Thursday, April 28, 2005

HALO-HALO

Grabe ang init ngayon sa Pilipinas! Nakakapaso! Dalawang beses na nga akong maligo sa isang araw eh! Bago pumasok sa school at bago matulog.. Pero maya-maya lang tumutulo na naman ang pawis ko. Kapag matutulog ako sa gabi sa sala namin, iniiwan ko na lang bukas ang bintana para may pumasok na hangin. Ang bintilador, wala nang patayan, ang init na rin ng singaw na lumalabas, ang sarap sana kung may aircon kaso poor lang kaya mag tsaga.. Minsan kahit inaantok pa'ko, gumigising na lang din ako dahil sa init ng araw na pumapasok sa bintana namin, nakatapat pa sa mukha ko, para tuloy akong bampira na sinusunog ng sikat ng araw.
Kaya naman usong-uso ulit ang halo-halo at iba pang meriendang con yelo. Everytime na kakain ako nito, nababawasan ang init ng katawan ko, hindi libog ha! Ang sarap talaga! Tulad kanina, after class ko, dahil nga inaantay ko pa ang ibang kaibigan. Tumambay muna 'ko sa labas ng school para mag yosi.. pag kaubos.. inisip ko na tumambay sa library...naks naman parang iskolar! Sa library kasi air conditioned! Ang sarap matulog! Kaso nga nakakaantok lang dun, ayoko naman matulog kung bitin lang din naman, kapag nasita ka. Kaya dumeretso 'ko sa turo-turong kinakainan namin ng kaibigan ko para bumili ng halo-halo. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Naalala ko din kagabi nag usap kami ng kaibigan ko habang nasa jeep kami pauwi tungkol sa ibat-ibang klase ng halo-halong natikman namin. Sabi ko sa Nueva Ecija may kamote na sariwa pa.. kaya nag mukang tsokolate yung halo-halo, Sabi naman niya sa Cebu daw may natikman daw siya na may halo pang pinya. Siguro ganun talaga? basta prutas pwede.. Eh.. pa'no kaya kung may kamatis yung halo-halo, prutas din naman yun ha! Naisip ko lang.. sino kaya at kailan naimbento ang halo-halo?

Wednesday, April 27, 2005

SAMAHAN MO 'KO..

Last night nag text sa akin ang kaibigan ko nung highschool..syempre kaibigan ko pa rin hanggang ngayon.. Nag papasama siya sa'kin sa Munisipyo sa NSO office para kumuha ng birth certificate ng anak niya, na inaanak ko rin. Kailangan kasi 'to bago makapasok ang bata sa school. Dapat makukuha namin ang certificate within 3 to 5 days, pero nakiusap kami kung pwede naming makuha within that day.. Pumayag naman ang umasikaso sa amin pero kailangan namin mag bigay ng P250 para mas mapadali daw ang trabaho. Syempre dahil kailangan na nga namin... Ibinigay namin ang hinihingi ng teller. "LAGAY" po ang tawag dun!

Dumeretso muna 'ko sa bahay nila nung tanghale,after namin makuha ang birth certificate ng bata kasi daw gusto akong makausap ng kapatid ng asawa niya.. Medyo may idea na 'ko kung ano ang pag uusapan namin dahil nung last na punta ko dun bago ko umalis para sa Nueva Ecija may nasabi na siya tungkol dito.

Inalok niya 'ko na sumali sa networking na negosyo niya ngayon. Akala ko nung una aalukin lang niya ako na bumili ng product nila, ang kaso pag dating ko dun niyaya na din ako na mag benta at magpa member sa kanila. Pinakausap pa nga sa akin yung nag recruit sa kanya. Magaling mag salita yung parang lalake na yun. Parang kasi.. alanganin ang tingin ko sa kanya. Sinabi pa niya sa'kin na mag yaya pa daw ako ng iba ko pang kaibigan para umatend sa seminar sa Shaw Boulevard. Hindi naman ako nangako na makakapunta 'ko dahil may klase ko nang ala una. Pero pinilit ako na kahit after class daw humabol daw ako. Nag mamadali na'ko nun kasi ma lelate na nga 'ko sa summer class ko. Kaya napa OO na lang ako. Pag uwi ko sa bahay 12:30 na ng tanghale, dahil sa sobrang init at pagod na din ako, hindi na'ko nakapasok sa school. Natulog na lang ako sa bahay. Nung bandang 4:00 ng hapon nag ring ang cellphone ko. Tumatawag pala yung kapatid ng asawa ng kaibigan ko. Hindi ko agad nasagot yung tawag dahil akala ko ay nanaginip lang ako. Pero dahil hindi tumigil ang ring ng phone, nag reply ako na hindi na nga ako makakapunta dahil tinatamad ako at hindi rin naman ako nakapasok sa school. Ok lang naman daw sa kanya. Sinabi ko na lang sa text na tutulungan ko siya mag benta sa ngayon. Binigyan niya 'ko ng 15 days para pag isipan ang pagiging member.

