Wednesday, March 30, 2005
Tuesday, March 29, 2005
ANG BAGONG JANTUTAN!
Monday, March 28, 2005
ISKUL BUKOL!
Pero kung iisipin ko din mas ok na din na bumagsak ako sa typing na 3 units kaysa Accounting na 6 units at talagang nahirapan akong subject.. Sinabi din sa amin nung meeting para sa mga graduating na makaka pag march kami sa stage kahit na maibagsak namin yung typing, Yun nga lang kailangan mong ayusin pa din yung subject bago mo makuha ang transcript.. It's either na i-take mo ulet yung course o bayaran mo nalang! Hatep noh!?
Meron pa pala akong sama nang loob diyan sa campus na yan.. isa kasi sa problema ko yung NatSci.. kasi hindi pala ako na-register sa class record sa klase kung yun, kaya wala din akong final grade!
Pero inayos ko na yun year 2001 pa, kasi nasabihan na ko ng prof ko nun na wala nga daw ako sa class record niya.. Nag bayad pa nga ako ng 200 pesos kasi may fine daw pag mag papa change ka ng class card.. Grabe talaga! sila na nga nag kamali eh ikaw pa din ang mag babayad..
After 4 years.. Dahil kakaiba nga tong iskul kung toh! Kailangan pa namin mag pa-register ulet kung graduating na kami.. Kahit na ang pag kakaalam ko sa ibang University automatic na inaayos na nila ang status ng mga studyante. Doon ako ulet nagulat nang lumabas na deficiency ko na naman yung NatSci.. Syempre sakit na naman nang ulo! Kailangan ko daw hanapin yung prof ko sa subj. na yun 4 years ago.. Buti nalang nakita ko ulit siya.. At namukaan pa niya ako kahit na may biro na pag kakasabi niya na " Di ba payat ka dati? Ngayon ang taba mo na!" inaprubahan naman niya ang correction of grade ko.. Binigyan niya ko ng 3.0 kasi daw nawala na daw yung records niya ang tagal na kasi nun eh.. Pumayag na din ako kahit na alam ko sa sarili ko na medyo magaling din naman ako sa subject na yun at hindi ako deserving sa 3.0. Para wala nang problema sige ok na din yun kahit na HULA! yung grade na binigay niya..
Hindi lang yun ang sama ng loob ko.. Hangang ngayon pa pala eh, hindi pa naaayos yung subject na yun.. Akalain mo yun!? Ibig sabihin hindi ina asikaso nang registrar yung problema.. Ang dami ko nang pinalagpas at pag papasensya! Ano kayang trabaho meron sila? Ano na nangyari sa mga ibinayad ko?
At kanina nga bumalik ako sa school, dumeretso ako sa Registrar's Office para ayusin na naman!!! yung pauulit-ulit na problema.. Ipinasa ako sa Dean's office kasi sila daw dapat nag follow-up nun, Pag-pasok ko palang sinalubong na agad ako ng mataray at panget na babae sa frontdesk.. Ang sabi pa niya... "Oh! bakit ano yun?!" Sagot ko.. " ahh eh follow-up ko lang yung correction of grade ko.. at pabalang na sagot niya eh.. "Eh, bakit ngayon lang?!" Tapos nag attempt pa siya na ipasa ulit ako sa registrar.. sabi ko.. kagagaling ko pa lang po dun.. Nandito na daw po yung form.. "Sabi niya oh sige bumalik ka nalang" Syempre hindi ako pumayag! nakipag matigasan ako na kailangan maayos ko ngayon to! Nag kasagutan kami ng bastos na babaeng yun.. Bakit daw kasi kung kelan bakasyon tsaka ko inasikaso?! "Sagot ko ahh eh!! 2001 ko pa po unang inayos toh! sumunod eh last month! tapos bumalik ako dito! sabi niyo bumalik nalang ako kasi mag memerienda pa kayo!" Pag balik ko umuwi na daw kayo! Kinabukasan bumalik ulit ako wala na naman kayo! Hangang sa abutin na kami ng Bakasyon!
