 03, 2005

TAAL

Last Sunday afternoon lang kami nakabalik dito sa Manila, Kasama ko ang mga kabarkada sa Taal, Batangas. Umalis kami last Saturday afternoon.. Pangalawang linggo ko na 'tong nagbabakasyon, last week lang ay nanggaling ako sa Talavera, Nueva Ecija. Masaya naman ang lakad namin, kahit na ang ibang kabarkada ay hindi nakasama.

Dumating kami dun ng 9:00 p.m., naubusan na nga kami ng kubo na dapat na tutulugan namin kung sakaling may antukin, kaya pinag tiyagaan na lang ang cottage na nasa tabi ng lawa. Malamig ang hangin pag dating namin, ibang-iba sa panahon natin sa Maynila, na kailangan ko pang kumain ng halo-halo para malamigan ng konti..

First time ko din na mag swimming sa Lake. Akala ko nung una giginawin ako, hindi naman pala dahil maligamgam ang tubig, siguro dahil bulkang Taal ang nasa gitna ng lawa! Kaya nga Taal lake eh! Bago pa nga kami nag swimming eh, nag inuman muna at nag kantahan sa videoke, kaya extra challenge ang dating, pero nawala din ang mga tama namin ng mag babad na.

Pangalawang punta ko na'to sa Batangas.. nung una ay nung firstyear college ako sa bahay ng college friend ko, Pero mas masaya 'tong bakasyon ko ngayon dahil mas malayo at mas nalibot ko ang Batangas, dahil incidentally na hindi kabisado nang driver namin ang daan, kaya naikot ang probinsya sa katatanong sa mga Batangueno. Alah.. Eh.. naliligaw kame...

First time ko din nakasama ang mga kababata ko sa bakasyon, last year pa nila ginagawa 'to pero hindi ako nakakasama kahit na anong yaya nila dahil sa ibat-ibang dahilan, minsan nasa bakasyon din ako o kaya wala naman akong pera. Umuwi kaming lahat na pagod at antok, dahil halos wala kaming tulog sa overnight namin sa Taal, dahil gusto namin sulitin ang outing na yun.