Pero sa totoo lang.. wala akong balak na sumali sa mga networking business, Siguro dahil wala akong tiwala at tamad din ako mag alok at mag benta. Ayoko din nung pakiramdam na naniningil ng pera o utang sa mga tao lalo na sa kaibigan ko. Kaya kahit sinasabi nila na kikita ako ng P2,000,000 within 5 weeks, na parang imposible pero maganda lang pakinggan hindi pa rin ako kumbinsido, Tsaka wala naman akong trabaho sa ngayon para mag bayad ng initial set para maging member nila na worth P2,500. Kayo kapag may nag alok sa inyo na sumali sa networking, sasali ka? Ilang beses mo kaya pag iisipan?

Monday, April 25, 2005

TALAVERA

Kahapon lang ako nakauwi dito sa Manila, Galing kasi 'ko sa Nueva Ecija kasama ko ang kaibigan kong babae. Actually biglaan lang yung lakad namin wala nga akong pera na dala lahat ng gastos dun sagot niya. Wala kasi siya kasama na pumunta sa Nueva Ecija, Takot daw siyang mag isa lalo na't hindi niya kabisado yung lugar na pinuntahan namin. Wala naman daw siyang ibang puwedeng makasama kasi nasa trabaho yung iba naming mga kaibigan. Friday nga yun nanggaling pa'ko sa summer class ko tapos dumeretso agad ako sa kanila after class. Ayaw ko talaga sumama kasi prelim exam ko rin kinabukasan nun. Four hours pa naman ang biyahe from Manila to Nueva Ecija. Usapan namin uwi agad ako kinabukasan ng umaga. Napapayag na din niya ako dahil ibinilin siya sa akin ng mga kapatid niya at ng nanay niya, tiwala na rin kasi sila sa akin dahil since elementary pa kami mag kaibigan at mag kalapit lang din kami ng bahay.

Pumunta kami ng Nueva para dumalo sa despedida ng kaibigan niya na papuntang Japan, Dun na din sila nag kakilala nung naggaling din siya dun for six months. Pag dating nga namin dun sa meeting place nila.. Umangkas naman kami sa motor, akala namin napakalapit na nung bahay mula sa binabaan namin. Yun pala malayo pa.. Madilim ang daan at malakas ang hangin dahil nga puro bukid ang makikita't madadaanan mo sa lugar na yun. Pag dating namin sa bahay nung kaibigan niya, maayos naman ang naging pag accommodate sa amin ng pamilya niya. Siguro sa dalawang araw at dalawang gabi ng pag tigil namin sa kanila inuman, kantahan at kainan ang mga ginawa namin. Nag swimming din kami sa malapit na resort sa lugar nila. Nalaman ko din na matalino pala talaga ang kaibigan ng kaibigan ko. Bumilib ako dahil sa mga medals and tropies na naka display sa bahay nila, Lahat yun sa kanya since elementary to highschool naging S.K chairwoman pa nga siya dati. Tatay niya kagawad at ang lolo niya naman Barangay Captain. Medyo nanghinayang ako sa babaeng yun dahil sana ay tinuloy na lang niya ang pag aaral.

Dahil nga sa haba ng biyahe at hindi rin ako nagising ng maaga nung sabado dahil napuyat kami. Hindi na rin tuloy ako naka pasok sa school at naka pag exam. Kinakabahan nga ako dahil nag summer nga ako dahil back subject ko 'tong typing course ko. Pero kanina nakausap ko yung prof ko baka sakaling bigyan niya ko ng special exam. Pero hindi na raw dahil na compute na niya ang grades namin, pero hindi bale may finals pa naman daw, at complete requirements din naman ako sa kanya. Kahapon Lingo hinatid namin sa Airport yung babae. Ganun pala talaga emosyonal silang lahat lalo na yung pamilya nung babae. Pati tuloy ako parang ang tagal ko na rin siyang naging kaibigan, dahil nalungkot din ako sa pag alis niya. Yun kasi ang first time kong makapasok sa Airport, hindi naman kasi ko talaga sumasama sa pag hahatid sa mga taong mag aabroad lalo na kung malapit sa akin. Baka kasi malungkot lang ako. Tsaka isa pa lang sa pamilya namin nag nakapag abroad, at one week lang siya dun para mag seminar lang. Kaya hindi rin ako sanay. Nag hiwalay na kami sa Airport nung pamilya nung babae dahil nag taxi na lang kami ng kaibigan ko pauwi sa amin. Hanggang sa huli ay naging mabait pa din sila, inalok pa nila kami na bumalik sa bayan nila sa Talavera kahit na wala ang anak nila. At nag paalam na nga kami at nag pasalamat sa kabaitan nila.

Friday, April 22, 2005

KOREANOVELA FEVER

Usong uso ngayon ang mga koreanovela. Two giant t.v network ang mahigpit ngayong mag karibal sa pag agaw sa atensyon ng mga tao ngayon. Samantalang dati pinagtatawanan ko pa yung mga tagalize na telenovela. Ngayon parang tanggap na tanggap na natin at sanay na din tayo kapag nakakapanood ng mga ito. Dalawa kami ngayon ng kaibigan ko ang adik sa panonood. Kahit mga machong tambay sa lugar namin nasa bahay kapag primetime na. Syempre naka abang sa mga Koreanovela. Dati chinovela na inumpisahan ng F4 sa Meteor Garden na ipinalabas sa ABS-CBN2. Tapos pinauso naman ng GMA7 ang mga Koreanovela. Endless Love naman. Then nag sulputan pa ang iba na tulad ng Lovers in Paris, Memories of Bali and Stained Glass ng ABS-CBN2. Stairway to Heaven naman at Fullhouse ang top rated ng GMA7. Kaya tuloy sa bahay palipat-lipat na kami ng station. Minsan Kapamilya minsan Kapuso.. Alam ko marami pang tulad ko ang nahawa na ng fever na ito. Minsan ang epekto.. Gusto na nating lahat mag paputi dahil sa inggit sa mga kutis ng mga Koreano.