Siguro medyo natauhan at napahiya sa mga taong nandun kaya kumilos?! Pinag antay niya ko na may pag tataray pa.. mga isang oras at kalahati yata yun! oh mahigit pa! Pag katapos bumalik siya sabi niya ok na daw i-follow up ko nalang daw ulet bukas sa registrar! Dahil inip nako pumayag ako na umalis na muna! At bumalik nalang bukas! At sana lang maayos na talaga toh kasi ilang follow up na nag pinag-gagawa ko! Isip-isip ko tuloy.. Tang ina! tong babaeng toh kapag wala pa din bukas baka ipa-media ko na siya! Tang ina! din tong Registrar! Tang Inang sistema! Tang Ina nilang lahat!!!!
Sunday, March 27, 2005
EASTER SAPAKAN!
Nag yayaya na nga itong kaibigan kung ito na umuwi na pero pinipigilan namin dahil alam ko na sarado pa ang bahay nila sa gitna ng madaling araw at kargo ko din siya dahil ako ang nagyaya sa kanya na sumama dito sa inuman.
Doon ko napatunayan ang pag mamahal niya? o sabihin nalang natin na malaking pag tingin? o Ego lang talaga ng karamihan sa mga kalalakihan. Kapag babae na ang pinag uusapan.. talaga naman oh.. makaka sapak ka nga talaga..
Hindi na namin mapigilan itong si dakila dahil talagang nag wawala na para maka uwi sa bahay.. Siyempre wala na akong magagawa at nakaka hiya sa may ari ng bahay kung nag iingay na tong kaibigan kung ito..
Agad siyang dumeretso sa sala at kinuha ang kanyang play station.. Pinipigilan siya ng isa ko pang barkada na huwag munang umuwi dahil alanganin na lalo na at mag isa lang siya.. at ako naman itong si buyo na "sige hayaan mo siya" Siguro dahil sa inis ko na rin sa kaka- kulit at pakiki usap sa kanya.. Pero siya itong hindi nakapag-pigil at bigla nalang akong binanatan ng dalawang sapak..
Hindi ako nakapag pigil sa nang yari at napa tulan ko din siya, hindi ko sinasadyang pasabugin ang kanyang bibig.. Natangal yata ang isang piraso ng kanyang ngipin.. kumalat ang dugo at nagising ang kapatid ng kaibigan kong may ari ng bahay, pati na rin ang kanyang tiya.. Syempre nahiya ako sa nangyari dahil isa yun sa pinaka iskandalosong pang yayari sa bahay nila. Pinigilan nga ako ng mga kaibigan ko na akala nila ay susugod pa ako. Pero sa totoo lang wala akong kahit na katpirangot na sama ng loob sa kanya, kung ang pag uusapan lang eh yung sapakan na yun.
Hindi lang yun ang mabigat sa akin.. ang nakasapakan ko ng gabing yun ay isa sa pinaka matagal kung kaibigan, mag kasama na kami since grade two at ngayon ga graduate nako ng college this coming April. Isipin mo nalang kung gaano na katagal yun? at yun din ang kauna unahan naming pag sasapakan, Ang huli ko eh nung grade four pa ako pero ibang tao yun.
Sa huli naman eh nag kaayos din kami at naisip din namin ang mga mali namin.. Sana nga lang eh hindi na maulit ang ganitong pangyayari.. Dahil mahalaga sa akin ang aking mga kaibigan.
Saturday, March 26, 2005
ALAY LAKAD '05
Umalis din kami dun ng mga alas kwatro.. Nahirapan pa nga kaming sumakay.. Dahil punuan at tagaan ang singil ng mga driver ng fx, bus at jeep sa okasyon na yun.. Tingnan mo nga naman ang mga pilipino? Dahil sa sobrang kahirapan.. kahit kapwa pilpino nilalamangan kahit sa ganitong panahon na mahalaga sa mga Kristiyano.. Well ganun Talaga.. Wala tayong magagawa.. Alangan naman na mag lakad ulit kami pabalik ng Taguig?!
Hindi nga kami naka pasok sa simbahan ng Antipolo nun Dahil sinara ito ng eksaktong alas dose.. Pero ayos lang dahil atleast may napatunayan ako sa sarili ko na kaya ko din na mag sakripisyo..
