KAPAMILYA vs. KAPUSO
Hayy naku... apektado ba kayo sa lumalalang network war ngayon sa Pilipinas? Ang labanan ng dalawang higanteng t.v., station, ang ABS-CBN ch.2 at ng GMA ch.7. Kasi ako dati oo! Pero ngayon pinipilit ko ang sarili ko na hindi patulan ang mga isyu sa kanila. Madalas kami kasing magtalo ng iba kong mga kaibigan tungkol dito. May ibang mga fanatic ng dos at gigster naman ng siete. Ako sa totoo lang mas may simpatya ako sa GMA7 pero nung elementary hanggang highschool ako, maka channel 2 ako, kasi yun yung time na wala pa kaming cable at mas malinaw manood sa ABS-CBN. Pero nung mag college ako marami akong naging mga kaibigan na maka GMA7, naalala ko pa nung first year nakikipagtalo pa'ko kung alin ang mas maganda MTB (Magandang Tanghali Bayan) o EAT Bulaga. Maka MTB pa'ko nun! Nung nandun pa si WIllie Revillame, tsaka malakas sila during that time, ang kaso humina sila nang mawala na si Willie sa show dahil bastos daw?! Medyo totoo naman... hehe.. pero yun ang nakapagpalakas sa show nila, kasi tayong mga Pinoy ay mahilig sa bastos, tulad ko!!
Habang tumatagal nang magkaroon na kami ng cable, sinubukan kong manood sa siete, kasi na excite ako ng una kong makita na malinaw ang GMA7, tsaka para maiba naman.. Kasi sa school namin nagkukuwentuhan sila ng mga nakakatawang episodes ng Bubble Gang at Eat Bulaga, hindi ako maka-relate kasi nga hindi ako nakakanood sa siete nung panahong yun.
Tapos sumunod na nahilig ako manood ng mga Documentaries ng Kapuso Network kapag hindi ako makatulog sa gabi. Hanggang sa matuluyan na'ko na maging maka seven. Siguro dahil nagsawa na'ko sa mga shows ng channel 2, kasi naman mula pagka bata ko dun na'ko nanonood. Nasundan pa ng mga isyu sa eleksyon na nagpapahiwatig na bias daw??!! at puro pulitiko na ang mga taga channel 2. At naging maganda ang imahe ng GMA7 sa mga tao dahil sila daw ang nagbibigay ng Serbisyong Totoo.. na walang kinikilingan, walang bahid ng kasinungalingan at walang pinuprotektahan, at sila ang network na madalas mademanda ng higanteng estasyon kaya nag mumuka tuloy silang api at underdog. Tayo pa naman mga Pinoy mas kampi tayo sa mga naaapi. Totoo naman kasi na sa impluwensiya lang at sa yaman lamang talaga ang dos, kaya yun talaga ang magiging impact sa mga tao.
Pero ako sa ngayon, ayoko munang sumakay sa awayan ng dalawang yan, kasi naman sasakit lang ang ulo ko at mag kakaroon lang ako ng mga kaaway. Tingin ko naman para silang magkaibigan talaga?! at gimik lang ang ginagawa nila para sila nalang ang pag usapan?! at maiwan na ang ibang maliliit na t.v. networks. at sila ang kumikita ng malaki sa tueing sasakyan ang mga isyu sa kanila.. Basta ini-enjoy ko na lang ang panonood. Kung maganda eh.. di... panoorin, sasaya ka pa... Buti nga at may dalawa tayong station na nag papalabas ng magagandang shows. Mahalaga din talaga ang rivalry dahil mas naghihikayat 'to na gumastos sila para makapag palabas ng magagandang shows, tayo ding mga viewers ang makikinabang. Kaya tama na ang away... Let's watch and learn.. Peace.. Sabay tayo Kapamilya! Ano mang kulay ng buhay Kapuso...

2 Comments:
thats what you call "healthy competition" at tayong mga viewers ang nag-bebenifit. ako i dont mind kong anong channel all i care for is the program that the channel has ....
"At naging maganda ang imahe ng GMA7 sa mga tao dahil sila daw ang nagbibigay ng Serbisyong Totoo.. na walang kinikilingan, walang bahid ng kasinungalingan at walang pinuprotektahan, at sila ang network na madalas mademanda ng higanteng estasyon kaya nag mumuka tuloy silang api at underdog."
These are GMA Network's PR Campaigns and Propagandas that has boosted sympathy for their company/station... You've been brainwashed!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home