Thursday, April 21, 2005

THE BEAR SONG

May tatlong bear sa loob ng isang bahay... Si Papa bear, Si Mama bear at Si Baby bear... Si papa bear ay malakas... Si mama bear ay maganda... Si baby bear ay maliksi... Tingnan niyo.... Tingnan niyo.... Ang saya nila......

FROM: Koreanovela "Fullhouse" aired at GMA7

Tuesday, April 19, 2005

PINOY FX DRIVER

Last week umuwi ate ko sa bahay na mukang problemado dahil naiwan niya ang mga papeles ng komapanya nila sa FX taxi na biyaheng Crossing via Antipolo. Laman daw nito yung mga receipts and reinbursement ng opisina nila, Kaya malamang problemahin niya talaga 'to kapag hindi naibalik sa kanya. Pinakiusapan nga niya 'ko na pumunta sa Crossing para kausapin yung Fx driver, Isa-isahin ko daw yung mga white taxi dun, Kasi yun lang ang natatandaan niya, kulay ng FX... Biniro ko siya na manawagan sa A.M Radio kasi malamang nakikinig ng balita yun sa umaga.

Kinabukasan ginising ako ng ate ko para nga dun sa iniutos niya, kaso tinamad ako dahil napuyat din ako. Sabi ko after na lang ng klase ko sa hapon. Habang nasa school ako nag text ang nanay ko na tumawag na daw yung FX driver at mag kikita na nga daw sila ng kapatid ko sa EDSA Crossing. Akala namin dahil yun sa panawagan niya sa radyo, Una natuwa ako sa DZMM dahil bumilib ako dahil ibig sabihin marami talaga silang taga pakinig. Pag-uwi ng kapatid ko sinabi niya na nag kusa daw yung driver na hanapin yung opisina niya dahil nga sa address at phone number na nakasulat sa mga resibo. Pero salamat na din sa DZMM dahil napatunayan ko na handa talaga silang tumulong. Sa tuwa ng ate ko inabutan niya ang driver ng P1000. Nung una ayaw daw itong tangapin pero pinilit siya bilang pasasalamat. Tutal nga naman pera lang yun na pwede mong kitain kaysa naman mawalan ka ng pag kakakitaan.

Marami na 'kong nabalitaang tungkol sa mga Pinoy taxi driver, Kahit sa ibang bansa sikat sila dahil minsan mga foreigner yung nakakaiwan ng mga importanteng bagay minsan malalaking halaga pa. At naibabalik nga sa kanila dahil sa kabaitan ng mga Pinoy.

Friday, April 15, 2005

EWAN KO BA?!

Hayy.. naku wala na naman ako magawa... Dito ulit ako sa tambayan. Hindi ko maintindihan kung bakit na lang parang hindi na'ko mapirme sa bahay, mas madalas ko pang nakakasama mga kaibigan ko kaysa sa nanay ko. Kaya nga kagabi yung mga barkada ko naman ang pinapunta ko sa bahay namin para dun naman kami tumambay. Nood lang kami DVD tapos yun ok na, Yun lang kasi ang pwede naming gawin sa bahay namin eh, hindi naman kasi pwede mag inuman dahil magagalit ang nanay ko, pwera na nga lang kung birthday ko o may ibang okasyon. Umuwi pa ate ko kagabi na problemado, kasi naiwan daw niya sa Fx yung bag na may lamang mga papeles sa trabaho niya. Inuutusan nga niya 'ko kanina na isa-isahin yung mga puting Fx na biyaheng Crossing via Antipolo. Ginigising niya 'ko kanina kaso puyat nga ako kaya hindi ko rin nagawa yung inuutos niya.

Tapos kanina din tumawag yung kaibigan ko na nanggaling naman sa Hong Kong habang naliligo ako, pero alam ko na kung bakit siya tumawag, Mag kita-kita daw kami sa school mamayang 7p.m tagal na din kasi namin hindi nag kita simula nang tumigil siya sa pag-aaral. Nag-aalangan naman ako! kasi wala akong gana. Yung isa ko pang kaibigan sa amin niyaya din ako mamayang gabi na tumambay sa bahay ng pinsan niya na barkada ko din. Ewan ko ba?! Wala pa naman ako load ngayon kaya hindi ako maka text sa mga kaibigan kong makikipagkita sa akin mamaya sa school. Basta tinatamad talaga 'ko ngayon! Kaya lang baka magalit sila kung mang indian ako!? Bahala na nga..

Thursday, April 14, 2005

ABSENT AKO NGAYON..

