Tuesday, July 05, 2005

MY FOURTH SURGERY

Kagagaling ko lang sa U.P Manila para ipabunot ang sira kong ngipin sa bagang (molar tooth). Ito ang pang apat na bunot ko, sa loob ng anim na buwan. Yung una nung January para tanggalin yung sumasakit na impacted tooth ko sa kaliwa bahagi na mas sikat na tawagin ding wisdom tooth. Sabi naman ng mga dentista dapat daw talaga tanggalin yun, sumasakit man o hindi, kasi wala naman daw function ang ngipin na yun at maaari lang pag imbakan ng dumi dahil mahirap linisin dahil sobrang dulo na, prone din sa pag bukol o sa kanser kapag lumala. Yung pangalawa ko nung February, valentines day nun.. Molar tooth ko ulit sa taas bandang kanan, medyo delikado kasi boundary na ng sinus, tinahe ang gilagid ko nun, then bumalik pa 'ko after one week para tangalin yung tahe. Pangatlo nung March a week before ng graduation ko, impacted tooth ulit sa kanan naman, tinahi ulit.. at ngayon.. pang-apat, yung sira kong ngipin sa bagang, molar tooth din yun.. Grabe!! akala ko nung valentines yung pinakamasakit, yun pala eto, ang tagal kasi umepekto nung anestisia sa'kin. Isa't kalahating oras yung itinagal, pero pinakamatagal pa rin nung valentines na umabot ng three hours. Medyo kabado rin kasi yung estudyante tsaka delikado talaga yun.. Yes! mga estudyante nang U.P College of Dentistry ang mga nag-bunot sa 'kin, Dun kasi nag-aaral yung kapatid ng kaibigan ko kaya... Tsaka walang bayad! Pabor na rin sa'kin.. Hindi naman masyado nakakatakot kasi may assistance naman ng totoong Dentista, yung "prof." nila kung may tanong o kaya hindi nila alam ang gagawin..Kaya kung may problema kayo sa ngipin.. wag matakot sa bunot, kaysa habang buhay mong problemahin.
After nang mga bunot days ko, dederetso ko sa amin sa Taguig from Pedro Gil, Manila.. Isipin mo na lang yung biyahe... Astig ba?! hehe... Ayoko rin kasi ng may sira akong ngipin, atleast ngayon wala nang problema, basta mag toothbrush na lang regularly. Medyo sanay na 'ko kaya ngayon deretso muna 'ko sa Hopia, follow-up ko kasi yung transcript ko. Tsaka maulan ngayon, ang sarap mag-gala! Sayang wala 'ko pera, sarap sana manood nang "War of the Worlds" try ko this weekend...

2 Comments:

Blogger Lady-in-Waiting said...

juz droppin' by. hirap tlga my cra ngipin nuh. 4 me mas ok n ung magpbunot kesa magpapasta...ewww...heheh.Nka apat nga kong pasta last March sbay lhat 1 day lng. tiis ko lng kht mjo msakit, yoko n kcing ipagpaliban p eh..pero nakkngilo'ng masakit tlga..kc nga la nmn anesthesia ang pasta. buti pa extraction mron.heheh..
Off-topic: taga taguig k pla..ako dun din dati eh...add nga pla kita sa blog ko ha, if u dont mind.

11:43 AM  
Blogger Airwind said...

i recall tuloy nung first time akong magpabunot, hirap na hirap yung dentist kasi ang tibay daw ng ipin ko. she also adviced me to have my wisdom tooth remove, pero ayoko. para kasi may sentimental value sa akin yun e, wehehe

8:59 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home