Monday, May 09, 2005

BADTRIP NA SEATMATE

Kanina sa klase ko sa typing may exercise kami na ginawa, time trial yun! Pag katapos ko gawin yung exercise ipinapasa ko 'to sa katabi ko, kasi nasa likuran ako. Usually ganun naman talaga... Akala ko pa naman naipasa na niya yung gawa ko. Bago matapos yung klase namin tinawag ng prof. yung mga nakatapos na, nagtaka lang ako kung bakit hindi ako natawag... Tinanong ko yung katabi ko kung napasa ba niya yung gawa ko, sabay kamot siya sa ulo..at ngumiti pa ha! Agad akong kinabahan... tapos nakita ko na lang na, nasa tabi pa niya yung papel ko. Kinuha ko agad yun at ako na mismo ang nag-abot sa prof. ko. Ang kaso hindi na'to tinanggap kasi nga late na! syempre time trial nga yun eh! at may standard na oras kahit sa pag pasa ng mga activities. Sinabihan pa 'ko na non-sense na daw yung pag-pasa ko, dahil na check na daw niya lahat.
Hindi ko na din pinilit na tanggapin niya yung gawa ko, basta na bwisit na lang ako... kasi pakiramdam ko na-baliwala ang pasok ko sa araw na 'to dahil bukod sa wala akong naipasang activity dun din binabase yung attendance namin... bwiset talaga!!!!

1 Comments:

Blogger Airwind said...

pucha bro nakakinis talaga yun!!! cguro kong ako yun nasa lugar mo .. baka inaya ko na nang suntukan yung katabi mo.... bwehehe... sobrang tanga naman nya!! ooppsss sori sa words.

9:01 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home