Hindi ako ngayon nakapasok sa kaisa- isa kong klase, late na kasi 'ko nagising kanina eh.. Medyo tinatamad din kasi 'ko kanina mag- kikilos. 1p.m ang klase ko, naligo 'ko mga 12:10 na, matagal pa naman ako gumamit ng banyo... Nakatulog pa 'ko habang tumatae. Nagising lang ako nung biglang sumigaw ang nanay ko! Bakit daw ang tagal ko sa banyo.. ano ba daw ang ginagawa ko.. Kaya agad akong nag hugas ng puwet at naligo. Tapos wala pa 'kong masuot na maong kasi nilaban pala lahat. Kaya nag formal pants na lang ako at nag polo.. Iritable tuloy ako ngayon!

Tapos naidlip pa ulit ako sa sala namin habang nanonood ng wowowee at eat bulaga.. Palipat lipat kasi ko nang station eh.. Naglalaba kasi nanay ko kanina kaya akala niya naka alis na'ko.. Binulyawan na naman ako nang makita akong nakahilata.. Sabi ko na lang sa kanya malelate yung prof. ko ngayon kaya hindi ako masyadong nag mamadali. Pero pumunta pa din ako sa school kahit wala na akong papasukan, nakarating ako dito bago mag alas kwatro..

Antayin ko na lang yung mga kaibigan ko para may kasabay din ako sa pag-uwi. Dito na lang ako ngayon tumambay sa internet shop sa tapat nang school. Bagong bukas lang kasi 'to.. Nung isang araw nga first time kong tumambay dito, tinuro lang sa akin ng dati kong classmate sa P.E. O.k nga dito kaysa dun sa dati kong tambayan. Kasi may promo pa sila ngayon. Biro mo kapag 2 hours ka may free kang another 30 minutes tapos may free ding snack with ice tea pa! sa halagang 40 pesos lang at kung 3 hours ka 50 pesos at malamang may free na 1 hour at snacks din! Di ba ayos! Sabi nga sakin nung may ari na sabihin ko daw 'to sa iba ko pang kakilala.

Pero mas ok pa din yung libre di ba!? Kaso dun sa computer room sa school namin sarado na kapag 4p.m kaya dito ulit ako napatambay. Ayy!! hindi rin pala masasabing libre yun, kasi bayad namin yun sa tuition fee eh.. Pero ayos na din.

Wednesday, April 13, 2005

MEET THE PECKER

Last night after my summer class,niyaya ako ng kaibigan ko na samahan siya sa G4 para sunduin ang syota niya na kagagaling lang mula probinsya. Pumunta siya dito para mag patulong na humanap ng dormitory na tutuluyan niya dito sa Manila. Marami na siyang nakuwento tungkol dito sa taong 'to.. kaya kahit pa'no eh may alam na 'ko sa kanya.. May pag ka mayabang daw ito at medyo immature pa. Pero sweet naman daw.. Nag kakilala sila 2002 pa through a common friend, Hindi ko siya nakilala nung time na yun kasi may trabaho ko nun sa isang fast food at hindi rin kami mag kasundo nung mga panahon na yun dahil sa hindi pag kakaunawaan.

Ayoko nga talagang sumama kahapon, Kasi naman baka ma-out of place lang ako sa kanila inaantok din ako at nagugutom na.. nauubos kasi yung baon ko dahil libang ako ngayon sa blog kong 'to. Sarado kasi yung multi media room namin kahapon, pero dito na ulit ako ngayon. Sumakay na nga ako ng jeep kahapon kasabay ang isang kakilala sa school. Naiwan ko na siya dahil mag kaiba ang way namin. Pero habang nasa jeeep ako nag text siya na samahan ko na daw siya kasi may kasama din yung ka meet niya.. Bumaba ako sa crossing at doon na lang kami nagkita, sagot naman niya lahat eh.. pamasahe at pag kain.

Bumaba kami sa Ayala Station at naglakad papuntang G4.. medyo bwisit na nga siya kasi pag dating namin sa meeting place nila wala siya dun.. Nag antay kami siguro hanggang 15 to 20 minutes. Maya maya dumating na nga ang syota niya.. Agad siyang inakbayan nito at ipinakilala na nga niya sa akin. Masasabi kong medyo presko nga siya at may pag social climber, at yung kasama niya ganun din.. Sobra puti na halata namang dahil sa mga gamot siguro na ipinapahid nito sa katawan. Natatawa lang ako sa syota niya kasi masyadong PDA habang nag lalakad at kahit nung nasa Fx na kami ang lakas bumulong..Nag titinginan na nga yung ibang pasahero sa kanila..

Natatawa din ako kasi alam kong ayaw nang kaibigan kong 'to ng masyadong PDA.. at halata sa kanya na ilang na ilang siya habang nag lalakad sa mall at habang nasa loob ng FX. Medyo turned off na daw siya dito kasi, hindi na kasi makinis ang mukha ng syota niya, hindi tulad nung una silang mag kakilala.. nakita ko din sa pics nito na o.k naman talaga ang looks niya dati.. Siguro dahil nga nasa province sila kaya napabayaan na yung kutis niya. May "K" din naman na maging mayabang 'tong syota niya dahil may inuupahan silang bahay sa isang exclusive village sa Makati. Iniwan ko na sila after kong manood nang Stained Glass sa bahay nila.. Doon na natulog ang syota niya at ang kasama nito. Kanina tumawag sa akin ang kaibigan ko na nakaalis na nga daw ang mga bisita at umuwi muna sa bahay niya sa Makati. Mamaya daw ay may inuman sila, niyaya niya ko pero malamang hindi ako sumama. Medyo naguguluhan siya sa relasyon nila...Basta hinayaan ko na lang siya para sa verdict niya.