Nung una ayoko talagang sumama sa Alay Lakad na ito.. dahil siguro ay nadala na ako nung nakaraan naming alay lakad na kung tutuusin ay inumpisahan namin sa Pasig. At hindi rin ako natuwa sa mga nakakasabay namin.. Nag sisigawan, nag lalandain, nag tutuksuhan.. Grabe hindi na Yata talaga alay lakad na matatawag ito.. Alay Gala na Talaga.. Pero iniisip ko na lang na isa ito sa mga tukso na kailangan kung pag daanan kung nag sasakripisyo ka.. Kahit na kinukundena ako ng iba kong mga kaibigan na bakit kailangan kung gawin ito. Eh gagawa din naman ako ng kasalanan pag katapos.. Hindi daw totoo at hindi rin bagay sakin.. Pero kahit ano pa ang sabihin nila.. At kahit pinilit lang naman talaga ako nung umpisa na sumama.. hindi ko pinag sisishan ang pag sama ko dito.. Dahil kahit na may mga sumuko at umuwi sa aming mga kasama, kahit na may nag paltos na ang paa.. hindi ako nasiraan nang loob dahil may mga nakita akong mas bata pa sa kin na nakasabay.. mga batang inusente pero alam kung bakit kailangan nilang gawin yun.. At alam kung para kanino ang okasyon.. Naisip ko na rin na.. Oo nga naman sa loob ng 365 days, Ano ba naman yung mag sakripisyo ako ng isang araw diba?
Monday, March 14, 2005
DESPEDIDA?
Nandun din ang syota niya na martir na kahit ginagawa ng katulong nung gabing yun... eh, ok lang. May isa pang babae na hindi naman namin kilala na ok lang naman ang itsura kahit mukang mas malaki ang tanda samin lahat at laging siya ang inaasikaso nitong kaibigan kong 'to.. Di ba lupet?! harap harapan kung mang gago ng babae.. habang nag huhugas ng pingan ang martir eh nakikipag landain naman siya sa isa.
Kung tutuusin naman talaga etong si martir na babae lang naman ang nag-hahabol dito kay pogi, Ako pa nga ang nagpakilala sa kanilang dalawa at tinukso tukso lang namin sila dati, ayaw talaga niya dito, Pero mapilit talaga si babae na lahat gagawin basta maging sila lang, Naging sila nga...
Pauwi na kami lahat, ubos na kasi ang inumin at kahit gusto pa namin uminom dahil bitin, eh wala na ring gusto bumili dahil malayo ang tindahan. Nag plano kami mag stay sa bahay ng isa pa naming kaibigan dahil alanganin na ang oras para sa mga babae naming kasama.. Sasama pa nga dapat itong si despedida boy kaso umepal itong si martir na babae na para bang asawa na siya kung umasta.. Nawala tuloy ang awa ko sa kanya... at napalitan ng pagka bwisit! Syempre matagal naming hindi nakasama tong kaibigan naming to.. Kaya gusto pa namin siya makasama.. kaso ganun talaga ayaw na naming makipag kulitan pa kaya umalis na kami..
Pero habang nasa sasakyan kaming lahat napag usapan namin na malamang eh tokis lang tong kaibigan kung to tungkol sa pag aabroad niya kasi napaka bilis naman masyado ng proseso at hindi ganun kadali ang pag kuha ng visa lalo na sa tate.. at sa buong mag damag na yun hindi namin napag usapan ang tungkol sa pag-alis niya. Kaya hindi kami mag-tataka kung makita namin isang araw etong si despedida boy na pagala gala lang sa mga malls sa gabi na dati naman niya talagang gawain.
Tuesday, March 08, 2005
BUGOY
Bakit ko ba nakwento 'tong si Bugoy sa blog ko? Si Bugoy po kasi ay ang kababata, dating kapit-bahay, kinakapatid ng kapatid ko, kasama ko sa pangangarulin noon kapag mag papasko, ang nanlalamang sa akin sa hatian ng napag karulingan at "bulli" ko nung mga bata pa kami. Nag kasapakan na nga kami niyan! Syempre dahil mas malaki siya noon at mas matanda ng apat na taon sa 'kin, ako ang nakawawa at umiyak. Pero napalo naman siya ng tatay niya.. kaya amanos lang.. Mag katapat kasi kami dati ng bahay, kaya kapag may humahagulgol dinig namin. Pareho kaming matigas ang ulo at madalas mapalo ng mga nanay namin nung mga bata kami.
