SENIOR PIE
Eto na ang kabuuan ng pagiging high school ko.. adviser ko dito si OG, hindi niya tunay na pangalan, yun lang ang tawag namin sa kanya nung batch namin, dahil ni require niya kame na bumili at basahin ang mga libro ni OG MANDINO.. sino ba yun? actually hindi naman ako sumunod, at marami rin sa'min ang hindi rin.. kaya wala rin akong alam tungkol sa mga kwento niya, hindi rin ako mahilig magbasa ng mga nobela.. kaya ewan ko rin kung may nag babasa ba ng mala nobelang blog kong 'to? wala lang talaga 'kong magawa.. siguro ok na din na nauso 'tong blog para kung sakaling dumating ang araw na wala na'ko sa mundo.. ( wag muna ngayon..) at may mangailangan ng auto biography ko, pwede na rin siguro 'tong basihan... hehe..
Sa Pagpapatuloy.. may iba 'kong naging klasmeyt na tropa ko na since second year ako, kaya medyo ok sa'kin ang klaseng 'to seatmate kame ni arvic na tropa ko na nung second year at kasabay ko sa pag uwi, dahil pareho kaming taga Taguig.. klasmeyt ko rin si Pops na ka love team ko nung second year... hehe at nadagdag pa sa mga kalokohan namin si Duque na ka love team ko naman sa klaseng 'to... hehehe ulet... kasama pa diyan ang isa kong ka row na si Jesusa na klasmeyt ko sa elementary at biniro ko na natae siya nung mga bata kame, kahit hindi ko naman talaga alam... eh... umamin naman na natae nga siya... hahaha.. sa bagay ako rin naman nung grade 2.. (kwento mula sa blog kong SCHOOL MILK ).. at si Robin na kasama kong nag cutting nung elementary din, dahil nagpasama siya sa bahay nila para kunin ang naiwan niyang baon..kaya pag balik sa klase.. bilang parusa.. pinilit kaming bilhin ang isang balot na lala na paninda ng teacher namin.. buti na lang at naka pulot kami ng Php 10.00 habang pabalik kami sa UES..
Sa klaseng 'to madalas akong pag bintangang B.I ( Bad Influence ) sa seatmate ko.. dahil inakala ng adviser namin na ako ang mahilig mag reto ng babae sa katabi ko.. nakakatawa lang.. masyado rin daw akong pasaway sa klase, sa loob daw ang kulo ko, yan ang sabi ng napakabait na si Og.. Minsan nag e-exam kame.. tahimik ang lahat.. ng biglang mahulog ang takip ng lata ng picnic na kinakain ko, kumalansing yun ng matagal sa pagbagsak sa semento.. kaya sermon ang inabot ko kay Og.. sinabihan akong.. "hindi ka ba binibilhan ng laruan ng nanay mo nung bata ka! kaya pati mga lata-lata pinagpupupulot mo!?.." napa tahimik na lang ako..
Sa tuwing may exam.. madalas may kodiko ako... lupet ko mangodiko nun! lalo na sa mga subjects na may formula gaya ng Math at Physics.. never akong nahuli..minsan kopya.. sa trigonometry naman.. kahit mangodiko 'ko.. hindi ko talaga alam.. hirap!! dinadaan ko na lang sa pangongopya sa katabi.. syempre naka ready na rin ang cheating arrangement pag pasok mo sa klase..
Minsan.. pinatawag ako sa corridor ng teacher namin sa physics, kasama si Pops.. tinanong kame kung sino ba daw ang nangopya sa'ming dalawa..dahil carbon copy ang mga sagot namin sa test paper.. dahil mabait naman ang pag tatanong ni mam, kahit na kilala siyang bangis sa school namin.. inamin ko na rin ang totoo na ako ang nangopya.. syempre.. ayoko din madamay si pops.. magaan lang naman ang parusa.. siguro dahil minsan nandun ako sa bahay ng teacher kong yun.. kasi naging tropa ko ang anak niya.. ang parusa?
Pinaulit sa'kin lahat ng notes ko since first grading period hanggang 4th grading.. ang dami nun!! at dapat maganda ang sulat.. tapos pinakabisado sa'kin ang formula kung pa'no kunin ang SPEED, VELOCITY, MOMENTUM at kung anu-ano pa.. tapos i-re-recite ko sa harap niya.. nakalusot naman ako.. kaya nga naka graduate ako ng H.S. dahil kung pumalya ako sa mga parusa niya.. lagot na... walang patawad yun!
Nauso nun ang pakulay ng buhok.. at high lights.. isa 'ko sa mga nakiuso.. kahit na alam kong mahigpit ang school namin pagdating sa grooming.. bumili kami ni boy ng tig- sa-sampung pisong pangkulay.. yung kulay kalawang.. at nag kulayan kami sa bahay nila. Kinabukasan... habang naka pila kami sa corridor para sa pag darasal ng rosary alay sa birthday ni Mama Mary.. natamaan ng matinding sikat ng araw ang buhok ko.. dahil nga high lights.. ayun.. huli ako! syempre pinatawag ako sa Office Of Discipline..
Sa klase ko sa Electricity.. bukod ang mga boys.. teacher namin ang adviser ko nung third year ako na si Bok.. close kami nun.. pero minsan mainit ang ulo niya.. nanenermon sa'min.. iisa lang naman ang bukang bibig niya, kaya naka bisado na namin.. paglabas niya sa pinto.. pag katapos niyang mag litanya.. ginaya ko lahat ng sinabi niya sa harap ng klase, at nagtawanan ang marami.. narinig ni Bok yun.. at bumalik siya.. tinanong kung sinong tarantado ang gumagago daw sa kanya..?! walang nagtataas ng kamay.. pero ang lahat naka tingin sa'kin kaya nilapitan ako ni Bok at kinalabog ako sa balikat.. hinubad niya ang unipormeng barong at I.D. niya.. Hinamon ako ng suntukan!! syempre hindi na'ko umimik at nag sori.. habang namumutla.. takot ko lang..?
Retreat na namin.. sa isang burol sa Angono Rizal.. pugad ng mga madre.. 3 days yun.. hindi pa rin naiwasan ang maging pasaway ng marami kasama na'ko.. habang nag she-sharing kame sa isang room kasama ang retreat master.. nag iiyakan ang marami sa'min.. patay ang ilaw.. kandila lang ang bukas.. may nasabi ko nun habang ako na ang nag she- share ( hindi ko na'po sasabihin ulet mga ka-blog..) nagtawanan ang marami, na tila nawala na sa concentration nila sa pag re-reflect.. kaya pinatigil bigla ang session.. natakot ako kasi baka makarating sa office of discipline.. pag dating sa school, buti na lang hindi,, bumawi ako nung mga sumunod na araw..
Kulitan kami sa gabi habang nasa retreat house kami.. kahit na may oras dapat ang pag tulog, hindi pa rin maiwasan ang pagiging pilyo.. nagpupuntahan ang mga boys sa mga kwarto ng mga girls.. wala lang... hehe o kaya bababa kami sa may burol.. yung iba mag yoyosi, iba nag tatakutan.. naghahanap lang ng thrill.. siguro masarap lang talaga ang bawal... hehe
sobrang dami pa ng mga alaala.. na hindi ko na makwento sa dami... sarap lang talaga maging high school.. sana naumpisahan niyo ang pagbabasa ng walang ka-kwenta kwentang buhay ko since elementary.. mula sa blog kong.. VOX JUVENUM.. adios.. mga amigos!! sarap balikan ang kabataan, ( I feel NOSTALGIC habang ginagawa ko 'to...)simple lang ang buhay.. karamihan sarap..