Tuesday, April 12, 2005

WOW, COOL KA LANG!

Last night tinawagan ako ng kaibigan ko para yayain mag inuman, Medyo may problema lang daw siya at kailangan niya ng mga kaibigan na makaka kwentuhan, cool off daw kasi sila ng syota niya..
Ganito kasi yun.. Mag kakasama kami last Friday ng mga kaibigan ko... sila yung mga barkada ko since elementary pa.. Kauuwi lang kasi ng isa naming tropa na galing sa Japan para maging singer dun.. Syempre konting celebration. Tinawagan ko din ang isa ko pang kaibigan na naipakilala ko na din sa kanila bago pa nung birthday ko nung January. Nung una ayaw niya talagang sumama dahil inaayos niya yung blogsite niya, Blogger din kasi yun! Siya nga nag turo sakin nito. Gusto ko siyang papuntahin para ipakilala ko sa kaibigan kong kauuwi lang sa Pinas.. Hindi ko nga siya nakumbinsi eh! Pero etong isa ko pang ate na barkada ko ang pumilit sa kanya na pumunta, Alas dos na yata ng madaling araw yun?! Tinawagan siya through cel. unlimited kasi yung load niya. Pumayag na din tong kaibigan ko na pumunta! ubos na nga yung Tequilla na inumin namin nung dumating siya.. kaya malamang hindi na siya makaka relate sa mga tama namin dun.. Beer nalang yung naabutan niya! Nag kakasakitan na nga kami dun, sabi nila ako daw yung masyadong magulo nung gabing yun! Dare nga nila ko na kunin ko yung lighter na nahulog sa inidoro.. kinuha ko nga! Hindi ko naman maitangi na ginawa ko yun, dahil naka video pala yung ginawa ko! sa celphone nung isa ko pang barkada.
At dahil nga sa hightech na ngayon, at may mga kamera yung mga cel. nila, nag ka picture- picturan kami.. Tapos 'tong si Ate ng barkada kumandong sa barkada ko at nag pakuha sa cel. na siya ang may ari.. Natapos ang inuman bago mag ala sais ng umaga, may mga lakad pa nga yung iba papuntang Batangas nung umagang yun. Hindi na daw nila ko niyaya kasi ang kulit ko na daw, pero kahit yayain naman nila ko hindi naman talaga ko sasama.. kahit libre pa! Kasi may summer class ako..
After nilang makauwi sa Batangas nung Sunday night, napadaan ako sa bahay ng syota ng ate namin, tinanong ko yung lalake kung nakauwi na ba sila! Halata na wala sa mood ang sagot niya, sabi niya nandyan siya sa loob.. tabing kalsada lang kasi yung kwarto niya kaya sumilip na din ako, kinamusta ko yung nangyari, matipid yung sagot niya kaya halata ko na mukang may problema sila.. kaya umuwi nalang ako.. Nung gabi ding yun tumawag pa sa akin tong si ate na parang umiyak sa cellphone, hindi ko nga masyado maintindihan yung sinasabi niya pero "gets" kong nag aaway sila.. Kasi may umagaw nung cel. niya at hindi ko na alam yung sumunod.. Gusto ko sanang tumawag, pero wala akong load.. Inisip ko din na pumunta doon sa bahay tutal malapit lang sa bahay namin yun.. Kaso baka naman mas kailangan na sila ang mag usap ng maayos at huwag nalang makialam baka lalo pa kasing lumaki yung gulo..
Kinabukasan nga.. kagabi lang yun! tinawagan ako ni ate ng barkada at sinabi niya na break na daw sila! Sabi ko naman bakit? Kasi daw nag selos tong syota niya sa nakita sa picture sa cel. niya na naka kandong siya sa lalaki, na barkada ko.. At pinag seselosan daw nito yung barkadahan namin kada may inuman.. Explain niya na huwag pag selosan 'to dahil..........oooopsss! Basta, wala naman kasi dapat ipag selos 'tong syota niya... Pati daw ako pinag seselosan na din! na hindi naman talaga dapat kasi parang kapatid na ang turingan namin ng barkada kong 'to, Actually highschool friend siya ng kapatid ko na 10 years older than me, so mag ka edad lang sila nitong barkada kong 'to.. Bata pa 'ko nung una ko siyang makilala, kasi sabay sila ng kapatid ko sa pag pasok sa school..Nag kasama lang ulit kami ngayon dahil pinsan pala siya ng barkada ko, dati ko ring kapitbahay si Ate. Ayon! marami pang dahilan kaya hindi dapat ako pag selosan!
Pero yung guy naman daw yung unang nag approach sa barkada ko, humingi pa nga daw ito ng sorry sa nangyari at sa masasakit na nasabi sa kanya.. at tawagan lang daw siya kung gusto nitong bumalik.. After nung pag sasalo salo namin kagabi.. Naisip na din nang tropa kong 'to na bumalik, hinatid pa nga namin siya doon sa bahay nung lalake.. At para mag explain na din.. Maayos naman yung pag uusap namin, kahit dun lang kami sa kalye na katabi nung kwarto niya..na dating barberya ng tatay niya.. Natapos naman yung usapan sa biruan at mukang o.k na naman.. Pero lahat nung nasabi ko sa lalake eh totoo.. hindi ko na kailangan isulat dito sa blog dahil masyado maselan at personal sana napag katiwalaan niya naman kami, at yung kaibigan namin kung totoong mahal niya 'to..Peace!!!!