Simula nung lumipat kami ng bahay at nag highschool ako, hindi ko na nakakasama si Bugoy, nag kikita na lang kami kapag nag kakasalubong.. asaran, kantiyawan ang batian namin. Nag karoon na kasi 'ko ng mga ibang barkada sa Catholic School na pinasukan ko nun.
Ngayon na lang ulet kami nag kasama sa mga inuman at tambayan, nang mag college na'ko at nang mag aral sina Bebong at Isda sa pinapasukan kong University. Barkada din kasi nila si Bugoy, madalas kong kasama 'tong sila Bebong dahil sabay kami sa pag uwi. Kaya hindi maiwasan na mayaya sa mga inuman sa kanto kapag nasa bahay na. Doon nag kakasama kami ni Bugoy, at nag kakakwentuhan. Medyo nag bago na siya, hindi niya na'ko binabatukan at inaasar masyado ng magkasama kami, siguro dahil matatanda na kami at mas malaki na 'ko sa kanya ngayon at hindi niya na 'ko kayang paiyakin tulad nung mga bata pa kami. Makulit pa din 'tong si Bugoy ng barkada kaya masayang kasama sa mga inuman. Kaya ngayon dahil sa nangyari kailangan niyang maging seryoso sa pag papagaling. Kaya kayo mga 'tol huwag kayong bibiyahe o mag da drive kapag lango kayo sa alak, para hindi kayo matulad dito kay Bugoy. Uminom tayo ng TAMA!
WEBSITE KO!
at last natapos ko na tong website ko.. project kasi namin to sa computer csc 14-c2 under Mr. Jayver Bernardino, buti nalang ni require niya kami at least may web site nako. astig diba.. pag tagal mas pagagandahin ko pa to pag mas magaling nako sa computer, sa mga classmate ko sa csc14-c2 good luck sa atin lahat.. mag aral tayo ha! to sir Jayver thanks din po sa pag turo niyo samin. sana makapasa kami lahat.
Monday, March 07, 2005
EXTREME PROF
first day ng examination namin kanina sa school.. ok lang naman yung mga exams namin kanina nakasagot naman ako. medyo kinapos nga lang ng oras sa pag solve sa math syempre maraming problem at nag kahalu halo na yung mga formula sa utak ko. kaya hindi maiwasang ma ngopya, pero konti lang naman. naka kopya rin naman sila sakin kaya patas lang. pero ok yung prof ko na yun sa ko sa stats kasi comedy eh tsaka nakaka biruan namin sa klase kaya masipag kami mag aral sa kanya sana ganun lahat ng prof para masarap pasukan yung klase. hindi tulad nung prof ko sa typing class ko. na bwisit pa ko sa typewriter na napunta sakin kasi tumatalon, kaya medyo naging magulo yung business letter na pinagawa samin. pang finals pa naman namin yun. tsaka medyo bwisit ako sa prof kung yun, kasi parang hindi prof kung mag salita madalas pang mag mura, diba nakakainis talaga. sana nga matangal na yun sa school namin eh. tsaka may mga paborito siya sa klase namin na hindi ko alam kung bakit? sana hindi ko na ulitin yung subject kung yun para hindi ko na siya makasama ulit.. diba mag kaibang mag kaiba sila? masaya ko after nang math exam ko tapos nasira mood ko pag pasok ko sa sunod kung subject.
eto nga pala yung pic namin nung barkada ko at kababata kung si c.i, sa bahay ng isa pa naming kaibigan na si ron. wala lang.. kasi ngayon ko lang to ulit nakita at para mag karoon lang ng pic sa blog ko.. nag lalaro kami ng chess dito kalaban niya si patrick at ako ang sumunod na lumaban, obvious naman diba.