Monday, April 11, 2005

UNANG SUBOK

This is the first time that I've used our new multimedia section where we can stay for a while to use internet access during vacant period. I discovered this last week while having a conversation with my friend. He told me that he usually spend his time here, instead of renting a computer outside like what I've been doing for the past few weeks. Now, there's an alternative where we can unwind and relax for FREE!!!

Actually, I'm just taking my speed typing course from 1 to 2:30p.m. My previous professor failed me in this subject last semester. I'm just waiting for my friends who are also taking their summer classes. Anyway, I'm enjoying what I'm doing right now.. But it's quite disappointing because it's too late for me to use this facility...I think there are only a few students who knew about this place..

Most of the students in our school like me spend their time smoking and drinking outside the campus. I'm also thankful at least now before I leave the campus, I have something to keep myself busy. I'm looking forward that there will be more new things or facilities that may help develop the skills and knowledge of the students.

Friday, April 08, 2005

TOTUS TUUS!

"Totus tuus" - "I am all yours"

From Imbestigador:

26 years into his papacy and at the age of 84 our beloved holy father bade farewell to his earthly mission to be welcomed into the almighty's loving embrace. Amen was the last word he uttered, which perfectly summarizes a life devoted in faithful service to Christ and his church. In our traditional translation was his last conscious thought. As one of the Filipino Youth I personally offer this blog to his greatness as human being and for giving his special love to the Philippines next to his country Poland.


I still remember the time that he visited the country last Januay of 1995 to host the 10th World Youth Day, I was 11 years old that time.. He truly inspired a lot of people especially the youth like me..

Philippine Star:

We join our hands in love and gratitude as we say..."May the angels lead you to Paradise,May the angels come to welcome you"...


And may your life continue to inspire the people as we remember you.. Farewell to you... PJPII.. Filipino Loves You!!

Wednesday, April 06, 2005

MOSHI MOSHI!

Last Tuesday ng madaling araw, tinawagan ako ng kaibigan kong kagagaling lang sa Japan. 6 months din ang itinagal niya dun para mag trabaho as a singer to a prestigious night bar. Dumating siya nung April 1 pa kaso hindi namin agad siya nadalaw kasi nga busy din ako that time para sa graduation namin nung Sunday, Yung iba naman naming kaibigan nag bakasyon for three days sa Puerto Galera. During graduation day ko nga eh nag text pa siya sa akin para batiin ako. Sabi niya set nalang natin yung inuman pag dating nung iba pa naming kaibigan para double celebration..Kinabukasan Monday night dumating na sila, nalaman ko through text. Ako naman nakatambay sa bahay ng kaibigan ko nun. Tinawagan ko sila.. Sabi ko, "Nagyayaya yung kaibigan natin na punta tayo sa bahay nila.. "Let's celebrate sagot daw niya ang inuman". "Syempre alam niyo na yun! daming lapad.." Ang kaso nag alangan sila na ituloy nung gabing yun yung plano, kasi nga pagod daw sila galing biyahe, set nalang daw to the following day.. Sabi ko. "ok kaso baka mag tampo yun".. Hindi na nga sila tumuloy.. Tinawagan pa ako ng friend ko na ako nalang daw mag isa ang pumunta sa bahay nila.

Pag deretso ko sa gate nakita ko nga siyang naka abang sa bakuran ng bahay.. may bisita din siyang lalaki nun pero hindi ko naman kilala, mukha namang mabait.. Akala ko nga manliligaw niya, sabi niya naman friend daw yun nung kasama niya rin sa Japan.. Umalis din naman yung lalaki pagka dating ko.. Kaya kami nalang dalawa ang naiwan dun.. Syempre nagka kwentuhan kami.. Tuwang tuwa kami ng mag kita.. Hindi naman ganung kalaki ang ipinagbago ng kaibigan kung yun physically, kasi kung tutuusin maganda naman talaga siya kahit nung nandito pa siya sa Pinas, may pagka boyish pa nga yan eh.. Maraming nag tangkang lumigaw pero hindi niya sinagot.
Pumasok siya sandali sa bahay nila para kunin yung mga pasalubong niyang chocolates at yung gift niya sa akin.. natuwa naman ako.. kaya lang medyo masama ang loob niya sa mga kaibigan kong hindi naka punta nung gabing yun! Kasi nga naman daw parang hindi daw siya binigyang halaga kahit konting oras lang... Naintindihan ko din yung side niya, pero alam ko din kasi yung pakiramdam nung kagagaling mo lang sa malayong biyahe.. masarap talaga matulog..
Pinakita niya sa akin yung mga pics. niya from Japan, Hindi ko nga siya nakilala nung una eh! Kasi ang ganda talaga nung mga kuha niya, Ibang iba yung porma niya.. Pinakita niya rin yung Pics nila ng B.F niya dun.. Ok naman ang looks para sa 'kin.. mukha namang mabait.. sabi niya mahal na daw niya yun!

Akala ko hindi na siya babalik sa Japan kasi alam ko na mahigpit na ngayon ang embassy sa pag papadala ng mga pinay doon.. Sabi niya babalik daw siya 2 to 3 months from now.. Naku mukang mag iiba na talaga siya dun! Nag enjoy na rin kasi siya sa ginagawa niya eh! Iniba ko muna ang usapan.. Tanong ko sa kanya, kung kailan namin itutuloy yung get together naming mag kakaibigan.. Sabi niya hindi na daw niya alam.. baka? Next month na daw dahil marami siya aasikasuhin dito, Sayang nga daw at hindi naka punta yung iba dahil baka matagalan ulit siya namin makasama habang dito pa siya.

Ito kasing kaibigang kong 'to, napaka lakas ng personality takot nga akong maka tampuhan siya kasi 'lam ko makikipag matigasan talaga.. May pagka boyish nga! Mag kakakilala na kami since Elementary pa kaya alam na namin yung mga takbo ng utak namin at likaw ng bituka.
Kung may napansin man akong pag babago sa kanya eh.. Masasabi ko na mas naging liberal ang pagkatao niya ngayon, siguro dahil sa kultura sa bansang pinag trabahuan niya.. Sana nga lang eh huwag mawala yung pagiging totoo niya at pagiging sweet sa mga taong nakasama niya. Lalo na ngayong babalik pa siya sa Japan ng marami pang beses.

Monday, April 04, 2005

THIS IS IT!

Pag katapos ng lahat ng pag hihirap at sarap...naka graduate din ako! Akala ko hindi matatawag ang pangalan ko eh... Grabe talaga! Nag umpisa yung pogram kahapon ng 4p.m. Nasa bahay pa nga ako nung mga bandang mag aalas tres na, Pero nag aalangan pa din ako kung pupunta ba ako sa graduation kasi kinakabahan talaga ko na baka hindi matawag ang pangalan ko sa stage. Tinawagan ko muna ang kaibigan ko na kasabay ko din mag ma-march nung araw na yun.. Sabi niya paalis na daw sila.. sabi ko.. "sige sunod nalang ako dun ".
Pumunta ako ng school ng ako lang muna mag isa, kasi ang babagal mag sikilos ng mga kapatid kong manonood ng graduation.. Habang nasa jeep nga ako nakita ko yung iba na naka chikot pa.. Pero ok lang yun sakin! Cowboy naman ako eh! Pag dating ko sa school namin una kung nakita ang girl friend ng kaibigan ko.. at sinamahan niya ako na puntahan 'to.. kasi medyo taranta na din ako.. lahat kasi naka suot na ng toga nila.. at kasama na nila ang mga magulang.. Biniro ko nga sila na walang aatend sa akin eh.. Niloko din niya ko na bakit ka nandito eh.. wala naman name mo sa program?!
Sabay na kami pumunta sa covered court ng campus, para hanapin ang pwesto namin. Una tinanong ko muna yung administrator kung saan ako pwesto ko? Sabi niya eh di tignan mo yung name mo sa program?! Sabi ko.. "Ahhh Sir wala po kasi yung name ko dun eh" sabay kamot sa ulo.. "Ahh ganun ba"? sabi niya.. hinanap niya ang name ko sa master list.. buti nalang nandun.. Nakahinga din ako ng maluwag..
Ang dami ko ngang nakitang kakilala, yung iba naging classmate ko na delikado din sa accounting tulad ko pero naka pasa.. Tuwang tuwa pa kaming nag kamayan.. Sabi nila.. "tang inang prof. yun ang lakas manakot ha"! Ako naman naki oo na din! Kasi kung tutuusin tatlo lang sa mga pinaka malapit kung kaibigat ang nakasabay kung mag march! kKinakabahan pa ako kasi kung tawagin man ang pangalan ko baka mag tawanan yung crowd kasi sobra haba tsaka ang panget pakinggan nung second name ko lalo na yung middle name ko.. Hindi naman sa ikinahihiya ko kaso! Ang panget talaga! Buti nalang hindi yung slang na prof ang nag announce ng name ko.. Pinalitan na siya siguro dahil sa dami ng estudyante napagod! Kung tumawag pa naman ng pangalan yun parang M.C sa boxing!! Bigla nalang mabubuhay yung crowd! Ang tagal nga natapos yung program! Nag start kami 4:15 p.m natapos na quarter to 10.. Hindi na nga kami nag kita ng kaibigan ko after nung graduation kasi tumakas na siya sa inip.. at inaantok na din yung mga kasama niya.. ako naman naiwan.. hindi ako maka takas kasi naka bantay yung isang administrator sa helera namin.. Nasira tuloy yung plano na mag sama nalang kami ng pamilya niya at pamilya ko na kumain sa isang restaurant, wala nga man lang kaming picture kahit yung iba ko pang kaibigan hindi ko na nakita kasi siksikan na at masyado na magulo pag katapos.. Lahat gutom na at nagmamadali ng maka kain..
Dumeretso nalang kami ng mga kapatid ko at momy ko sa isang mall para kumain.. nabusog naman ako! hindi nga namin naubos At pinabalot nalang namin yung mga natira.. kasi sayang naman.. ang dami pa kasi eh.. Pag daan ko sa looban sa amin nakita ko ang mga barkada ko sa may kanto, kaya paalam ako sa momy ko na baba muna 'ko sa taxi para treat lang sila kahit papano.. Nag inuman kami... hangang 3a.m. Ganun naman talaga eh! Hindi pwede mawala inuman... Kahit na nag summer class pa ako ngayon dahil sa isang subject ok na din kasi alam ko last na 'to.. Tsaka minor subject lang naman.. kaya nga pinayagan ako maka akyat sa stage, basta daw i-summer ko lang ngayon.. Kung tutuusin napag initan lang ako nung prof. kong bading na gusto mag pabayad para ipasa niya ako.. Eh!! sorry siya! Mas gusto ko pa umulit kaysa bayaran siya! Buti na lang at hindi siya ang prof. ko ngayon.. Grabe yun ang dami ko ngang classmate na binaksak niya eh, Ngayon classmate ko sila ulet! Kaya nung makita ko nga yun sa march ng graduation.. hindi ko binati! Basta alam ko nakatapos na ako! Iisipin ko na lang ngayon trabaho...trabaho!!!

Sunday, April 03, 2005

BREAK A LEG!

One day before ng graduation namin bumalik ulet ako sa school para kunin ang toga, Kasi naman sa haba ng pila nung Biyernes naubusan kami ng toga ng isa ko pang kaibigan, Kaya napag usapan namin na bumalik nalang kinabukasan. Ang usapan pa nga namin ay sabay kami pupunta school at dadaanan ko nalang siya sa bahay nila ng alas otso ng umaga. Pero dahil pareho kami puyat dahil tumambay pa kami sa bahay ng aming kaibigan hanggang alas dos ng madaling araw, At lalo pa! na naharang na naman ng mga barkada sa may kanto na nag iinuman, hindi rin ako nagising at naka sunod sa usapan namin. Kaya nga tumawag na tong kaibigan ko sa bahay kung bakit hindi pako tumatawag. Sabi ko mauna nalang siya sa school kasi nga kagigising ko lang at tumatae pako..

Habang nasa biyahe pako nag text na siya para sabihin na bilisan ko dahil humahaba na ang pila baka maubusan na naman kami. Naka kuha na nga siya ng toga pero ako wala pa.. Pero buti nalang at diniskartehan niya na para hindi nako mahirapan sa pag kuha. Pumila siya ulit para pag dating ko ako nalang ang papalit. Nung dumating nga ako sabi niya pangatlong pila na niya yun..Kaya mabilis ko din nakuha ang toga ko.. nakalimutan ko pa ngang bayaran yun eh.. Kasi yung nag susukat basta binigay nalang sakin.

Ang panibagong pag aalala ko lang kahit may toga nako ay ang hindi pag kasali nang pangalan ko sa graduation program... Grabe sino ba naman ang hindi kakabahan eh baka pag nandun nako sa pila paakyat ng stage hindi matawag ang pangalan ko! Ang laking kahihiyan naman nun! Kaya nag pasama ko sa kaibigan ko sa palpak na registrar ng school namin.. Paano ba naman hangang sa huli binibigyan ako ng sakit ng ulo!

Para siguraduhin na kasali ko sa commencement, tinanong ko ang office kung bakit wala ako sa program list.. sabi lang sakin.. " Wag ka mag alala kasali ka.. kaso late mo na naayos yung mga requirement mo kaya hindi ka nailista sa program" isip isip ko Ganun?! Eh kayo naman tong may kasalanan kung bakit nagka problema ko...Pinakita pa nga niya sakin yung master list na babasahin sa stage.. Nandun nga ako!? Pero handwritten lang na may arrow pa ng red ballpen after ng isang estudyante.. Pakiramdam ko tuloy kawawang kawawa ko.. ang dami ko na ngang naibayad sa kanila! gaganituhin pako.. Explain din sakin ng babae sa registrar na mag re-reprint naman sila ng bagong master list.. Huwag ko nalang daw intindihin yung list of program ng mga estudyante hindi naman daw kasi yun yung babasahin.. Sige nakumbinsi na din daw ako? Pero hangang ngayon alanganin pa din yung isip ko.. parang ayoko na nga mag march mamaya.. Kaso.. Di ba eto naman yung pinaka aabangan talagang graduation ceremony? Ang College Graduation.. Kaso eto din yung school na nag pasama ng husto sa kalooban ko.. Kaya Good Luck na lang sakin... at sa mga kaibigan at kasabay kung ga-graduate 13 hours from now... Good Luck din sa inyo..